Chapter 2

35.2K 849 43
                                    

Alexandrite's Pov

"Good morning po, Tita Nerie." I flickered a small smile before I sashayed toward the kitchen's counter and help her. Suot ang kulay pink niyang apron, hindi ko maiwasang hindi mapangiti at kahit papaano ay humanga na rin. Ang cute n'ya lang kasing tingnan. Ang kikay.

"Good morning din, Alex." Nakangising tumingin ito sa 'kin habang nagbabati ng mga itlog sa isang silver bowl. "Ang aga mo atang magising," puna n'ya.

I placed strands of my hair at the back of my ear.

Sige, Alex magpabebe ka lang tutal si Tita Nerie lang naman ang nakakaappreciate ng cuteness mo sa bahay na 'to mas'yado kasing mapanlait si Khalil at si crushy/future husband and future daddy of my future cute babies ay snob lang sa ganda ko.

Ipinatong n'ya ang binating itlog sa ibabaw ng counter at ang mga bacon naman ang sinimulan niyang asikasuhin. Mabilis na lumipad papunta sa  kabuan ng kanilang kusina ang aking paningin. Ngayon ko lang napansin na mukhang wala ata silang kasamang  kasambahay o kung hindi naman ay baka tulog pa ang mga 'yon.

I glance at my wrist watch and saw that it's almost six in the morning. Kung may kasambahay sila impossible naman na tulog pa sila ng ganitong oras. Iyong nag-iisang katulong kasi namin sa probinsya alas-kwatro pa lang ay gising na at nagluluto na.

"Tutulungan na po kita," prisinta ko. Tumango lamang siya sa 'kin at lumayo nang kaonti mula sa gas stove. "Ikaw na lang ang mag-prito ng bacon," she said. She then handed me the spatula that I accepted whole-heartedly.

Excited kong pinasadahan ng tingin ang gas stove kung saan nakasalang ang teflon na may mga nakasalang ng bacon. Nakita ko si Tita Nerie na lumapit sa ref at naglabas ng ilang ingredients.

"Gagawan ko pa kasi ng sandwich si Khalil. Isang linggo pa bago ang summer vacation n'ya."  Pagpapatuloy n'ya habang nakaharap sa refrigerator at kinukuha ang mga ingredients na kailangan para sa sandwich.

Base sa dami ng mga glassware na inilabas n'ya mula sa ref, mukhang hindi basta-bastang sandwich na pinalaman lang kung anong spread ang pinapapabaon nito kay Khalil.

Malakas akong napahiyaw at awtomatik na napaatras nang bigla na lamang tumalamsik ang mantika  galing sa 'king niluluto.

Dali-daling isinara ni Tita Nerie ang ref at hinakbang ang pagitan naming dalawa.

"Sigurado ka ba na kaya mo, Alex?" Mahihimigan ang sobrang pag-aalala sa tono nang pananalita ni Tita Nerie nang itanong n'ya 'yon sa 'kin. Bahagya ko 'tong tiningnan at pinalitan ng isang pang-tupang ngisi ang pagngiwi na mabilis na bumalatay sa 'kin dahil sa mantikang 'yon.

Pati ba naman mantika nanakit na. Sabihin n'yo nga sa 'kin masaya bang saktan ako?

"Opo. Nagulat lang ako." I chuckled. Far from those cute sounds that I get to hear from someone else when they're doing that thing. Hindi ko alam pero tunog tawa ng kambing 'yon—tawa ng kambing na malapit ng mamatay!

Mas lalong lumapad ang ngiti nito. I feel so attached with my future mother in law. Ang gaan n'ya lang kasing kasama at parang gustong-gusto n'ya talaga ako.

Ito na ang unang hakbang para mapakasalan ko si Primo, ang maging close ko ng sobra ang butihin nitong Mama. Si Tita ang susi para magustuhan n'ya na rin ako, mahalin at pakasalan.

I closed my eyes and began imagining things on my own. Hindi ko na mahintay ang pagdating ng araw na 'yon.

"Nasusunog na ang niluluto mo." Ang boses na 'yon napaka-sexy ng boses na 'yon at nakakaakit. Ang lakas makarupok.

"Alex!" saka lang ako natauhan nang marinig ang mababang boses ni Primo na nababalot na ng inis ngayon, sa sobrang gulat ko na nasa harapan ko na s'ya ay napaatras ako at kamuntikan na sanang madikit sa teflon.

To Infinity, And BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon