Chapter 24

23.7K 683 52
                                    

Third Person's Pov

"You can be part of my world, Alex." Nablangko ang takbo ng isip ni Alex at hindi nito mapaamo ang malakas at maingay na tibok ng puso n'ya. Hindi s'ya kinikilig sa sinabi ni Risque sa kaniya. Ang totoo n'yan ay kinakabahan pa nga s'yan.

Pero baka nagbibiro lang naman s'ya. Bulong at pakikipag-argumento ng isang parte ng utak nito.

Nang dumating sa recording studio si Ms. Stormie ay nawala na rin naman sa isip nito ang sinabing 'yon ni Risque.

Ang kyuryosida nito at pagiging mausyoso sa kung ano ba ang ginagawa ng mga producer para mapaganda ang isang kanta. Kung ilang beses ba 'yon nirerecord ang siyang nangingibabaw na sa utak nito ngayon.

May pinindot na button si Ms. Stormie para marinig s'ya ni Risque sa recording room. "Risque, your voice is shaking, tensyonad ka ata," anito.

Ang pares ng mata ni Alex ay kusang naglakbay sa salamin kung saan malayang nakikita nila si Risque ngunit hindi sila nakikita nito. Ayon kay Ellipsis kanina, ipinasadya raw 'yon na gano'n para hindi madistract ang mga singer sa loob.

Risque take off his headphone. Yumuko 'to at sunod-sunod ang hangin na ibinuga n'ya. After doing his own breathing excercise. He shook his hand, breathe in once more, sighed and put the headphone back on his ear.

"Kaya mo 'yan," Alex chirped. Medyo napalakas ang pagkakasabi niyo non kaya naman napatingin sa kaniya si Ms. Stormie at 'yong producer. Halos manliit ito sa kaniyang upuan dahil sa pagkapahiya.

She smiled gauchely and raise her two fingers for peace sign.  Napangit na lang sa kaniya ang mga 'yon saka muling itinuon ang atensyon kah Risque na ngayon ay mukhang handang-handa na talagang kumanta.

"Heard that? Alex is cheering you," si Ms. Stormie.

They heard his deep sounding chuckled.

Sa pangalawang take, stable at halos flawless na ng boses ni Risque. Kung tutuusin ay p'wedeng-p'wede na ngayon, kailangan na lang 'tong lapatan ng beat, but Risque being Risque Montefiore, he wants the best.

Sa pagsisimula ng ikatatlong beses nang pagrerecord nila ay perpekto na talaga nito ang pagkanta. Alam niya na kung kailan at paano s'ya aatake sa kanta.

Watching him, Alex is starting to become his fangirl too. Hindi naman natin 'yon maiaalis. Bukod sa gwapo at kaakit-akit talaga si Risque ay ang talented din 'to. Kung ikukumpara s'ya kay Primo ay di hamak na mas soft, considerate at daang beses na mas mabait 'to, pero s'yempre si Primo pa rin ang gusto ni Alex.

"Job well done." Pumapalakpak na sabi ni Elli nang makalabas na ang kakambal nito sa recording room. Risque look at her and draws a little smile in his lips in response for his twin's compliment.

"S-si Alex?" wala sa sariling tanong nito. Hindi namann gano'n kalapad ang recording studio kaya nang makalabas 'to ng kwarto ay napansin n'ya na kaagad nawala 'yong dalaga.

Ellipsis shrugged her shoulder. Nilampasan ni Risque si Elli at imbes na makipag-usap sa producer na kadalasan nitong ginagawa sa t'wing natatapos ang isang recording session ay dumiretso si Risque sa may pinto.

He's about to shove the door when Ms. Stormie took his attention and so he stopped, "Saan ka pupunta? We're not yet done," sabi nito sa kaniya na animo'y nakalimutan na 'to ng binata.

Ibinalik ni Risque ang paningin sa babaeng nagmamay-ari ng kumpanya at matamis itong nginitian habang nakaangat sa ere ang kaniyang hintuturo.

"One second." Risque leave the recording studio that people inside didn't make a big deal of. Sinuyod ng mata ng binata ang hall para hanapin si Alex ngunit nabigo 'tong makita si Alex.

To Infinity, And BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon