Alexandrite's Pov
"Alex, naghihintay na iyong road manager mo sa labas," saad ni Khalil sa 'kin gamit ang kaswal at walang kagana-gana nitong boses na palagi niyang gamit sa t'wing ako ang kausap. I shut my eyes and pinched my nose as I drink the veggie smoothie that Tita Nerie made for me.
Hindi ko alam kung ano ba ang mga iniligay n'ya roong gulay at prutas. Ang sama ng lasa, pero dahil healthy raw 'yon at maganda para sa digestion, wala akong choice kung hindi simutin ang hanggang sa kahuli-hulihang patak ng smoothie kahit pa bumabaligtad na ang sikmura ko.
Said simot, isang ngiting tagumpay ang sumilay sa 'king labi nang mailapag ko na sa lababo ang may kalakihang babasaging baso.
"Si Tita Nerie nga pala, magpapaalam lang ako?" Madalas kapag ganitong oras na malapit na ang pananghalian ay narito lang sa kusina si Tita, e.
Khalil Federico took his eyes off his thick biology book and shrugs his shoulder. He then presume on ignoring my entire existence.
Hindi ko na rin pinansin pa si Khalil. Patakbo na lang akong bumalik sa ikalawang palapag ng mansyon para kuhain ang aking bag at magpaalam na kay Tita Nerie. Hindi nga ako nagkamali, nasa kwarto nila ito.
Marahan akong kumatok sa bahagyang nakabukas na pinto saka sumilip doon. Mabilis pa sa takbo nang segundo na nangunot ang aking noo nang mahagip ng aking mata ang ilang mga box sa ibabaa ng kama nito, isang kulay baby pink na dress para sa bata ang nakita kong maingat nitong hawak nang humarap s'ya sa 'kin.
With her sweet smile that's almost reaching the sky, Tita Nerie stood up from their bed ang walk towards me, "Anong masasabi mo? Ang cute nito 'di ba? Bagay na bagay kay baby." My eyes instantly crawl back to her well covered flat tummy.
Is she pregnant? Tita Nerie is in her mid-forties, will she and the baby be safe?
"Anong oras ka babalik galing sa SMA? P'wede bang bunalik ka ng maaga para makapunta tayo sa mall? Mag-eenjoy kang mamimili ng gamit ng mga baby, iyong mga baby bottles na may cute print, pati iyong sobrang maliliit na medyas at baby gloves." She's even gesturing that small size with her fingers. Tita Nerie chuckled delightfully.
I smiled awkwardly, "Nagpa-check up po ba kayo sa OB? Anong sabi ng Doctor? Safe daw po ba ang pinagbubuntis n'yo?" I asked.
Inihinto nito ang pagbubulatlat ng iba pang mga damit ng baby. Mahina niyang tinapik ang aking braso saka ito muling humagikhik.
"Hindi ako ang buntis kung hindi..." She hang her other words in mid-air and gestured me with her glossy lips.
The corner of my lip twitched. I pointed myself with a puzzle mind. Buntis ako pero hindi ko alam at si Tita Nerie lang ang nakakaalam? Paano 'yon?
Tsaka paano ako nabuntis, e wala namang—Oh my gosh. Holy guacamole!
Napahawak ako sa 'king t'yan at pilit iyong pinakikiramdaman. Ipinagbubuntis ko ba ang kapatid ni Jesus?
"You must be feeling sore, maybe we can tell Alissa to clear your schedule for today—,"
"Sore? Hindi naman po, I'm totally fine." Marahan akong umikot sa harap nito para mas makita n'ya ang aking kabuan. Siya naman ngayon ang inataki ng pagkalito.
She gazes at me with query, "Pero 'di ba kagabi. N-nakita ko kayo---," mukhang alam ko na kung saan papunta ang pag-uusap na 'yon at ayokong marating nito ang kaniyang destinasyon.
I took a quick step and hug her. "Kanina pa po ako hinihintay ni Ms. Alissa sa baba, bye. Baka gabihin din po ako," habol kong sabi habang lumalakad na palabas ng kwarto nito.