Alexandrite's Pov
"Hala!" umayos ako nang tayo at muling sinubukan na buksan ang aking facebook account kaya lang ay ayaw talaga, pero noong facebook account naman ni Primo ang nilog in ko ay ayos lang.
Facebook ko, twitter at instagram, lahat 'yon ay hindi ko na mabuksan.
"Alex?" hinahapo pa at hindi na magkandamayaw sa pag-aalalang tanong sa 'kin ni Tita Nerie. Nakahawak 'to sa may pinto at sapo-sapo ang kaniyang dibdib habang pasimpleng hinahabol ang hininga.
Mas lalo pang tumawid ang pagkakatayo ko nang kaswal na pumasok si Primo sa kwarto. Awtomatik na sumunod ang mata ko sa bawat kilos nito habang may parang kung ano siyang hinahanap.
"Anong problema?" tanong na nito. My smile froze till it became an awkward curve. Kapag sinabi ko sa kaniya ang dahilan nang pagsigaw ko na naging mitsa nang pag-aalala nila ni Tita Nerie ay baka sungitan at mabatukan n'ya lang ako.
Nang mag-angat ako ng tingin kay Primo ay saka ko lang napagtanto na mukhang hindi pa 'to tapos maligo dahil mayroon pa ngang mga shampoo sa mga buhok nito.
Nag-iwas ako ng tingin. Umayos ka, Alexandrite Mersiles, kahit na kaakit-akit at kakain-kain ang iyong future husband, h'wag na h'wag mo siyang pagnanasaan.
Hindi mapangnasa ang isang dalagang Pilipina.
Saglit nga, gano'n ba talaga kalakas 'yong paghiyaw ko? Infairness lang kay future husband, a. Kahit na ano pang ginagawa n'ya ay handa siyang pumunta sa 'kin kapag kailangan ko s'ya.
#RelationshipGoals
#DiLahatJinojowaNgCrush
#MaramingInggit"Okay, love birds, kayo na ang bahala rito dahil aayusin ko pa ang packed lunch mo, Primo," Tita Nerie declared with a cheeky smile and left.
"So, what is it? What happened?" Primitivo reprimand.
Ganito 'yon mylabs, 'yong mga fangirl mo ay masiyado atang na-insecure sa 'kin at ang mga social media accounts ko ang binalingan nila ng galit at selos at kung ano-ano pang kabiteran.
Iniabot ko kay Primo ang phone ko pagkatapos kong mai-log-in ang aking facebook. His eyes still pasted on me, he took my phone and look in it.
"Ang immature ng mga fans mo, a." I ranted out. Sayang 'yong mga account na 'yon, maliban sa solid na reactor, follower at kung ano pa'y nasa facebook at instagram ang karamihan sa mga photos na idinelete ko na sa 'king phone.
Iniangat ni Primo ang kamay at ipinatong 'yon sa kaniyang bewang. "Kung nagkataon na iba ang babaeng gusto ko at 'yon ang tinag ko sa relationship status, sigurado ako na kabilang ka rin dapat sa mga immature fans na sinasabi mo," ani Primo saka nilapag ang cellphone sa ibabaw ng night stand.
Sinimangutan ko lang 'to saka inismiran.
Hah! Anong akala n'ya sa 'kin? Gano'n kababaw, kung ibang babae ang nagustuhan niya ay buong puso ko 'yong tatanggapin at magiging masaya na lang para sa kanila—ay, wait lang... baka hindi rin, ang hirap kayang igive up ni Primo basta-basta lalo na kung sa 'kin lang naman s'ya bagay.
Ba't ko ba 'to problema ngayon e, ako naman 'yong babaeng gusto n'ya?
"Ipapakisuyo ko na lang 'to mamaya kay Ram, maayos n'ya 'yon," sabi n'ya. Lumiwanag ang mukha ko ngunit bago ko pa masabi sa kaniya ang email at password ng facebook ko'y nakalabas na 'to ng kwarto.
Napakurap-kurap ako at inabot din ng ilang segundo bago 'ko naisipan na sumunod na lang sa kaniyang kwarto.
"Wait!" pag-awat ko nang isasara na dapat nito ang pinto. Dali-dali 'yong binuksan ni Primo at bilang makapal ang mukha at babaeng gusto n'ya, dire-diretso lang akong pumasok sa loob ng kwarto nito. Ang slacks, medyas, kurbata button down at maging boxer shorts nito ay namataan kong maayos na nakalatag na sa ibabaw ng kama n'ya.