Alexandrite's Pov
"Alexandrite, stop that!" binitawan ko na ang croissants na kinakain. Hindi naman na talaga ako gutom dahil na ka ilang piraso na rin ako non, kumain din naman ako ng pesto para sa umagahan sadyang masiyado lang malinamnam ang croissants dito. Iba ata talaga ang lasa ng isang french bread kapag sa Paris mo siya kinain. Hindi ko alam kung bakit pero baka mayroong kinalaman ang hangin.
Pinagpagan ko ang gilid ng aking labi saka mas inilapit ang aking mukha sa kasama naming makeup artist para malagyan niya na ako ng lipstick dahil 'yon na lamang ang kulang at tapos na ako.
"Is he done?" Ms. Alissa asked to another staff of ours, pertaining to risque. Inayos ko saglit ang kulay itim na see-through long neck top na nasa loob ng suot kong white lacey longsleeve. I kissed my lip and pouted it for seconds before I stood up ready to go.
Sunod-sunod ang pagdoorbell. Everyone is busy. Tatlong shows ang kailangan naming puntahan ngayong araw kaya kailangan nilang ayusin ang mga damit at iba pang gamit. Doon na raw kami magku-quick change sa loob ng kotse.
Now that I'm seeing everyone wearing their best of best dress and rushing, it's sinking in my mind. Nasa Paris na nga talaga ako para sa Fashion Week.
"Could you fix this?" bungad ni Risque. Ako na kasi ang nagbukas ng pinto ng hotel room ko para sa kaniya dahil ako lang naman ang wala nang ginagawa.
Tumingin ako kay Ms. Alissa, minamanduhan pa rin nito ang dalawang staff na kasama namin at sa tingin ko ay hindi pa sila matatapos kaagad.
Bumuntong hininga ako saka ibinaba ang kulay itim na coat na nasa ibabaw ng suot niyang sleveless na button down. I couldn't help but be frustrated as I find it hard to allign the body belt on his button down.
Wala sa sariling umayos ako nang tayo at humarap sa photographer na may hawak na dlsr matapos niya kaming kunan ni Risque sa gano'ng sitwasyon.
"Don't worry the two of you look good and cute together. I wonder, will you date?" Dali-dali akong umiling.
"May boyfriend po ako." Actually fiance na nga e, gusto ko pang idagdag.
Risque is smirking when I laid my eyes on him again. Tinulungan ko itong maisuot na rin niya ang coat na halos kaparehas ng sa akin. Pinasadahan ko ng kamay ang balikat non para masiguradong walang gusot.
"You're wearing an engagement ring. Magpapakasal ka talaga?" hindi makapaniwalang tanong niya. Inalis ko na ang kamay ko sa balikat nito saka hinawakan ang aking singsing at nangingiting tumango.
He sighed. "Congratulations then," he said it whole-heartedly.
"Thank you," I mouthed.
Pagbaba namin ng van, sa tapat ng establisyemento kung saan gaganapin ang show ng Dolce and Gabbana ay nasa daang photographer at ang nag-aabang.
Kinuha ni Risque ang kamay ko at pinagsiklop yon sa kaniya. Feeling anxious with the numerous amount of people that's surrounding us, I could no longer protest.
Dumiretso kami sa isang side sa tapat ng establisyemento at saglit na pumose para sa 'ming photographer at sa iba pa. My eyes locked in with Risque immediately after he put his arm on my waist. Nang maramdaman ko ang pagflash ng mga camera ay napilitan na lang din ako na para bang ayos lang ang lahat.
My fears of being in huge crowds intensified after super models and some hollywood celebrities came. Halos siksikin na kami ng photographer.
Sunod-sunod akong napalunok dahil sa nerbyos. Risque was about to let go of my hand but I grabbed his quickly.
Marahil ay napansin na nitong masiyado akong natetense. Mahina niyang inuntog ang ulo niya sa ulo ko saka inilapit ang kaniyang labi sa 'king tainga.
"Calm. They are looking at you like that because you're the most beautiful girl here." Ginulo niya ang aking buhok. Hindi naman sa pagiging ggss pero kahit papaano ay napakalma ako nang sinabing 'yon ni Risque. Naibsan ang pagiging paranoid ko.