Edward's POV.
Hindi ko kakayanin pag may nangyaring masama sa bestfriend ko! Hindi pa s'ya pwedeng mawala sa akin. Hindi ko makakaya na mawala ang taong minamahal ko! Hindi! Lahat gagawin ko mabuhay lang s'ya.
Nagpunta ako sa chapel ng hospital para magdasal.
"Lord please wag n'yo po munang bawiin ang bestfriend ko. Maawa po kayo sa akin at sa pamilya n'ya. Kailangan pa po namin s'ya. Hindi ko po kakayanin kapag nawala s'ya. Please gagawin ko po ang lahat para sa kanya. Pagbigyan n'yo po sana ang aking dasal. Bigyan n'yo po ng lakas ng katawan ang bestfriend ko para makayanan po n'ya ang operasyon."
Pagkatapos ko magdasal ay bumalik na ako sa harap ng emergency room. Nandoon na din ang mga magulang ko. Niyakap ko ng mahigpit ang mom ko.
"Mom hindi ko kakayanin pag nawala s'ya. Mahal na mahal ko ang bestfriend ko!"
"Wag ka mag-alala anak gagaling din si Mark. Gagaling s'ya dahil kailangan pa s'ya ng parents n'ya at kailangan pa natin s'ya. Mabubuhay s'ya anak magtiwala lang tayo sa Panginoon."
"Sana nga mom dahil hindi ko po kakayanin baka sumunod na lang din ako sa kanya."
"Anak wag ganun! Lakasan mo lang ang loob mo at magtiwala ka na magagamot s'ya. Gagaling s'ya!"
Lester's POV.
"Andrew puntahan mo ako ngayon dito sa hospital. Isesend ko ang address."
Pinatay ko na agad ang call pagkasabi ko kay Andrew. Mamaya na lang pagdating n'ya tsaka ko sasabihin kung anong nangyari.
Makalipas ang isang oras at nakita ko na ang sasakyan n'ya. Nakita din naman agad n'ya ang sasakyan ko at papalapit na s'ya.
"Anong nangyari? Bakit ka nandito? Sinong naaksidente?!"
"Si Mark ang naaksidente dahil kasalanan ko." Agad naman dumaloy ang mga luha ko. "Kasalanan ko ang lahat Andrew!"
"Bakit hindi ka pumapasok sa loob? Diba dapat nandoon ka para bantayan s'ya?"
"Pinaalis ako ng daddy n'ya at pinagbawalan ako na makipagkita pa sa kanya. Ano ng gagawin ko? Hindi ko makakaya pag nilayo nila sa akin si Mark dahil mahal ko s'ya. Please tulungan mo ako!"
"Sige ako na lang ang papasok para makibalita sa kalagayan n'ya. Basta dito ka lang. Gagawa tayo ng paraan para makalapit ka sa kanya."
Agad naman umalis si Andrew at dumiretso na sa loob.
Ilang minuto din ako naghintay sa paglabas n'ya.
Andrew's POV.
Pagkapasok ko ay agad kong tinanong sa information desk kung ano na balita sa kalagayan ni Mark.
"Good morning! I am Mark Alfonso's friend, may I know his status? Where can I find him?"
"Sir, he's still in the emergency room but, I heard that the operation was successful. We're just preparing the room where he will be transferred."
"Thank you so much for the information. I will go back here in the afternoon."
Agad naman ako pumunta sa sasakyan ni Lester.
"Good news! Successful daw ang operation at ililipat na s'ya sa ibang room."
"Talaga! Thanks God! Saan room daw s'ya ililipat?"
"Mamaya pa malalaman dahil inaayos pa yung room na paglilipatan n'ya. Tara kumain muna tayo tapos bumalik na lang tayo mamaya."
"Dito lang ako hindi naman ako nagugutom."
"Ano ka ba kailangan mo kumain tingnan mo ang itsura mo! Okay sige bibili na lang ako ng pagkain at dadalhin ko na lang dito. Hindi pwedeng hindi ka kakain. Gusto mo bang magkasakit? Paano mo s'ya maipaglalaban kong nanghihina ka?"
Umalis na ako at bumili ng pagkain sa fastfood chain na malapit sa hospital. Pagkatapos namin kumain ay bumalik na ako sa loob para i-check kung nakalipat na ng room si Mark. Nakasalubong ko naman si Edward.
"Hey bro kumusta na si Mark?"
"Bakit ka nandito? Pinapunta ka ng hayop na Lester na yun no? Makakaalis ka na!"
"Nagpunta ako dito para bisitahin s'ya dahil nag-aalala din naman ako sa kanya. Kaibigan ko na rin s'ya kaya wag mo naman ipagdamot na madalaw s'ya."
"Pinuputol ko na ang ugnayan namin sa inyo dahil simula nung makilala namin kayo eh puro na lang kamalasan ang nararanasan namin! Kaya umalis ka na dahil ayoko na din makita pagmumukha mo!"
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil tinawag n'ya ang guard at sinabing wag na wag na ako papapasukin sa loob ng hospital. Nakiusap naman ang isang guard na lumabas na ako. Kaya wala akong nagawa kung hindi lumabas. Bumalik na lang ako sa kotse ni Lester.
"Nakita ko si Edward at galit na galit. Pati ako pinagbawalan na din pumasok. Sinabihan n'ya ang mga guards na wag na ako papasukin."
"Napaka-walanghiya talaga ng Edward na yan! Pinagdadamot n'ya sa akin si Mark! Kailangan magpatulong ako kay daddy alam ko may kaibigan s'yang doctor dito." Gigil na saad ni Lester.
*****
Sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa. Walang bayad mag-comment. Hehe. 😘😘😘
BINABASA MO ANG
Unexpected Lover [Completed]
RomancePaano ba magmahal ng taong sa una pa lang ay lubos mo ng kinamumuhian? Totoo kaya na may taong nakalaan para sa isa't-isa kahit pareho man ang inyong kasarian? We will never know. Sabi nga nila "Love has no gender". Kapag dumating na ba ang taong n...
![Unexpected Lover [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/184006746-64-k778864.jpg)