Third Person's Pov
"Why does she have to run everytime she gets excited?" pabulong na tanong ni Primo sa kaniyang sarili nang literal na tumakbo si Alex papunta sa playground nang maipark na nito ang kaniyang sasakyan.
Isang tipid na ngimiti ang dumukwang sa kaniyang labi habang pinapanuod niya 'tong igala ang mata n'ya sa may playground na para bang isa lamang siyang five years old na ngayon pa lamang nakapunta ng playground.
He took his seatbelt off and step outside of his car. Isinarado n'ya ang pinto ng kotse saka s'ya lumapit sa may passenger seat para kunin ang bag na may lamang mga pagkain.
"Primo! Bilisan mo dali, mauuna na 'ko sa 'yo sa swing!" she yelled. The corner of his lip twitched. Hindi niya na lamang pinansin ang mga taong napatingin sa kaniya at kay Alex dahil sa pagsigaw nito.
"Why does she have to be that loud?" he whispered to himself again. Isinukbit niya sa kaniyang likuran ang isang strap ng bag bago n'ya isinara ang pinto ng passenger seat at sinundan na si Alex.
He didn't even know why he suddenly asked her here. Primitivo hates crowded and noisy places as much as he hates people with low intelligent quotient.
And Alex is both. She's loud, clumsy, she's ignoramus too. Pinagsasama-sama sa katauhan ni Alex ang lahat ng mga katangian na sobra-sobrang kinaayawan ni Primo kaya naman hindi n'ya rin maintindihan kung paanong natatagalan n'ya 'to.
He's never been considerate of others too, and that is why he's frustrated that he always felt a flicker of guilt whenever he throws insult to her.
Ipinilig na lamang niya ang kaniyang ulo saka nagpatuloy na sa paglalakad para hanapin si Alex.
Nagsalubong ang kilay nito, maging noo niya ay nangunot na rin at kahit na plantsahin pa ata 'yon ay hindi na madidiretso pa.
Pinuntahan niya na ang area kung nasaan ang mga slide pero wala naman doon si Alex.
"Kuya." He shed an amount of his attention to look at the group of girls that's just about Alex's age.
Isang babae ang tinulak ng mga kaibigan nito palapit sa kaniya dahilan para mapatid 'yon at mapayakap sa kaniya nang bahagya.
Dali-dali ring humiwalay sa kaniya ang babae. "Ano ba?!" singhal nito sa mga kaibigan n'ya sa kalmado pa ring boses.
Primo continued checking the vicinity, hoping to find Alex soon but when he was about to leave the very same girl that bumps with him grab his hand to stop him from doing it so.
Bumaba ang walang kaemo-emosyong mata niya sa babae bago n'ya binawi ang braso niya mula ro'n.
She looked away for awhile. Katulad ni Alex ay parang hindi rin nito ininda ang pagkapahiya at pagsusungit ni Primo sa kaniya.
"Sorry, sila kasi eh," saad nito sabay lahad sa kaniya ng kamay nito. Primo is aware that he suppose to accept her hands and shake it but he refuse to do it so.
Tinitigan niya lang 'yon hanggang sa ang babae na rin na 'yon mismo ang kusang nagbaba ng kamay niya matapos nitong matanto na walang kabalak-balak si Primo na makipag-kamay sa kaniya.
"I'm Anne, parehas tayo ng medical school na pinag-aaralan. Can we be friends? I hope we can be," she said half-smiling.
To get rid off them, Primo nodded even if he doesn't really want to be friends with anyone of them.
"Primo?" mabilis na lumingon ito sa kaniyang likuran nang marinig nito ang malambing na boses ni Alex. Bitbit ang cotton candy sa kaniyang magkabilang kamay. Kitang-kita niya kung paano napalitan ng lungkot ang excitement sa mga mata ni Alex.