Chapter 15

25K 606 15
                                    

Alexandrite's Pov

"Pero di ba kailangan mong mag-review kasi malapit na nga ang entrance exam mo para sa Imperial College?" Biglang tanong sa 'kin ni Renzo. Hindi ko na natuloy pa ang gagawin ko sanang pagkagat sa friedchicken na hawak-hawak ko at nanlulumong napatingin sa kanila.

Bumagsak ang aking balikat at napanguso na lamang ako. Mukhang nakaka-excite pa naman sumama sa kanila ni Tita Nerie sa nail salon bukas.

I was quick to hit Renzo's chiseled chest after he wipe a small amount of gravy in the right side of my cheeks.

Ang baboy ng baklang to ah!

"Ano ba—,"

Hindi ko na natapos pa ang pagsinghal ko sa kaniya ng may sinabi ito bigla. "Ganito na lang. Kapag naipasa mo ang entrance exam mo, magpapa-spa tayo nila Mama Nerie, ano deal?" He said it excitedly that hyped me and Tita Nerie.

Pero sandali nga, bakit Mama na ang tawag n'ya sa 'king future mother in law? From Mrs. Cervantes to Mama Nerie real quick?

Parang budol-budol lang.

"Alex, can you please hand me the rice bowl," ani Khalil dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Kaswal lang naman ang ekspresyon nito sa kaniyang mukha.

Hindi siya mukhang masaya at interesado sa pinag-uusapan naming tatlo pero hindi rin naman siya galit.

Even if he's frowning at me, I give him my favourite sweet smile as I handed him the big bowl of rice.

Ngayon ko lang napansin na ang daming nakain ni Khalil ngayong gabi, siguro ay paborito n'ya ang fried chicken.

I instantly froze in my spot as I heard a familiar distinct footsteps that's nearing us.

Nagkatinginan kami ni Renzo pero nagkibit balikat lang ako at muling kinuha ang bowl ng kanina mula kay Khalil para ilagay na 'yon sa dati nitong p'westo nang matapos siyang magsandok ng kanin.

"Kuya, mabuti naman at masasabayan mo pa kami sa pagkain," sabi ni Tita Nerie. My eyes remained pasted in my plate. My fingers that is holding my utensils is trembling real bad at my nervousness because of his presence.

Hindi ko narinig sumagot si Primo pero sa gilid ng aking mata ay nakikita kong iniuunat nito ang braso n'ya para masundukan ng kanin ang sarili n'ya 'yon nga lang ay parang nahihirapan 'to.

"Ako na!" Bigla kong pagpiprisinta. I mentally cursed myself for that. Akala ko ba Alexandrite Mersiles, hindi mo na papansinin ang hari ng sungit?

Anong nangyari sa #MarupokNoMore?

I stare quickly at them. They don't look shock after all except for Primo.

Bahagya pang nakaawang ang labi nito habang nakatingin sa 'kin. Ngumiti lamang ako sa kaniya saka kinuha ko na ang pansandok ng kanin.

Umayos na 'to ng upo habang dali-dali ko namang sinalinan ng tamang dami ng kanin ang plato n'ya.

Muli kong ibinalik ang bowl na may kanin sa dati nitong p'westo at mauupo na sana ng ako naman ang nagulantang dahil sa, "Thank you," na sinabi ni Primo.

Kung gwapo ito habang gulat at nakatulala ay sigurado naman ako na kaaya-aya pa rin ang mukha ko dahil maganda naman ako ng slight.

Isang tipid na ngiti ang itinugon ko sa pasasalamat ni Primo at bumalik na sa 'king kinauupuan.

"Landi ah, para-paraan. Sabunutan kita r'yan eh masiyado kang paselos. Renzo whispered that made me chuckled. I stick my tongue out and was about to whisper something back on him when we heard Primo cleared his throat intentionally as if it's his aims to caught attention and make us stop with the whispering stuff.

To Infinity, And BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon