Alexandrite's Pov
"I think we can excuse her for a week. Bibigyan lang siya ng Modules na kailangan niyang pag-aralan at sagutan," sabi ni Ms. Alissa kay Ms. Stormie. Our CEO glances at me. Two weeks from now is Paris Fashion Week, guess what? They choose me to as Blanc & Eclare's representative.
"Can you do that, Alex? Working abroad for week and studying on your free time?" Hindi pa naman siguro gano'n kahirap ang mga kailangan kong arali sa modules. Feeling ko lang kaya ko naman 'yon mag-isa, h'wag lang sanang masama ang pakiramdam kongl 'to.
I tore my eyes off Ms. Alissa and stare back at Ms. Stormie. I nodded my head excitedly. Fashion Week are paradise for every model. I always dream to be part of that prestegious annual event.
"Great and since you're in legal age we don't have to ask permission from your grandfather but make sure that you informed him."
"Right away, Ms. Stormie!" Manlilibre ako ng cheeseburger! I should call Primo and tell him about this. Hindi man siya interesado sa gan'tong bagay ay gusto ko pa rin i-share to sa kaniya.
I took my phone from my bag and tried to call his number but it's cannot be reach. Tiningnan ko ang oras sa 'king cellphone. Alas tres imedya na pala, simula na ng duty niya kaya nakapatay na ang cellphone niya.
"Call me on your break time, I have something important to tell you." I click the sent button and bring my phone to my pocket. In case na tumawag siya, masasagot ko kaagad.
"Shoes, bags, clothes and even jewelries that you need for fashion week is all set, but we need to do fitting first," pag-iimporma ni Ms. Stormie. Blanc and Eclare's main boutique is located at Neon Street somewhere in Global City.
If my mind remembers it right, Neon streets is a shopping district where we can find luxurious brand both local and international.
"Aerom." Mr. Dela Vin, her husband greet us with a smile as we bump with him on lobby. He was quick to gave Ms. Stormi a kiss on her cheeks.
#SanaAll
Inggit ako gusto ko rin, Primo where you at?
Ba't kaya hindi gano'n si Primo sa 'kin sa public place? Palagi niya akong sinesermonan at pinagagalitan talo niya pa si Lolo Vero! Hindi ko na naitago pa ang pamumula ng pisnge ko nang maalala ang mga bagay na ginagawa namin sa t'wing kaming dalawa na lang ang magkasama.
I had a change of heart, ayos na pala kahit sinesermonan niya ako in public place.
"Mauuna na kami sa Van, Ms. Stormie," pagsasalita ni Ms. Alissa para hindi na kami makaistorbo pa sa moment nilang mag-asawa. Ayaw ko pa man sanang sumunod dahil gusto ko pang kiligin ay sapilitan na akong hinila ni Ms. Alissa papunta sa van.
Her head started to move as if she's searching for someone after we get in. Tiningnan nito ang kaniyang cellphone. "Nasaan na ba si Risque?" bulong niya.
Ilang pa saglit pa ay nakita ko na ang paglabas ni Ms. Stormie sa SMA kasabay si Risque. Looks like they were talking abou something fun.
"I thought you'll gonna be late again," bungad na sermon ni Ms. Alissa kay Risque. I've been in SMA for months pero noong nakaraang linggo ko lang nalaman na si Ms. Alissa rin pala ang manager nitong si Risque.
Pagkapasok ni Ms. Stormie sa van ay agad nang sumunod si Risque at isinarado ang pinto. "Tinapos ko kasi 'yong mga reports at power point na presentation, Ate Alissa. Those needs to be done so I can be excused to my class for a week."
For a week? Ieexcuse rin siya sa klase? Teka nga, bakit?
"Wait lang po, k-kasama ba si Risque sa Paris Fashion Week?" Ms. Stormie averted her eyes from her phone. Nagkatinginan silang dalawa ni Ms. Alissa, my manager made that apologetic smile. Kumamot ito sa gilid ng kaniyang kilay.
"I forgot to mention earlier, you two will be going there as pair. Imagine yourselves as love team," sabi niya pa.
Ha? Love team? Ayoko non, hindi man seloso si Primo my loves pero baka magalit siya! Hindi naman ako artista e bakit may gan'to pa?
Risque flashes a teaseful smile. "Parang ayaw ata ni Alex, Tita Stormie." Pinanlikahan ko siya ng mata at mahinang sinipa. Weh, epal! Wala naman akong sinabi e. Oo nga't ayaw ko pero wala akong sinabi. Ipapahamak niya pa ako ha.
Mamatay ka na, Risque, Mamatay ka na!
Ms. Stormie serious eyes scanned me from head to toe as if she's trying to observe me. She's eager to find out that truth. I force a chuckle. Dimunyung, Risque! Humanda ka sa 'kin sa Paris. Paiinumin kita ng setting spray para hindi ka na makabalik ng buhay rito.
"A-ayos lang naman po," I said to defended myself. Bago ako bumaba sa van ay pasimple ko munang tinapakan ang paa ni Risque. Pasalamat siya at naka-sneakers ako dahil kung nagkataon na nakatakong ako siguradong butas 'yang paa niya.
"We look good together don't you think?" Risque whispered suddenly as I was making myself wear a layers of necklace for my plunge sequins knotted rompers. Nang masigurado na maayos nang nakasabit sa leeg ko ang kwintas ay nakapamewang ko itong hinarap.
Now that I'm seeing how our outfit kind of resembles each other I could see where his point is coming.
May suot na long-neck black colored long sleeve sa loob ng cream colored sequins coat si Risque na pinaresan ng itim din na pants at kulay brown na loafer. Maging ang kwintas na suot nito ay halos kapareho rin talaga ng mga kwintas na suot ko, mas pambabae lang ang dating ng sa akin.
"Dahil lang 'yon sa damit. Kay Primo lang ako bagay," I muttered and grin before I turn to face my reflection again. Dahil may hair extension na naman ako, feel ko ako ang modern Rapunzel dahil sa haba non at sa totoo lang medyo mabigat siya.
We tried different sets of outfit. Mayroon daw kasing araw na nasa apat na event ang kailangan naming daluhan at bawat event kailangan naming magpalit ng damit, by doing it so, we're showing off the brand's latest collection, we're promoting, basically.
"Hindi ba't hindi ka naman na kina Primo nakatira?" pang-uusisa sa 'kin ni Risque habang nasa biyahe kami papunta sa bahay ng mga Cervantes. Alas-syete na at sigurado akong natapos na ni Primo ang break niya pero hindi niya man lang talaga ako tinawagan.
Wala ba talaga siyang load? Kakausapin ko nga si Tita Nerie mamaya na paloadan niya si Primo ng pang-isang buwan. Ang yaman-yaman pero walang load?
"Alexandrite?"
"Oh, bakit ba? Ang daldal mo, bukod kay Renzo ikaw lang ang kilala kong lalaking madaldal." Tinakpan ko ang aking mukha saka ito gulat na gulat itinuro.
Homayghosh! Don't tell me... "Bakla ka rin?"
"What the fuck?" he growled. Napahagikhik na lang ako dahil sa reaksyon nito. Grabe makatutol, wala namang masama sa pagiging bakla. Ayos nga lang sa 'kin kung bakla si Primo... Ay hindi, hindi pala. Hindi p'wedeng bakla si Primo!
"Ang chismoso mo naman kasi." I pouted my lips and scratch the bridge of my nose after he pinches it. Kapag ako nakakurot d'yan sa ilong niya tanggal yan!
"I'm just curious," pagdadahilan niya. Curious mo 'to, gano'n din naman 'yon, maganda lang pakinggan kasi inenglish niya.
"Hindi na ako nakatira kina Primo pupunta lang ako roon para sa dinner. We'l gonna talk about the wedding I think." Nahulog ang panga ni Risque sa sahig ng kotse.
"Wedding? You're getting married, w-when?" Inayos ko ang aking buhok at nilagay 'yon sa likod ng aking tainga. Flashing my loveliest smile my eyes sparkles as I look up to him.
"Next year, after my birthday. Hopefully before 2020 ends." Why am I even sharing this information with him. Nanahimik si Risque na para bang may kinukwenta 'tong kung ano sa kaloob-looban ng utak niya.
Muli niyang ibinaba sa 'kin ang kaniyang mata. "Next year? Magdadalawang taon ka pa lang non sa SMA kung gano'n. Hindi ka pa p'wedeng ikasal," pagtutol niya.
I raised my brow on him. "And why not?"
"Hindi mo ba binasa nang maayos ang kontrata? Nakalagay roon na hindi ka p'wedeng ikasal hangga't hindi ka pa umaabot ng limang taon sa SMA. Walang dating ban pero hindi ka p'wedeng magpakasal. Kapag kinasal kayo ni Primo, breache of contract 'yon, kakasuhan ka ng SMA at magbabayad ng penalty."