Unexpected Lover : Part 22

520 6 0
                                        

Edward's POV.

Hanggang ngayon hindi pa rin nagkakamalay ang taong minamahal ko. Namimiss ko na ang boses n'ya at ang ngiti na nagpapatunaw ng puso ko. Mahal na mahal ko ang bestfriend ko kaya kahit ano gagawin ko huwag lang s'ya maagaw sa akin ni Lester.

"Bestfriend gumising ka na please namimiss na kita. Nahihirapan ako makita ka sa ganyang kalagayan. Handa akong ibigay lahat para sa'yo huwag ka lang mawala sa piling ko. Aalagaan kita hanggang sa gumaling ka at mamahalin kita hanggang sa dulo."

"Anak gagaling din si Mark kaya huwag ka ng malungkot. Ilang araw pa at makakasama mo na ulit s'ya. Papayag na kami na kahit laging wala ka sa bahay kahit pa doon ka na tumira sa kanila para lang mabantayan mo s'ya. Alam mo naman na boto kami ng dad mo sa kanya." saad ni mom.

"Mom thank you dahil naiintindihan n'yo po ni dad ang nararamdaman ko para sa kanya. Mahal na mahal ko po s'ya kaya handa ako gawin ang lahat para sa kanya."

"Hay naku anak kailangan pa ba ulit-ulitin sabihin na mahal mo s'ya sa amin eh halos araw-araw lagi mo s'ya bukambibig. Mas mahal mo pa nga si Mark kesa sa amin eh."

"Mom ang drama mo. Hahaha. Alam n'yo naman mahal na mahal ko kayong tatlo eh. Mom pwede ba doon na lang natin iuwi si Mark sa bahay? Ako na lang po mag-aalaga sa kanya paglabas dito sa hospital para gumaling na s'ya agad ng tuluyan."

"Pwedeng-pwede naman anak pero tanungin mo din ang parents n'ya kung papayag sila."

"Sige mom kausapin ko mamaya sila tita pagbalik nila dito. Sana po pumayag sila."

"Anak huwag mo muna papagurin si Mark ha kapag nasa bahay na s'ya baka di n'ya kayanin eh. Hahaha."

"Baliw ka talaga mom kung ano-ano pumapasok sa utak n'yo. Mom punta nga kayo sa doctor para ma-check yung utak n'yo ang laswa eh. Hahaha."

"Badtrip ka anak! Haha. Sampalin kaya kita ng lima."

"Hahaha. Kailangan talaga mom may bilang?"

"Oo anak para mas feel mo!"

"Wahahaha. Baliw ka talaga mom buti na lang hindi po ako nagmana sa'yo."

"Hindi pala ha eh mas baliw ka nga sa akin. Tingnan mo nagmamahal ka ng taong hindi ka naman mahal. Kinakausap mo yung sarili mo. Oh anong tawag dun aber?!"

"Sobrang pagmamahal mom. Hahaha"

"Anak pagiging tanga yun! Hahaha."

"Ewan ko mom sa inyo! Ayoko na nga po kayo kausapin. Hahaha."

"Ah ganun pala ha. Sige hindi na ako papayag na doon magpagaling si Mark sa bahay. Hindi ka rin pwedeng umalis ng bahay sa loob ng isang buwan. Ipapa-cut ko lahat ng cards mo para wala kang pera. Oh ano laban ka?"

"Mom no! Hindi na po kayo mabiro. Ang ganda-ganda talaga ng mommy ko at ang sexy pa! San ka pa? Oh diba! I love you mom!"

"Hahaha. Takot ka naman pala eh! May pambobola ka pang nalalaman eh alam ko na yun dati pa. Hahaha."

"Huwaw!! Mom ang lakas ng confidence! Ikaw na! May nanalo na ginalingan masyado eh! Hahaha."

"Pak pak ganern!" saad ni mom na may paghampas pa sa dalawang hita.

Sabay kaming nagkatawanan ng malakas. Hahaha. Baliw talaga ang mom ko.

Lester's POV.

"Dad nasaan na po ba kayo ni mom? Akala ko papunta na kayo dito?"

"Nak may binili lang kami ng mom mo. Malapit na kami dyan sa hospital."

"Okay dad! Nakausap n'yo na po ba yung friend mo na doctor dito?"

"Yes anak, tamang-tama nandyan s'ya ngayon."

"Good to hear that dad! Thanks dad!"

"Ikaw talaga anak magmamahal lang dun pa sa baldado. Tapos hindi ka rin naman mahal. Ang dami talagang tanga at martyr sa mundo kasama ka. Haha."

"Dad naman eh hindi po s'ya baldado! Mahal ko yun eh kaya kahit maging tanga at martyr po ako eh gagawin ko. Mana kaya ako sa'yo dad! Tanga din. Hahaha."

"Gago ka anak! Hindi na kaya kami pumunta dyan ng mom mo! Bahala ka na sa buhay mo. Babalik na kami."

"Daaaaaddd joke lang naman eh! Hindi na po kayo mabiro. Hahaha."

"Tanga pala ha! Eh ikaw anak duwag naman. Gwapo nga sobrang tanga naman. Tsk tsk. Haha."

"Aray dad sakit nun ah! Paampon na lang kaya ako sa iba."

"Haha. Biro lang anak. I love you son!"

"Takot din naman pala kayo mawala ako eh. I love you too dad! Ingat po kayo ni mom."

Ilang oras lang ang nakalipas at dumating na sila mom at dad.

------

Thank you sa mga nagbabasa ng story ko!!! Sana nagustuhan nyo.

Unexpected Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon