Unexpected Lover : Part 7

865 6 0
                                        

Mark's POV.

Natapos na ang klase namin at nagkasundo kami ng bestfriend ko na gumala sa mall. Naglakad na kami papuntang parking area at kanya-kanyang sumakay sa aming kotse. Nakalabas na kami ng University ng may bumato sa kotse ko. Nabasag ang bintana ng kotse ko sa bandang kaliwa. Kaya naman dali-dali akong bumaba sa kotse at hinanap kung saan ang pinagmulan ng bato. Tama ang hinala ko na si Lester ang bumato ng sasakyan ko dahil nandoon sila sa kabilang kalsada kasama ang kaibigan nya at nagtatawanan pa. Patakbo akong pumunta sa kinaroroonan nya at sumunod din sa akin si Edward.

"Hayop ka!!! Gago ka pagbabayaran mo ang ginawa mo!" Galit na galit na sigaw ko sa kanya.

Sinugod ko agad sya at inundayan ng suntok sa mukha. Tumama ang una kong suntok pero naiwasan nya ang pangalawa. Ako ang natamaan sa panga ko at sinundan pa n'ya ng isa sa ilong ko. Naramdaman ko na dumugo ang ilong ko. Hindi ako tumigil kakasuntok kahit pa puro sablay ang suntok ko. Hindi na rin s'ya nakakatama sa akin dahil naiiwasan ko ang mga suntok nya. Dahil sa pag-urong nya nawalan s'ya ng balanse kaya naman nakahanap ako ng pagkakataon para umibabaw sa kanya at walang tigil ko syang pinagsusuntok sa muka, sa leeg at kahit saan na lang tumama ang mga suntok ko. Puro dugo na ang mukha n'ya.

"Ano lalaban ka pa?! Gago ka gago!" Susuntukin ko pa dapat s'ya ng isa pero may mga kalalakihan na dumating. Lumapit sa amin ni Lester ang apat at hinawakan agad kami sa magkabilang kamay. Pumapalag ako ng biglang suntukin n'ya ako sa sikmura. Namilipit ako sa sakit at nagdilim ang paningin ko. Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari.

Edward's POV.

Nagising ako sa sakit na nararamdaman ko. Halos mamilipit ako sa sakit dahil pinagsusuntok ako sa sikmura ng mga hindi ko kilalang kalalakihan. Pinipilit ko lumapit kay Mark kanina pero hindi ko na nakayanan dahil sa pagbugbog sa akin ganun na rin sa kaibigan ni Lester at isinakay na kami sa sasakyan nila.

Pinipilit ko bumangon kahit sobrang sakit ng nararamdaman ko dahil inaalala ko si Mark. Madilim ang paligid kaya nagsisigaw ako.

"Tulong! Tulong! Tulungan nyo kami! Mark nasaan ka? Mark! Magsalita ka!"

Napapaos na ang boses ko kakatawag pero hindi pa rin s'ya sumasagot. Pinilit ko gumapang baka sakaling makapa ko sya sa dilim. Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Maluha-luha na ako dahil ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin s'ya umiimik. Pinipilit ko pa rin sumigaw kahit na nahihirapan ako. Hindi ko kakayanin pag may nangyaring masama sa kanya. Hindi! At tuluyan ng pumatak ang mga luha ko.

"Mark asan ka na ba? Please sumagot ka."

Hindi ko inaasahan na may sumigaw at humihingi din ng tulong. Si Andrew ang kaibigan ni Lester. Nabosesan ko sya.

"Lester asan ka?!" Malakas na sigaw n'ya.

Sinundan ko ang boses kung saan nanggagaling para makalapit sa kanya. Nahirapan ako makalapit agad sa kanya dahil namimilipit pa rin ako sa sakit. Pero pinilit ko pa rin makalapit.

"Andrew ako 'to si Edward! Hindi ko rin mahanap si Mark. Kilala mo ba kung sino ang mga dumukot sa atin?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw pala Edward! Hindi ko sila kilala pero malamang meron nag-utos sa kanila para ipadukot tayo. Sa totoo lang wala akong ideya kung sino ang gagawa nito sa atin. Kailangan natin makatakas agad dito."

"Kahit ako wala din ideya kung sino ang may galit sa amin ni Mark. Ang alam ko lang si Lester ang kaaway n'ya. Kailangan natin mahanap silang dalawa. Kailangan natin magtulungan." Saad ko

"Oo sige magtulungan tayo. Hanapin natin sila at tumakas tayo dito."

Nagpaplano na kami ng gagawin namin ng may marinig kami na mga yabag ng tao papalapit sa amin. Biglang bumukas ang ilaw at nakita namin ang mga armadong lalaki. Hinanap ko agad si Mark at nakita ko s'ya sa bandang dulo na nakatali sa isang haligi ganun din si Lester. Agad akong sumigaw pero sa pagsigaw ko bigla akong hinambalos ng baril ng isang lalaki. Pinilit ko magpumiglas pero may dala silang tali at iginapos ang kamay ko sa likod at iginapos din ang mga paa ko ganun din si Andrew.

****

Hope you enjoyed reading the story. Please comment and vote.

Unexpected Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon