Chapter 43

23.5K 539 28
                                    

Alexandrite's Pov

"I said it's a gift but if you really want to pay me, love me back... that's the payment I want." Unti-unti nang napawi ang masayang ngiti sa 'king labi dahil sa narinig.

"Masiyado kang uto-uto," bulong ni Risque saka siya humagalpak ng tawa. Napangiwi na lang ako saka mahinang piningot ito.

"Siraulo ka!" I growled.

Kahit na nasa loob na kami ng van na dalawa ay patuloy pa rin si Risque sa pagtawa niya dahilan para bigyan siya ni Ms. Alissa ng mapangkastigong tingin.

Hinarang na ni Ms. Alissa ang kurtina sa pangalawang hilera at pangatlong hilera ng upuan sa van. Tinted naman ang salamin kaya hindi na ako nag-alangan pa na magbihis dito.

"Anong nangyari kay Risque?" she asked me curiously. Nilingon ko s'ya habang isinusuot ko ang kwintas na accessory ng white sequins romper na aking suot ngayon.

"Hindi ko po alam. Malapit na ring maggabi at mukhang bilog ang buwan kaya may sumpong siya ngayon." Ms. Alissa chuckled.

She took the necklace from my hand and help me to wear it in my neck instead.

Hindi katulad ng una at pangalawang show na pinuntahan namin kanina, wala na masiyadong photographer at paparazzi sa tapat nitong Hotel McAllister.

Familiar sa 'min ang hotel na 'to dahil isa ring Pilipino tycoon ang nagmamay-ari ng chains of hotel na 'to, ilang beses na rin akong nakapunta sa Hotel McAllister sa Pilipinas at bagama't may pagkakapareho ang interior designs ng hotel na 'to sa Pilipinas mas nangingibabaw pa rin ang feels nito na pang-Paris, was it the antiques? I don't know.

"Fashion show din po ba 'to?" Umiling sa akin si Ms. Alissa. Pinindot niya ang elevator button. Sumakay na agad kaming tatlo nina Risque pagkabukas na pagkabukas non.

"This is just a party hosted by Ms. Itália and since Ms. Stormie is her dear friend we got invited too."

"Birthday party?"

"Wine party," she corrected. May gano'n pala. Kung gano'n p'wede rin na mayroong beer party o water party na lang kapag wala kang budget pambili ng mga liquors?

Napanganga ako sa labis na pagkamangha nang makatapak na kami sa rooftop. Mula rito ay kitang-kita namin ang matayog at nagniningning na Eifell tower, para 'tong kumpol ng bituin na bumagsak sa lupa.

What I'm seeing is beyond breath-taking, it's a master piece. Kahit saan ako tumingin ay napaka-ganda.

"Here." Iniabot sa 'kin ni Risque ang wineglass. May laman 'yong kulay pink na wine o kung ano man 'yon.

Tinangihan ko s'ya. Mababa lang ang tolerance ko sa alcohol, tatlong baso lang ng wine ay nalalasing na ako.

"This is just a strawberry wine, no alcohol content," he said. Pinaningkitan ko 'to ng mata dala ng pagsususpetya pero sa huli ay tinanggap ko na rin 'yon ulit.

Humarap muli ako kung nasaan ang Eiffel tower. "Nakakakilig lalo kung si Primo ang kasama ko."

Risque tsked. It made me look at him. Dapat ba hindi ko 'yon sinabi. "Alex, can you see yourself cheating on him?" he said it casually. Napaka-random naman ata ng tanong niyang 'yon.

"Siyempre hindi. Primo is my wildest dream and why would I cheat?" He shrug his shoulder. Sumandal ito sa bannister, nakatagilid ang katawan nito kaya naman magkaharap na kaming dalawa ngayon.

Risque sips on his wine. He bite his lips and chuckled but he doesn't sound happy though. Bakit kaya?

"Natanong ko lang. I thought I still stand a chance, kahit pangsikreto mo lang." I laughed nervously.  I don't like where this conversation of ours is heading.

Saka lang ako nakahinga nang maayos nang umalis na si Risque sa tabi ko. Hindi kaya lasing na siya kaya kung ano-ano na ang nasasabi niya?

"Alexandrite. I didn't expect that you'd be here." I slowly shifted my gaze from Risque whose talking to a french model to that familiar worm, I mean bookworm named Yves.

