Anton's POV.
Naiinip na ako kakahintay ng tawag dun sa binayaran kong tao para dumukot kay Lester kaya naman ako na ang tumawag. Sinagot naman nya agad ang tawag ko.
"Ano ng balita sa pinapagawa ko? Kanina pa ako naghihintay ng tawag mo. Nadukot nyo na ba s'ya?" Sunod-sunod kong tanong.
"Boss nandito na sila! Hindi lang isa kundi apat! Hahaha. Sabi ko naman sa'yo boss lahat ng magiging sagabal sa plano eh idadamay ko. Maari na kayo pumunta dito boss. Send ko sa'yo ang address." Saad nya.
"Okay good! Sige send mo na sa akin ang address. Sino naman yung tatlo na kasama sa mga dinukot nyo?"
"Boss si Andrew at yung dalawa pa ninyong kaklase. Yung kinuwento mo sa akin na kaaway ni Lester. Nakita namin sila na nag-aaway sa labas ng University n'yo kaya sinama na rin namin sila. Mahirap na baka magsumbong pa ang mga yun sa pulis."
"Tama yung ginawa mo. Good job! Maaasahan ka talaga. Sige hintayin mo lang ako d'yan at papunta na ako."
Dali-dali ko pinaandar ang kotse ko at pinaharurot ko ng takbo. Parang gusto ko na liparin ang kinaroroonan nila. Hindi na ako makapaghintay! Hahaha.
Lester's POV.
Naawa ako sa kalagayan ni Mark. Oo galit na galit ako sa kanya dahil sa mga nangyari sa amin pero ngayon naglahong parang bula ang galit ko sa kanya dahil napalitan ng awa.
"Mark wag ka susuko! Kayanin mo dahil makakaalis din tayo sa lugar na 'to. Tiisin mo lang ang sakit. Wag kang bibitaw please!" Maluha-luha kong saad sa kanya.
Hindi s'ya nagsasalita at patuloy lang sa pagluha. Meron nakabantay sa amin na mga tauhan nung lider nila.
"Kuya tulungan mo kami makaalis dito babayaran kita kahit magkano please." Pagmamakaawa ko.
"Hindi ko kailangan ng pera mo dahil mas malaki ang ibabayad ng boss namin. Kaya wag ka ng magpumilit pa!" Saad nung isang tauhan.
"Parang awa mo na kahit ano gagawin ko pakawalan mo lang kami please."
"Doon ka makiusap sa boss ko wag sa akin dahil tauhan n'ya lang din ako! Pare patigilin mo nga ang isang yan!" Sigaw n'ya sa isang kasamahan n'ya at agad naman binusalan ang bibig ko.
Andrew's POV.
"Hoy gago diba gusto mo rin kami tikman! Gusto mo ba? Mas masarap ako!" Pang-eengganyo ko sa isang tauhan. Gagamitin ko ang katawan ko para lang makatakas dito.
"Hindi pa maaari dahil pagsasawaan muna kayo ng boss ko! Kapag sawa na s'ya eh kami naman. Hahaha."
"Mas gusto mo ba yung tira-tira na lang at pinagsawaan na kung pwede mo naman akong matikman agad?" Panlilinlang ko sa kanya.
"Ayoko pa mamatay kaya okay na ako sa pinagsawaan. Pare busalan mo na din yan."
Hindi gumana ang plano ko. Badtrip!
Edward's POV.
"Bestfriend wag ka susuko please! Kahit nasasaktan ako na binababoy ka nung hayop na yun eh kakayanin ko. Makakatakas din tayo dito. Mahal na mahal kita bestfriend kaya kahit buhay ko pa ang kapalit huwag lang ikaw ang masaktan. Konting tiis lang makaka-alis din tayo dito." Saad ko habang umiiyak. Nadudurog ang puso ko dahil sa kanyang pagluha. Ang sakit-sakit na makita s'yang nahihirapan.
Nasa ganun kaming sitwasyon ng dumating ang isang lalaki kasama ang lider ng grupo na dumukot sa amin. Kilala ko sya! Alam ko classmate namin sya! Nakita ko s'ya nung unang araw ng klase namin.
"Wow! Ang sweet naman! Naiinggit tuloy ako. Hahaha." Pang-iinsultong saad n'ya habang pumapalakpak.
"Hayop ka pakawalan mo kami! Bakit mo ginagawa sa amin 'to?!" Sigaw ko sa kanya.
"Well, hindi naman dapat talaga kayo kasama dito eh. Kasi silang dalawa lang naman kailangan ko!" Sabay turo kay Lester at Andrew. " Since magiging sagabal kayo sa plano ko na paghihiganti kaya sinama na din kayo dito. Hahaha.
"Demonyo ka pakawalan mo kami ng bestfriend ko! Huwag mo kaming idamay sa paghihiganti mo sa kanila!"
"Sorry nandito na kayo eh alangan naman pakawalan ko pa kayo. Hahaha." Pang-iinsulto nya.
Tumingin sya kay Mark at napansin ang katawan nito.
"Wow! Perfect body! Ang sarap naman ng bestfriend mo. Shit tinitigasan ako! Pero mamaya ko na lang susundin ang libog ko pagkatapos ko sa dalawang 'to!" Saad n'ya.
"Tang*na mo wag na wag mo gagalawin ang bestfriend ko! Kapag nakawala ako dito papatayin kita!!!" Sigaw ko.
"Awww! Sobrang nakakatakot! Todo na yun?! Hahaha."
Nilapitan nya ako at sinakal sa leeg sabay suntok sa sikmura ko.
*****
Please leave your comment and vote.
BINABASA MO ANG
Unexpected Lover [Completed]
Любовные романыPaano ba magmahal ng taong sa una pa lang ay lubos mo ng kinamumuhian? Totoo kaya na may taong nakalaan para sa isa't-isa kahit pareho man ang inyong kasarian? We will never know. Sabi nga nila "Love has no gender". Kapag dumating na ba ang taong n...