Chapter 12

24.4K 569 24
                                    

Alexandrite's Pov

"Oh, Alex ang aga mo naman nagising," puna ni Tita Nerie nang magkasalubong kami sa may french door na daanan din para makapunta sa may pool area.

Gumising talaga ako ng maaga ngayon para makapaghanda ng simpleng umagahan sa may pool area.

Napansin ko lang na maganda ang sikat ng araw doon t'wing umaga at presko rin ang hangin.

I went straight to her and kiss her in her cheeks. "Good morning po, Tita. Tapos ko na po halos lutuin 'yong mga pagkain natin na pang-umagahan maliban sa french toast ni Primo," sambit ko habang sinusundan siya papunta sa kusina.

Dumiretso kaagad ito sa may induction cooker para isalang na ang pagkain na 'yon ng maldito niyang anak habang isang box naman ng fresh na orange juice ang kinuha ko mula sa ref para ilagay din sa labas.

Habang naglalakad ulit papunta sa may pool area ay sinisipat ko naman ang maliit na notebook na hawak kung saan nakalista ang iilang terms and vocabulary na kailangan kong maisaulo dahil sigurado akong kasama ang mga 'yon sa entrance exam ng Imperial College.

Nakita ko rin ang mga 'to roon sa mga librong ibinigay sa 'kin ni Primo kagabi.

"Vital signs; clinical measurements that indicate the state of a patient's body function," ibinaba ko ang notebook na hawak sakto sa pagpatong ko ng box ng juice sa ibabaw ng lamesa kung nasaan din ang mga umagahan na inihain ko kanina.

Kumpleto na 'yon halos maliban sa kape ni Tito Benedict at ni future husband, Primo lovey-doves.

"Vital signs; clinical measurements that indicate the state of a patient's body function," pag-uulit ko ulit sa salitang kinakabisa ko pero sa pagkakataong 'to ay hindi na ako nakatingin sa libro.

Omfg! Kaonti na lang, kaonti na lang at mamatay na 'ko! Ilang mga terms pa lang ang nakakabisado at ang naifamiliarize 'ko pero parang susuko na ata ang utak ko.

Ang nurse ang partner ng Doctor...pero p'wede bang h'wag na lang akong maging nurse? Magpapakasal na lang ako sa isang Doctor at dahil kasal na kami edi ako na ang partner in life n'ya parang gano'n na rin 'yon.

Primo pakasalanan mo na lang ako please bago ako mabaliw sa mga nirereview kong 'to.

Hmf! Kaya ko 'to. Bahala na nga kahit mamatay pa ang mga braincells ko dahil sa abuse na ginagawa ko sa kanila ngayon.

Papasok sa kusina para balikan si Tita Nerie at tingnan kung tapos na ba siya sa french toast ni Primo ay binabasa ko pa rin ang mga nakasulat sa notebook.

"Hyper-glay-sae--," halos magkandapili-pilipit na lamang ang dila ko at magkabuhol-buhol ay hindi ko pa rin masabi ng maayos ang isang vocubulary for disease na nakasulat sa notebook.

I stopped walking and pour my attention on the said term, determined to pronounce it correctly.

Bakit ba kasi ang hirap ng spelling ng mga salitang 'to ta's ang hirap pa rin basahin. Sadya bang pang-matatalino lang dapat ang field of study na 'to?

Nasaan ang hustisya? Paano naman iyong mga katulad ko na hindi naman masiyadong matalino pero buong puso ang pagnanais na maging nurse?

"Hyperglycemia \,hi-per-gli-se-me-a,/" kaagad akong nag-angat ng tingin mula sa notebook papunta sa lalaking nagmamay-ari ng baritonong boses.

I took a step back and shuddered after I saw Primo's narrowed eyed and annoyed face.

Nagsusungit na naman ang damuhong 'to eh ang aga-aga.

"Hi-per-glishe— Eh edi ikaw na 'yong magaling sa pronounciation. Alam mo ba ang meaning no'n?" Panghahamon ko sa kaniya para lang maibsan ang pagkahiyang nararamdaman ko pagkatapos kong mabulol sa unang beses na sabihin ay may sumpang salitang 'yon.

To Infinity, And BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon