Alexandrite's Pov
"Here's our lovely bride to be." Nakita kong binitawan ni Tita Nerie ang kulay itim na parang photo album nang tumayo 'to at sinalubong ako. Just by hearing the words bride to be, my happiness doubled instantly.
Atleast, nasa punto na ako ng buhay ko na alam na nang pakakasalan ko na ikakasal siya sa 'kin hindi katulad dati.
She gestures the lady wearing a semi-formal attire. She stood up and offer her hand with a fantastic gleams in her lips. "You'll have handsome and beautiful grandchildren in the future, Ms. Nerie," anito habang nakatingin sa 'ming dalawa.
Enebe nemen sele. Wele pe nge e!
"This is Candy. She will be your wedding organizer, I hope you don't mind."
"Nerie, sinabi ko naman sa 'yo na hayaan mo dapat sila ni Primo na mag-asikaso niyan. Sigurado naman ako na ang gusto mo talaga ang masusunod at hindi ang gusto ni Alex." Biglang singit na sinabi ni Tito Benedict. Nilingon ko 'to saka ako kumaway sa kaniya para mag-hello. Nakangiting binalik nito ang pagbati.
Tita Nerie began acting as if she couldn't hear her husband. She ignores him completely and diverted her attention by checking out a motif and theme for the reception.
"Hindi ba't parang sobrang aga pa para magplano ng kasal, Ma? Baka lang matauhan si Kuya tapos---,"
"Khalil!" suway ni Tito Benedict sa anak niyang inismiran ko na lang. P'wede bang mag-request? Gusto ko sana na h'wag imbitahan si Khalil sa kasal namin ni Primo baka siya pa kasi ang maging dahilan para hindi 'yon matuloy.
Kalalaking tao pero napaka kontrabida.
"Ano 'to?" Itinuro ni Tita Nerie ang isang picture. It's a wedding too, I think only that the guest and even the groom and bride looks like kpop stars, the reception looks like a concert venue.
Inilapit ni Candy ang mukha niya sa photo album para makita ang picture na itinuturo ni Tita Nerie. "That's the recent wedding we organized, Ms. Nerie. Kpop fanboy at fangirl kasi ang bride at groom. They come out with that kind of idea for their wedding. Odd but unique," aniya.
Tita Nerie stares at me with a smile. "Alex, kpop fan ka ba? Gusto mo ng gan'tong theme para sa wedding?" Unti-unti nabato ang ngiti sa labi ko. Hindi ko masabi nang diretso kay Tita Nerie na hindi ko gusto ang ideya niyang 'yon.
"This looks fun." She clapped her hands. "You can sing on your wedding too," dagdag niya pa sa ideya niyang ayokong mangyari. Tumayo ito at nagsimulang sayawin ang kpop song na sumikat noong 2009 or 10? Hindi ko na maalala.
"I want nobody, nobody but you." Pumalakpak ito at itinuro ako, sakto sa orihinal na choreography ng kanta. Tita Nerie stood still. Khalil walks out and Tito Benedict drinks the remaining juice in his glass while I remain silent.
"Sigurado akong matutuwa si Primo kapag ginawa mo 'yon."
"Hindi ako matutuwa, Ma. Mapapahiya, oo... sobra." Bumaling kami sa may pinto.
Walang kagana-ganang nilapag ni Primo ang mga gamit nito sa maliit na lamesa malapit sa front door at isinabit ang suot niyang coat sa rack saka siya dumiretso ng kusina.
Hinila ako ni Tita Nerie patayo sa sofa at halos ipagtulakan na sa kusina para lang sundan ko agad si Primo.
Wait lang naman, hindi ba p'wedeng magpaganda muna ako nang kaonti bago ko harapin ang aking groom?
"Let's have dinner and talk about your wedding too." Pagbasag ni Tita Nerie sa katahimikan. Without even looking at me, Primo pulled a chair for himself and settle down.