Alexandrite's Pov
Marami at halos kumpleto na ata ang mga katulad ko na magti-take rin ng entrance exam pagkapasok ko sa examination hall.
Ang iba sa kanila ay kaedaran ko lang pero mayroon din naman na mas matanda sa 'kin ng ilang taon.
"Hindi ba't siya 'yong bagong model sa bill board ng SMA?" bulong ng isang babae sa kasama nito nang madaanan ko sila habang tinatahak ko ang daan papunta sa huling hilera ng mga upuan, 'yon na lang kasi ang natitirang bakante.
They don't look friendly at all. Lahat sila ay seryoso at makikitaan talaga ng determinasyon at sa totoo lang ay parang hindi nga ata ako bagay sa lugar na 'to.
Isa pa, bukod kay Primo ay wala talaga akong ibang kilala rito.
I just hope that I'll be able to make new friends.
"May naka-upo na ba rito?" Nakangiting tanong ko sa isang babae. Mahaba at itim na ang buhok nitong bumagay sa hugis ng kaniyang maamong mukha, bukod pa ro'n ay mapupungay ang pares ng mata nito.
Ang cute n'ya!
She shook her head and gesture the vacant seat. Ngumiti ito sa 'kin at mas lalo pa 'kong nagandahan sa kaniya dahil ang ngiti sa labi nito ay para bang umaabot sa kaniyang mga mata.
She reminds me of Tiffany from Girls' Generation because of her smiling eyes.
Ang mumunting bulungan sa paligid dala nang pag-uusap ng mga magkakakilala na ay parang bulang nawala nang pumasok sa isang babaeng sa palagay ko ay nasa kwarenta na.
Suot nito ang official na nursing uniform ng Imperial Hospital at ang buhok n'ya ay maayos na naka-bun at doon nakapatong ang kaniyang nursing cup.
Habang tinitingnan ko siya ng mabuti ay hindi ko na naiwasan pang imaginen ang magiging itsura ko kapag suot na 'ko ng ganiyang uniform ta's si Primo naman ay suot na rin ang kaniyang Doctor's coat.
Siguro ay mas lalo kaming babagay sa isa't isa.
"You may begin answering your test booklets, erasures are considered wrong. You have two and half hours to finish this examination, good luck," ani ng hindi nagpakilalang babae na sa tingin ko ay head nurse o kung hindi naman ay baka guro.
Unti-unti nang ipinapasa ang mga test booklets hanggang sa makarating na 'yon sa huling hilera kung nasaan ako naka-upo.
Lumingon sa 'kin ang babaeng pinagtanungan ko kanina at may tipid na ngiti sa labing iniabot nito ang panghuling test booklet na para sa 'kin.
I breathe in deeply and starts to recite a prayer in my head as I flip the pages of test booklets.
Part I: Enumerate the following number of bones.
1. Middle ear
2. Face
3. Skull
4. Chest
5. Arms"Oh my gosh!" I squealed. Halos sabay-sabay na napalingon sa 'kin ang mga estudyanteng seryoso nang nagtitake ng exam dahil sa bigla kong paghiyaw.
Iniangat ko ang aking daliri at nag-peace sign sa kanila saka awkward na ngumiti at yumuko na.
Nakahiya ka, Alexandrite Mersiles!
"Please be quiet, if you have further more questions you're allowed to ask no one but me," sabi ng proctor.
Pasimple akong tumingin sa kaniya at nang magtama ang mata namin dahil nakabantay pa pala ito sa 'kin ay nagbaba rin kaagad ako nang tingin sa test booklets.
Halos hindi ko mapigilan ang sarili kong ngiti habang binubuklat ko ang ibang pages ng test booklet.
Halos lahat nang pina-review sa 'kin ni Primo ay ang siya ring mga tanong. I've never been so sure that I can ace an exam in my entire nineteen years of existence until this moment.