Alexandrite's Pov
"Sa Imperial College mo rin balak mag-aral, Alex?" Ipinatong ni Tita Nerie sa gilid ko ang isang platito na may lamang sandwich at isang baso ng orange juice.
I tore my eyes off the laptap where I was checking the Imperial College School of Medicine's website.
Ngumiti ako sa kaniya saka tumango.
Ang Imperial College ang pinakasikat na medical school dito sa Pilipinas. I've read lots of article about the Imperial College and they all claim that the school produces great doctors and nurses.
"Alex, depress ka ba?" Khalil asked with his monotonic voice. Ibinaba nito ang ledger na hawak n'ya kung saan isinulat ni Primo ang mga dapat niyang ireview.
Our eyes met. The smile that I'm sporting froze in my lips. I shook my head akwardly.
I'm enjoying my life so much and I'm sure that I'm thousands of miles away from depression.
"Bakit mo natanong?" sumimsim siya sa kaniyang basong may juice.
"Nothing, I thought you're... para kasing suicidal ka," anito. My forehead crinkled. Napatingin ako kay Tita Nerie. Naguguluhan na nakatingin lang din s'ya sa 'kin pabalik.
Khalil tsked at me. He flip the ledger's page and shrug his shoulder at my confussion.
"Hindi mo ba alam na dapat above average dapat ang iq mo kung gusto mong makapasok ng Imperial College?" muli nitong pagsasalita.
Bumagsak ang aking panga sa lamesa. Gano'n ba 'yon? Bakit parang wala namang nakalagay na gano'ng requirement dito sa website ng school?
"H'wag mo nang pangarapin ang school ni Kuya kung gusto mo pang mabuhay ng matagal," he said harshly.
I narrowed my eyes on him and later on I end up frowning. Ang sama naman talaga ng ugali ni Khalil. Tsaka, ang exagg nang sinabi n'ya na dapat above average 'yong iq level bago ka makapasok ng Imperial College.
Hello, magnunurse ako, hindi ko naman sinabing gusto kong makipagkumpitensya kina Einstein, Newton at Tesla!
"Ay! Iyong cake na binibake ko. Babalikan ko lang 'yon dito lang kayo ah," Tita Nerie mumbled hastily.
Mabilisan niyang kinuha ang wala ng laman na tray sa ibabaw ng lamesa saka s'ya pumasok sa loob ng bahay.
Muli akong napatingin sa direksyon ni Khalil na abala at seryosong-seryoso pa rin sa ginagawa niyang pagrereview.
Hindi naman talaga ako masamang tao pero parang gusto kong magcelebrate ng bongga kung sakaling bumagsak s'ya sa entrance exam ng Science High School na gusto niyang pasukan.
Dali-dali akong napatayo at sinipat ang driveway nang marinig ko ang pagdating ng sasakyan. Itinikom ko ang aking bibig at pilit na kinalma ang aking sarili bago ako bumalik sa 'king pagkakaupo.
Nandito na si Primo my labs! Bahagya akong kinilabutan nang makita ang panlilisik ng mga mata ni Khalil habang nakatingin s'ya sa 'kin.
I looked away from him and tried to took another glimpse of Primo. Dumiretso na ata s'ya sa loob ng bahay.
"Anak ka ng libro!" I sighed exasperatedly and clutched on my chest after I was washed off by shock as Khalil put his ledger above the table with such disturbing noise.
Nangalumbaba ito at seryoso akong pinakatitigan. Hindi ko alam kung gusto niya ba 'kong tunawin sa pamamagitan nang pagtitig o kinakabisa n'ya ang lahat ng detalye ng aking mukha.
"May gusto ka kay Kuya?" tanong nito sa 'kin. Nasa dugo ba talaga nilang magkapatid na kailangan lagi nila akong paningkitan ng mata kapag kinakausap o kung hindi naman ay sungitan?