Mark's POV.
(God Itthipat)What is happening to this world? Nakakainis! Bakit sila may karelasyon ako wala? Life is so unfair! Pangit ba ako o sobrang gwapo ko lang talaga (lots of confidence.hahaha)? Talo pa ba sa akin kung ako ang magiging boyfriend? I am tall, with white complexion and handsome. Wooahhh! I am just describing myself. Hahaha. Pero sa totoo lang pogi naman talaga ako wala lang jowa. Badtrip! Haha. By the way, I'm Mark Alfonso, 18 years old, a freshman student at WestVille University. Based on my research, well-knowned ang school na papasukan ko halos 95 percent of students na nag-aaral ay mayaman at nanggaling sa mga kilalang pamilya. Masasabi kong average lang naman yung status ng pamumuhay namin compared sa kanila. We have our own business na kilala naman sa aming lugar.
I am now driving my car going to school. Kakainis ang traffic! First day pa lang ng pasukan ganito na kalala ang traffic what more pa kaya sa mga susunod na araw.
Habang nakahinto ang aking sasakyan ay nagmamasid naman ako sa mga tumatawid na estudyante. May mga mag-jowa na akala mo naman nasa hotel kug mag-landian. Hindi na nahiya! Kakabwisit! Ewan ko ba kung bakit wala pa rin akong jowa hanggang ngayon. Sa totoo lang bisexual ako pero takot pa rin ako ipakita sa ibang tao ang tunay na pagkatao ko kahit alam naman ng family ko. Bukod sa family ko, isang tao pa lang ang nakakaalam na bisexual ako at iyon ang bestfriend kong si Edward. Actually, wala naman ako standard sa pagpili ng taong mamahalin ko. Mas okay sakin yung simple lang ang itsura basta mabait. Ayoko sa sobrang gwapo dahil marami akong magiging kaagaw. Gusto ko akin lang! Akin lang! Sa totoo lang galit ako sa mga gwapo lalo na yung sobrang lakas ng hangin sa katawan. Sarap ibaon ng buhay. Hahaha.
Malapit na ako sa parking area ng University ng biglang may bumangga sa likuran ng sasakyan ko. Bwisit! Dali-dali akong bumaba para i-check ang likod ng sasakyan ko.
"Hoy! Bumaba ka jan!" Kinatok ko ng malakas ang bintana ng kotse ng hudas na to. Binuksan nya ang pinto at bumaba sya sa kanyang kotse.
"Ano bang problema mo?" Maangas na saad nya.
"Bulag ka ba o gago ka lang talaga? Hindi mo ba nakita na binangga mo ang kotse ko? Ano hindi mo pa rin alam kung anong problema ko?" Gigil ko sa kanya.
"Yan lang nag-papakagalit ka na? Gusto mo bilhan pa kita ng sampung kotse na katulad nyan!" Pagmamayabang nya.
"Aba eh talagang napaka-yabang mo rin no! Gwapo ka sana eh pero bulok naman ang ugali mo! Kaya ko rin bumili ng kapalit nyan! Pero dahil mahalaga sa akin ang kotse na 'to, kailangan mong bayaran ang damage na ginawa mo! I need 20 thousand for the damaged that you've done and I need it now!" Saad ko.
"What??? 20 thousand for that simple damage? Are you insane? Why should I pay the amount that you are demanding from me?!"
"You should pay me or else I will sue you for whatever you did in my car! You are a reckless bitch driver! I will report it now to the Director of this University!" Gigil na saad ko sa mayabang na lalaking to.
"Alright! Para matahimik ka na babayaran ko na! I'll get my check in my car."
Wala sya nagawa kundi bayaran ako. Akala nya uubra saken yung kayabangan nya! Hmmmpp! Gwapo sana eh pero may aircon sa katawan.
******
Hope nagustuhan nyo ang first part ng story ko. Please leave your comment and vote.😘😘😘
BINABASA MO ANG
Unexpected Lover [Completed]
RomansaPaano ba magmahal ng taong sa una pa lang ay lubos mo ng kinamumuhian? Totoo kaya na may taong nakalaan para sa isa't-isa kahit pareho man ang inyong kasarian? We will never know. Sabi nga nila "Love has no gender". Kapag dumating na ba ang taong n...