Chapter 16

24.9K 654 47
                                    

Alexandrite's Pov

Malalim akong bumuntong hininga habang pinagmamasdan ko ang aking repleksyon sa salamin pagkatapos kong mailagay ang hairclip sa may gilid ng aking buhok.

I breathe in deeply once again.

Ngayong araw na ang pati-take ko ng entrance exam. Judgement day kumbaga.

Alam din naman nina Miss. Alissa ang tungkol sa nalalapit kong entrance exam last week kaya wala muna akong mga naka-schedule na photshoot, buti na lang talaga dahil kahit papaano ay mas nakapag-focus pa 'ko sa pagrereview.

Bukod pa ro'n ay tinulungan na rin naman ako ni Primo sa mga reviewer ko. Literal na pagrereview lang talaga ang ginawa ko sa nakalipas na mga araw dahil ayaw akong patulungin ni Tita Nerie sa mga gawaing bahay.

Miski paghuhugas ng pinggan o paghahain at hindi siya pumapayag. Mabuti na lang at narito pa sa bahay si Renzo.

S'ya muna ang sumalo ng mga trabaho na para dapat sa 'kin.

"Hoy babaeng Alex, bumaba ka naroon at nang makakain ka na at makalayas dahil baka matraffic ka papunta ng Imperial College at malate, hindi ka special para hintayin nila bago magsimula ang examination!" Rinig kong untag ni Renzo sa 'kin mula sa labas ng pinto ng aking kwarto.

Napatingin muna ako sa nakasarado pa ring pinto at muling nahigit ang aking hininga bago ko kinuha ang bag ko na sa ibabaw ng study table at lumabas na.

"Ginawan kita ng sandwich!" He squealed with his manly man voice. Imagine how awful that is to hear.

Ang lalim-lalim ng boses mo ta's patinis kang mag-salita, Ghad! That is so makabasag eardrums.

"Good morning po." Bati ko sa kanilang lahat kahit na ang mga mata ko at naka Primo lang naman na para bang para sa kaniya lang talaga ang paggogood morning ko.

Hindi pa rin talaha ako sanay na makita itong naka-suot ng button down at slacks. Gwapong-gwapo pa rin ako sa kaniya. Mas lalo ko lang siguro siyang pagpapantasyahan kapag nakita ko na itong naka-suot ng doctor's coat.

"Good morning din, Alex." Bati pabalik sa 'kin ni Tita Nerie na nagpabalik sa 'kin sa realidad.

I pulled a chair for myself and sitted myself on there immediately. Sakto sa paghigop ni Primo ng kape sa tasang nakalaan lamang para sa kaniya ay nag-angat ito ng tingin sa 'kin.

Staring straightly at me while drinking his coffee, I started to feel a tingling sensation and panic deep within me.

Those stares are melting. Jusko lang ha, wala naman sanang ganiyanan future husband.

"Ma, saan ka pupunta ba't bihis na bihis ka na naman?" Puna nang kararating lang na si Khalil  sa suot na damit ni Tita Nerie. I stare at her and get to see that she really is well dressed.

Mukhang may pupuntahan ata itong formal event.

Wala naman siyang nabanggit sa 'min kahapon, madalas kasi kapag aalis 'to ay nagsasabi s'ya kaagad sa 'min at nag-iiwan ng sandamakmak na bilin.

"Ihahatid ko si Alex sa Imperial College." I choke on my food. Parang hindi ako makahinga dahil sa pagkaing bumara sa 'king lalamunan mabuti na lang ay may nagbigay kaagad sa 'kin ng tubig.

Ilang beses pa 'kong umubo bago ko nagawang imulat ang aking mata. Pasasalamatan ko na sana ang aking savior nang biglang bumagal ang pag-ikot ng aking mundo nang mapagtanto ko kung kanino galing ang baso ng tubig na 'yon—kay Primo.

"S-salamat." Pumiyok pa ang boses ko dahil sa kaba nang sinabi ko 'yon. Hindi na ulit ito nagsalita pa at umupo na lang ulit para ipagpatuloy ang pagkain n'ya.

To Infinity, And BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon