I badly want to be a cool girlfriend for Primo. Gusto kong bawasan iyong pagiging clingy ko sa kaniya, pero ikamamatay ko talaga.
"Nakikinig ka ba sa discussion?" tanong sa akin ni Precious. Naalis ang tingin ko sa cellphone na kanina ko pa binabantayan.
"Nagnu-notes ka naman di ba? Pahiram na lang ako mamaya. Aaralin ko sa condo." I stared back at her as Precious gave me a suspicious look.
"Style mo, Alex. Hindi ka nga nakikinig sa discussion mag-aral pa kaya on your own? Kung kasama mo si Primo para bantayan kang mag-review, maniniwala pa ako."
Napahawak ako sa aking dibdib at bahagyang nilayo ang sarili mula sa kaibigan, offended much sa pagiging judgemental niya sa akin at sa kapasidad kong mag-aral.
"Bakit kasi hindi ka mapakali? Minu-minuto mong tinitingnan iyang phone mo. Kapag yan na-confiscate ni Ms. Robles."
"Akala ko ba nakikinig ka sa discussion? Bakit chinichismis mo na ako?" Agad kong tinikom ang bibig at nagpanggap na ang buong atensyon ko ay nasa whiteboard at mga nakasulat doon nang lumingon sa amin si Ms. Robles.
"Kanina pa dapat nasa Apartment si Primo. Ginu-ghost na yata ako."
I looked down on my notebook and bit the inside of my cheek as Precious casted a glare.
"What if na-love at first sight na siya sa kung sinong british doon?"
"Shet. True love nga iyang feelings ni Primo sa iyon. It takes tons of patient to put up with your paranoia." Sabay naming sinipat si Ms. Robles para masiguro na abala pa rin siya sa sinusulat niya.
"Alex, hindi pa nga yata nai-enjoy ng lungs ni Primo iyong hangin ng London. Talagang sumagi na sa isip mong may iba na siya roon?"
My phone that I had set on silent mode before this class lit up. Dali-dali iyong dinampot ng aking kamay.
"Tanginang wallpaper iyan. Inuudyok akong magtampo kay Lord. Hindi ka naman nag-aaral nang mabuti pero ba't may ganiyang reward ka?" bulong ni Precious na nakisilip pala sa cellphone ko.I playfully grinned at her before I checked my phone for Primo's messages.