Alexandrite's Pov
"Music video po? Kaninong music video?" Bumukas ang pinto ng opisina ni Ms. Stormie at iniluwa non si Ellipsis kasama ang pamilyar na lalaki.
Ms. Stormie smiled immediately and stood up to welcome them. Kung sa 'kin ay tanging shake hands lang ang ginagawad ni Ms. Stormie kapag nagkikita kami, kay Elli at Risque ay bumeso pa 'to.
Ang daya, is that favouritism? Pero charot-charot lang. Base na rin sa mga nasasagap kong bulong-bulungan ay close ata talaga ang mga Montefiore kay Ms. Stormie.
Sana lahat 'di ba close.
Pagkatapos nilang magbatian na tatlo ay bumaling sa 'kin si Ms. Storm. Tumayo ako at bahagya na lang tinungo ang aking ulo saka ngumiti sa kambal na Montefiore.
"His." Itinuro nito si Risque na kaswal na naupo sa couch na nakalagay sa gitna nitong opisina.
Kung gano'n, singer pala si Risque at talent din s'ya na under ng SMA. Kaya pala narito rin s'ya at nakasabay ko sa elevator noong isang araw.
"Ris, aside from Solar who happened to be your cousin. Alex is the only female model who met the standard that you've told us." panimulang saad ni Ms. Stormie. Kahit na magkakaharap lang kaming apat at malinaw naman ang takbo nang usapan ay hindi pa rin ako maka-relate.
Ano 'yong standard na 'yon? Wala rin nasabi sa 'kin si Ms. Alissa na masasama ako sa isang music video.
Hindi ba't kailangang um-acting sa gano'n? Mahilig akong mag-emote mag-isa lalo na kapag nakaharap sa salamin pero ibang usapin kapag may mga taong nakapaligid sa 'kin at vinivideohan pa.
"Wala namang kaso sa 'yo 'yon, hindi ba, Alexandrite?" nakangiting sinabi ni Ms. Stormie. Ang lambot ng suot nitong ekspresyon sa mukha kaya lang 'yong paraan nang pagkakasabi n'ya sa 'kin ay parang namimiressure.
I don't wanna offend nor disappoint her, I need to think and compose for my retort carefully.
An interested smile shine on my rose color lips, "About saan po 'yong song then anong gagawin ko sa music video?" pabalik-balik ang tingin ko kay Ms. Stormie at Risque.
Oa lang ba 'ko o sadyang ang lakas lang maka-hot seat nang mga titig ni Risque? Kung makatingin ay parang mayroon siyang built-in x-ray sa mata.
"Rendition lang naman 'yon at hindi talaga newly composed song. For my fifth year anniversary in the showbizness," anito.
"Anong kanta?" pang-uusisa ko ulit.
"Perfect stranger by Jonas Blue. Magrerecord kami mamaya, gusto mo bang sumama?" pag-aya nito sa 'kin. I haven't been in any recording studio of SMA, and I badly want to be there.
Napatingin ako kay Ms. Stormie na seryosong nakikinig sa pag-uusap naming dalawa. Strange as it may seem, but as much as possible, models are not allowed to be in the 17th to 18th floor building of SMA. Doon nakikita ang dance studio, recording room. Hindi ko lang din alam ang dahilan kung bakit pero isa 'yon sa unspoken rule ng kompanya na sinusunod ng lahat.
Ang sabi rin ni Ms. Alissa ay may pinatutupad na dating policy ang SMA, at mas mahigpit ang pagpapatupad non para sa mga idols kumpara sa 'min na model lang.
Hindi na inabot pa nang matagal na pag-iisip. "P'wede po ba?"
"I can make an exception this once since you're part of Risque's project, kung papayag ka na ma-feature sa music video." Sa labis na excitement ay halos mahilo na 'ko sa mabilis at sunod-sunod kong pagtango.
"Hindi mo sinabi sa 'kin na singer pala si Risque." Elli chuckled at my words. May kailangan pa kasing pag-usapan si Ms. Stormie at Risque in private kaya naman pinauna na kami nito na pumunta sa recording studio sa 18th floor.