Chapter 41

23K 602 44
                                    

Alexandrite's Pov

"Ang dami naman nito. Hindi ba't limang araw ka lang naman sa Paris?" Bitbit ang bag na naglalaman ng toiletries ay lumabas na ako ng cr at inilagay na rin 'yon sa 'king maleta.

Bitbit ang isang medical book, naupo si Primo sa gilid ng aking kama. Wala siyang duty ngayon at wala rin akong pasok dahil linggo. Sakto, may isang buong araw kami para magharutan este mag-bonding bago ako umalis mamayang madaling araw.

Sinarado ko na ang zipper ng maleta saka ibinaba ito sa gilid ng kama. "Wala ka na bang balak umuwi ng Pilipinas? Bawasan mo kaya 'yan."

Hinila ko ang maleta palayo sa kaniya nang akmang kukunin niya na 'to sa 'kin. Ang pakialamero naman ng kamay niya kung ano-ano ang binubutingting.

I narrowed my eyes on him as I hide my luggage on my back more.

"Ang kaonti na nito. Mga pantulog nga lang 'to halos tapos iba pang personal na gamit kasi karamihan naman sa mga isusuot namin ni Risque sa Fashion Week ay ang staff na ng Blanc and Eclare ang naghanda," giit ko.

He shrugs his shoulder and ignores me completely after he darted his eyes back on his medical book.

Kapag flinash ko kaya sa toilet ang mga medical book niya magagalit kaya siya sa 'kin?

Ilang segundo na rin akong nakatayo sa harapan nito at nakanguso bago niya ibinalik sa 'kin ang kaniyang paningin.

"Galit ka ba? I swear, trabaho lang talaga 'yon."

"I am not. Why would I be? I'm matured enough to understand that because you're my girl that doesn't mean your world should just revolves around me," he said it smoothly without even staring at me he's busy flipping a new page of his book.

Kung gano'n immature ako kasi sa kaniya umiikot ang mundo ko? How dare you, Primitivo!

"I hope you'll learn how to do that too." Tumabi ako sa kaniya. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat nito saka sinilip ang binabasa niya na hindi ko rin naman natagalan. Sumasakit ang utak ko kapag nakikita ko ang mga scientific words na 'yon.

"So gusto mong baguhin ko ang sarili ko para sa 'yo?" Isinarado ni Primo ang librong binabasa. Inilapag niya 'yon sa higaan saka ako walang kahirap-hirap na iniangat at pinaupo sa kaniyang kandungan. Nilagay nito ang aking kamay sa kaniyang balikat saka niya pinagtagpo ang aming mga mata.

He sighed. "You don't need to change who you are, Wifey. What I was saying is, you should learn how to adjust. Hindi lang naman tayo ang tao sa mundo. Palagi ka na lang ba magtatampo at magseselos sa t'wing may makakasama akong ibang babae? Hindi naman 'yon maiiwasan."

Guilty as charge all I could do is to look away. Wait lang naman, mas mabagal kasi ng slight ang pagmamature kesa sa kaniya e. What should I do?

He kissed the side of my lips. "Love me hard but never make me your world." With my crumpled face, I look at him..

"Ba't naman hindi? Gano'n naman talaga 'di ba? Kapag mahal mo nagiging mundo mo na," I said as a matter of fact. He moved his head to consider my point.

Karamihan sa kilala ko gano'n.

"That's the idea, but I don't want that kind of relationship for us. A relationship like that isn't healthy, Alex. Nakakapagod ang takbo ng gano'ng relasyon kasi ma-istuck na lang kayo sa isa't isa, walang growth. When two lovers get tired that's when things fall apart and break up become one of the choices whom soon they'll thought is the solution that they need."

Dahil sa mga pinagsasabi ni Primo ngayon ay napapaisip din ako at mas lalo akong namamangha sa kaniya. He's so matured and he knows how to handle a relationship as if it's the sole reason why he was born.

To Infinity, And BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon