Alexandrite's Point of View
I woke up to the alarm clock that Primo had set for me back when he's still here. Ilang set ng alarm yon na may limang minutong pagitan sapagkat hirap na hirap akong magising sa umaga.
My alarm first went off at 7:30 at unang beses na nagising na ako agad. Natulala lang ako sa ceiling. Khalil had distracted me with our little gala and I got too tired that when I went back in my condo, I fell asleep within a snap.
Ngayon pa lang talaga nagsi-sink in sa akin na sa susunod na tatlong taon. Nasa London si Primo at pagbalik niya rito ay baka nevah na rin ang pronounciation niya sa never at go to food niya na for breakfast and pork and beans and toasted bread—I hate pork and beans!
When the sadness settled in my chest. Para akong batang nagpapadyak-padyak hanggang sa nahulog na iyong comforter mula sa kama ko.
"Mama mo para sa future! Kailangan ba na sa London niya pa paghandaan ang future namin? Samantalang dito naman kami magpapamilya?" I groaned as I rolled around my bed. Huminto ako sa aking ginagawa at bumuntong-hininga.
"Lord, pa-void. Hindi pa nakaka-land eroplano niya pero miss ko na siya." Reklamo ko habang nakatingin sa kisame.
When my second alarm clock went off. It was my cue to got up from bed and prepare for school. Wala na kasing Primo na susundo sa akin kaya kailangan ko na ring i-adjust iyong pag-alis ko rito.
"Shit! Shit!" I chanted while I was panicking. Ini-snatch ko yung id mula sa study table at bara-barang sinabit iyon sa aking leeg saka nagmamadaling nilagay sa tote bag ang mga kailangan ko para sa klase ngayong araw at lumabas na ng unit.
Looking down on my phone as I tried so hard to book for angkas. Ilang beses akong napakurap-kurap nang makita ang sasakyan ni Primo na nakatigil sa harap ng condo.
"Lord, shet. Ang bilis mo naman pala kausap. Nag-iinarte lang naman ako kanina pero talaga bang vinoid mo yung pagpunta ni Primo sa London? Did you make him realize na para talaga siya sa Pilipinas kahit bulok ang sistema ng gobyerno namin?" I mumbled to myself, while I was staring at the sky that's starting to brighten out.
Pagbalik ko ng tingin sa kotse ni Primo. Na-reality check ako dahil iyong driver ang nasa driver's seat at hindi iyong icing sa ibabaw ng cupcake ko.
The window on the passenger seat rolled down at may demonyitong sumilip.
"Alex, stop daydreaming o kung ano man iyang ginagawa mo! Mali-late na tayo," anito sa akin saka binuksan iyong pinto.
"I appreciate the sundo, pero sana naman hindi itong kotse ng Kuya mo ang ginamit mo 'di ba? I thought that he had changed his mind and came back."
"Once Kuya Primo realized how peaceful his life can be with you not around. I'll bet my whole inheritance, mag-i-extend iyon sa London hanggang sa hindi na siya bumalik," biro nito sa akin.
I went silent and slightly shifted my body away from Khalil.
"Alex, binibiro lang kita," anito sa akin.
"I know," maiksi kong tugon.
"I'm sorry."
"Okay lang nga," giit ko pa, but my eyes were swelling with tears.
"Are you crying?" Mapanuksong tanong ni Khalil kaya gusto ko tuloy siyang kutusan.
"Hindi. Bakit naman ako iiyak? Sanay na ako sa pang-aasar mo." Bigla akong humarap dito, "But what if you are right? What if Primo falls in love with London and how things work there. Baka hindi na siya bumalik. Baka hindi niya na ako balikan and one day I'll wake up to a call from him calling our wedding off!" I ranted my fear.
Sa harap ni Primo. I acted like this thing no longer bothers me because I want to be supportive of him, pero sa totoo lang. Matagal na rin akong binabaliw ng mga what if kong iyon.
"Dito di ba, Khalil?" tanong ng driver kaya bigla akong napahinto. Nasa drive thru kami ng Tim Hortons.
Binaba ni Khalil iyong bintana sabay inorder iyong usual kong coffee order sa nasabing coffee shop.
"Paano mo nalaman na maple french vanilla at maple mustard chicken sandwich iyong gusto ko rito? Psychic ka?"
Hindi niya muna ako pinansin. Inabot niya iyong para sa driver sabay bumaling sa akin.
"What do you think?"
"Please lang malungkot pa ako. Huwag mo akong pag-isipin. Paano mo nalaman?" I took a bite from my sandwich. Nilabas ni Khalil iyong phone at pinabasa sa akin ang palitan nila ng messages ni Primo.
📨: Hindi sanay mag-commute ang Ate Alex mo. I would appreciate it kung susunduin mo na siya. Nadadaanan niyo naman ng driver iyong condo niya.
📨: She wants Tim Hortons for breakfast. Maple French Vanilla for her drink, and maple mustard chicken. Make sure that she'll have her breakfast everyday.
📨: Kuya, are you appointing me as Alex's babysitter? Ayaw ko nga. Malaki na siya!
📨: For the mean time lang Khalil. Hanggang sa makapag-adjust siya. Please do this favor for me, bunso.
Khalil rolled his eyes at me as I started to tear up again.
"Oh my God, Primo is whipped. Down bad on his knee for me huh?"
"Hindi rin ako makapaniwala. Saan mo binili iyong gayumang ginamit mo kay Kuya?" He inquired and I thought of something to get even sa maaga niyang pang-iinis sa akin.
"Why do you want to know? May gagayumahin ka rin ba? Kilala ko ba yan?"
Sinamaan ako ni Khalil ng tingin, "I am trying to be nice to you so help me be nice to you. Huwag mo akong inisin. Baka paglakarin kita papunta sa university," asik nito sa akin na tinawanan ko lang.
University ko muna bago iyong Science High School kaya mas nauna akong bumaba. Pamilyar kina Precious at Eliu iyong kotse ni Primo kaya nang makita nila akong bumaba roon, natigilan din ang mga ito.
Kinuha ni Eliu iyong sandwich na nakakalahati ko pa lang at si Precious ay iyong drink ko naman.
"Hindi ba't kahapon iyong flight ni Primo? Hindi ba siya natuloy?"
"Natuloy. His plane will land around 5 pm later? Kung walang delayed sa connecting flight niya."
"Ano pala ito? Tapos iyong naghatid sa iyo."
"Iyong kapatid niya iyon. Pinadadaanan na lang ako ni Primo para hindi na ako mahirapan mag-commute."
"And your signature Tim Horton breakfast from Primo? Mayroon ka pa rin?"
"Bilin niya rin kay Khalil. Hindi niyo kaya ano? Baka Alex lang ito na mahal na mahal ng fiancé niya," pagyayabang ko dahilan para iwan na ako ng dalawa.