Inilagay ko sa pabilog na lamesa ang wineglass na ang lamang strawberry wine ay hindi ko man lang halos nakalahati.

"I didn't expect that you'd be here too," nasabi ko na lamang. Sinulyapan nito si Risque. She hide an annoying smile as she stares back at him and me. Para kasing may kung ano siyang gustong palabasin.

"Anyway, it's nice seeing you here." She snatch her clutch bag from the table and leave. It wasn't really nice seeing her here. I wasn't even pleased.

Habang lumalalim ang gabi ay mas lalo kong nararamdaman ang aking pagod. My eyes wants to shut and I'm getting bored. May mga kumakausap naman sa 'kin pero hindi nagtatagal ang mga conversation na 'yon. Ilang lalaki rin ang lumapit sa 'kin pero iniiwasan ko na lang sila kaagad.

Binalaan na agad ako ni Ms. Alissa sa mga gano'ng klase ng lalaki kaya handa ako. Ligtas ang may alam.

I decided to settle myself on the fire exit. I took my phone out and was about to start reading the pdf files of my module when I notice someone sitting on the lower staircase.

"Risque?" bulong ko. Napasinghap na lamang ako nang tumayo 'to at bigla niyang sinuntok ang pader, sa labis na pagmamadali ay nabitawan ko na ang aking cellphone. Hindi ko na naisip pang balikan 'yon dahil sa labis na pagkataranta.

"Risque, baliw ka ba?" hiyaw ko. Kinuha ko ang kamay nito. Pulang-pula ang kamao niya at may mga dugo rin 'yon dahil sa gasgas na natamo nito.

"This needs to get treated." I was about to pull him yet he pull me back and pinned me to the wall.

"I'm in love with you, Alex. Break up with Primo, he don't love you as much as I do." Sinubukan ko siyang itulak. Kahit na nasa gan'tong posisyon kami ay hindi ko pa rin naramdaman na kaya niya akong gawan ng masama.

Rather than angry, Risque looks sad and broken.

"Ris."

"Alex, ako na lang. Akin ka na lang."

"Risque lasing ka lang," giit ko. He chuckled bitterly. "Lasing man ako o hindi alam kong gusto pa rin kita." Risque cuffed my face. He laugh as if he's losing his sanity. Iyon ang huling nangyari bago 'to napayakap na lang sa 'kin dahil nawalan na siya ng malay dahil sa labis niyang kalasingan.

The remaining days of Paris Fashion pass without the two of us talking. We took pictures together when we attend shows and some gatherings but we never get to talk.

"Nag-away ba kayo ni Ris?" pang-uusisa ni Ms. Alissa. One last show and we're heading in Airport to catch our flight to Philippines.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi naman talaga kami nag-away pero kung iwasan namin ang isa't isa ay daig pa namin ang gumawa ng kung anong eskandalo na ikakasira namin.

She sighed. "He confessed?" I look at her and laugh nervously, hoping that the topic she opened up will die soonest.

Nilampasan ko si Ms. Alissa. Dumiretso ako sa dresser at kinabit na lang sa 'king tainga ang isang dangling earrings.

"Ano naman po ang ipagtatapat sa 'kin ni Risque." Muli akong tumawa ng pilit.

"Silly you, do you think I didn't notice? Ano namang masama kung magkagusto siya sa 'yo?" Sinarado ko ang jewelry box.

Hindi ko maintindihan ang pinupunto niya ngayon.

"May boyfriend po ako." I shut my eyes. "Primo and I are planning to get married next year and about the contract... we'll settle my penalty once we get back on Philippines." She stares at me with her mouth slightly open.

She doesn't look angry but she doesn't look pleased to at the information I gave her.

"Ha? Wait, ang bilis naman ata. Pinag-isipan mo ba nang mabuti 'yan?"

Humarap ako sa kaniya at pagod na ngiti. Yup, I'm happy living a life like this but I'll be happier if I focus on becoming a nurse and do my wifely duties. That's what I want to do the most, more than anything else.

"Opo. Modelling gives me happiness but I'll be happier if I become Mrs. Cervantes soon. It's troublesome for both parties, but this is what I want. Mas mahal ko po si Primo kesa mahal ko ang pagmomodel."

To Infinity, And BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon