Mark's POV.
Nandito kami ni Edward sa hospital ngayon para gamutin ang mga sugat namin. Marami ang natamo nyang sugat kaya kailangan mag-stay ng ilang araw dito sa hospital para tuluyang gumaling. Ako naman ay pwede ng lumabas agad bukas. Magkasama kami sa isang room ngayon dahil nirequest ko din kay dad.
"Dad! Mom! Sorry po dahil sobrang nag-alala kayo sa akin." Umiiyak na saad ko.
"Forget it son. Ang mahalaga ligtas ka na ngayon at kapiling ka na ulit namin." Saad ni dad.
"Oo nga anak. Hindi na namin hahayaan na mangyari pa 'to sayo ulit." Saad ni mom.
Niyakap nila ako. Hindi ko naman mapigilan umiyak dahil na rin sa mga pinagdaanan ko. Nagpaalam sila na bibili ng pagkain.
Lester's POV.
"Dad nasaan na po yung mga kaklase ko? Si Andrew? Saan silang hospital dinala? Tanong ko kay dad.
"Anak nandoon sila sa katabing kwarto nito. Magkasama yung dalawang kaklase mo at si Andrew naman ay nasa dulong kwarto."
"Okay lang ba sila dad? Ginagamot na din ba sila?"
"Oo anak. Wag mo na muna sila isipin dahil maayos ang lagay nila. Ang isipin mo muna ay ang sarili mo. Okay ka na ba? Maayos na ba pakiramdam mo?"
"Yes dad! Okay na po ako. Kelan po ako makakalabas dito?"
"Sabi ng doctor maaari ka na lumabas bukas. Kailangan mo lang ng pahinga kaya hindi ka muna papasok ng isang linggo sa school."
"Okay dad! Sige po matutulog muna ako."
"Okay son! Parating na din mom mo dito."
Edward's POV.
Medyo maayos na ang pakiramdam ko dahil na rin sa gamot. Tiningnan ko naman si Mark na natutulog sa kabilang kama at mukhang maayos na sya. Wala ang parents n'ya baka bumili ng pagkain sa labas.
"Mom kelan po ako makakalabas dito sa hospital?"
"Depende anak sa kundisyon mo sabi ng doctor."
"Okay mom! Si Mark kelan po lalabas dito?"
"Bukas pwede na sya lumabas anak."
"Mom ayoko maiwan dito! Gusto ko andito pa rin ang bestfriend ko!"
"Ano ka ba naman anak eh kailangan na rin nya lumabas. Alangan naman i-extend pa nila."
"Basta mom pag lumabas na sya eh lalabas na din ako!"
"Anak wag matigas ang ulo. Sige susubukan ko sila kausapin. Ikaw talagang bata ka ayaw mo mahiwalay dyan sa bestfriend mo. Bestfriend nga lang ba talaga?"
"Mom naman eh! Kung ano-ano pinagsasabi mo! Dad pakilabas na nga si mom dito!"
"Hahaha. Baliw kang bata ka! Pati ako papalayasin mo dito." Saad ni mom.
"Dad naman eh ilabas mo na si Mommy! Nababaliw na po sya!"
Agad ako kinurot ni mommy sa braso.
"Awwww! Mom ang sakit eh! Dad kinurot ako oh!"
"Hayaan mo na anak at sobrang namiss ka lang ng mom mo. Baka naman kasi totoo talaga na may pagtingin ka jan sa bestfriend mo. Hahaha" saad ni dad sabay tawa.
"Dad naman isa ka pa eh! Marinig ka nya oh!"
"Basta anak boto ako kay Mark! Hahaha."
"Baliw ka talaga mom!"
"Boto din ako sa kanya anak!" Saad ni dad.
"Isa ka pa dad! Matutulog na nga lang muna po ako.
"Aww! Napikon ang anak namin porke magkakajowa na. Hahaha."
"Mom pwede ba lumabas po muna kayo ni dad. Hindi po ako makatulog eh!"
"Weehh! Gusto mo lang titigan si Mark eh! Hahaha. Anak wag mo dito sa hospital gawin yung binabalak mo ha. Dapat dun sa bahay para mas exciting! Hahaha."
"Baliw ka mom! Lumabas na kasi kayo ang kulit eh!"
Lumabas na nga sila ng kwarto. Agad ko tinitigan si Mark na nakaharap sa akin na natutulog sa kabilang bed.
****
Sana nagustuhan nyo. Mwahhh!
BINABASA MO ANG
Unexpected Lover [Completed]
Roman d'amourPaano ba magmahal ng taong sa una pa lang ay lubos mo ng kinamumuhian? Totoo kaya na may taong nakalaan para sa isa't-isa kahit pareho man ang inyong kasarian? We will never know. Sabi nga nila "Love has no gender". Kapag dumating na ba ang taong n...
![Unexpected Lover [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/184006746-64-k778864.jpg)