Alexandrite's Pov
Kaagad na dumapo ang mga mata ko sa pamilyar na sasakyan. Dahil tinted ang bintana ng nasabing kotse ay hindi ko maaninag ang tao na nasa loob non. Sigurado naman ako na hindi lang si Primo ang nag-iisang tao rito sa Pilipinas na nagmamay-ari ng Chevrolet pero feeling ko siya talaga ang may-ari ng sasakyan na 'to.
I stood up straight and shook my head. Sobrang namimiss ko lang siguro si Primo kaya nag-iimagine na ako ngayon. Impossible kasing nandito siya sa airport ngayon dahil ang sabi niya sa 'kin bago kami umalis sa Paris ay may duty raw siya ngayon.
Hinubad ko ang suot na jacket saka 'yon isinampay sa 'king braso at naglinga-linga para hanapin sina Ms. Alissa. Kakasipat ko sa driver ng kotse na 'yon napalayo na ako sa kanila.
Sa hindi malamang dahilan. Wala sa sariling humakbang ako paatras. Nagmamadali na makapasok muli sa loob ng paliparan. May kung ano sa utak kong bumubulong at nagsasabing iyon ang safe place habang nakikita ko kung paano tumatakbo palapit sa 'kin ang sandamakmak na mga paparazzi at reporter.
Bago pa ako tuluyang makapihit sa papasok ay nakorner na ako ng mga reporter. Masiyado silang marami. Ang liwanag mula sa iba't ibang camera nila na sumisilaw sa 'kin ay nagdulot ng kung anong takot. Biglang parang hindi na lang ako makahinga. Paulit-ulit akong lumingon at umatras ngunit sa bawat pagkilos ko ay may natatamaan akong tao. Kahit saan ako humarap ay mukha ang aking nakikita. Mga mukhang determinadong makakuha ng kung anong sagot mula sa 'kin.
"Ms. Alexandrite rumors about your affair with your co-model Risque Montefiore is a hot topic for days now?" asked by a familiar reporter.
Affair? Anong affair?
"Hindi ba't mayroon kang boyfriend? Break na ba kayo?"
"Totoo bang pinagsabay mo si Risque at Primo?"
"Alam mo na bang itinuturing ka ng persona non grata ng nakararami?"
Hindi ako bingi at mas lalong nakakaintindi ako ng salitang Filipino at English pero ang lahat ng aking naririnig mula sa mga tao ay nago para sa 'kin. Hindi ko alam kung paano ko 'yon uunawain at sasagutin.
"H'wag mo po akong hawakan!" hindi ko na mapigilan pang masigaw dahil sa takot. Imbes na bitawan ako katulad ng aking hinihiling ay mas lalo pa nila akong dinumog at pinilit na humarap sa kanila.
Nasaan na ba sina Ms. Alissa? Sina Risque? Ano na bang nangyayari ngayon?
My hand reaches for my chest as I find it harder to breathe after my tears started to join my nervousness and fear. Ang dami-rami kong nararamdaman at pakiramdam ko ay ikakabaliw ko ang mga 'to.
"Please po. Padaanin n'yo po ako---," nanginginig ang kamay na napahawak ako sa malansang likido na ibinuhos sa 'kin ng kung sino man. Lumayo nang kaonti sa 'kin ang tao para habulin ng tingin ang gumawa nito sa 'kin.
Mas lalo pang lumaki ang butil ng luha na pumapatak mula sa 'king mata nang makita ko na kung ano 'yon. Sa kulay at amoy pa lang nito ay natitiyak ko na dugo ito. Hindi ko lang alam kung anong klaseng dugo.
I'm starting to lose hope. Like I lost innocent child I seated myself on the floor and hug my legs with fears. Pakiramdam ko sasaktan ako ng lahat ng tao.
Kahit na naramdaman kong unti-unting nawala ang komusyon ay hindi ko pa rin nahanap ang lakas ng loob na mag-angat nang tingin sa mga taong alam kong nasa paligid pa rin hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagpatong ng isang jacket sa 'king balikat.
"Risque," I whispered. He guided me to stood up and when he realize that I'm too weak to walk. Risque carried me on his arms like a newly wedd.
Muli, nagkagulo ang mga tao.