Unexpected Lover : Part 25

483 2 3
                                    

Mark's POV.

Bakit nahihirapan na ako ngayon pumili sa kanila? Bago ako maaksidente desidido na ako na piliin si Lester pero ngayon tila nabawasan yung pagmamahal ko sa kanya. Dinidikta ng puso ko ay si Lester pero ang binubulong ng utak ko ay si Edward ang piliin ko dahil alam ko na hinding-hindi n'ya ako sasaktan.  Mahal ko rin naman si Edward bilang bestfriend pero hihigit pa kaya doon ang kaya kung ibigay sa kanya? Kunsabagay, hindi naman s'ya mahirap mahalin dahil lahat ng katangian na hinahanap ko sa magiging boyfriend ko ay nasa kanya.

Makalipas ang isang linggo.

Nakauwi na ako dito sa bahay dahil pinayagan na ako ng Doctor na lumabas. Pero kailangan ko pa rin magpahinga dahil hindi pa ganun kaayos ang kalagayan ko. Hindi ako maaaring mapagod kaya hindi pa ako pwedeng pumasok sa school. Araw-araw naman ako dinadalaw nila Lester at Edward. Halos dito na nga tumira sa bahay eh. Okay naman pag wala sila dahil tahimik ang mundo ko. Puro na lang selos at pag-aaway sila kapag nandito sa bahay. Speaking of the devils, nandito na sila. Hahaha.

"Baby gutom ka na ba? Kumusta ka maghapon? Ano ginawa mo?" sunod-sunod na tanong ni Edward.

"Huwaw!! Maka-baby ka naman akala mo ikaw na yung pinili! Asa ka masyado!" iritadong saad ni Lester.

"Pakialam mo ba ha! Wag ka din umasa dahil masasaktan ka lang! Kaya kung ako sa'yo wag mo na ipagpilitan yung sarili mo. Tsk! Tsk!" saad ni Edward.

"Ano ba kayong dalawa mag-aaway na naman ba kayo? Wag na kaya kayo pumunta pareho dito dahil nakakarindi na kayo eh!"

"Baby sorry na please! Promise magpapakabait na ako." Lumapit si Edward sa akin at niyakap ako. Agad naman hinila ni Lester.

"Maka-tsansing ka din eh no! Akin lang ang sweety ko! Diba sweety? Pwede ba pa-kiss?"

"Eto suntok gusto mo?!" Bulyaw ni Edward.

"Bahala na nga kayo d'yan! Kung gusto n'yo magpatayan may kutsilyo doon sa kusina!" dumiretso na ako sa kusina dahil nagugutom na ako. Bahala na sila mag-away.

Kailan kaya magiging tahimik ang buhay ko? Kapag wala silang dalawa eh mga magulang naman nila ang nandito at wala ding ginawa kundi mag-away. Mababaliw na ako!

Limang buwan na ang nakalipas pero wala pa rin ako sinasagot sa kanilang dalawa. Pwede kayang silang dalawa na lang? Nahihirapan ako pumili dahil may masasaktan sa kanila. Pwede naman siguro wala na lang ako piliin para walang masaktan. Oh no! Nahihirapan na ako! Siguro nga kailangan ko na magdesisyon.

"Edward magkita tayo mamaya 8 pm sa paborito nating resto. Huwag mo na ako sunduin." Text ko sa kanya. Sigurado na ako sa desisyon ko.

Dumiretso na ako sa bahay para mag-shower muna tapos dumiretso na sa resto. Halos 20 minutes pa bago mag-alas otso pero nakarating na ako sa restaurant. Tama kaya ang desisyon ko? Grabe kinakabahan ako.

Ilang minuto lang ang nakalipas at dumating na si Edward.

"Hi baby! Anong meron bakit mo ako in-invite dito?" tanong n'ya.

"Mamaya ko na sasabihin sa'yo. Um-order na muna tayo dahil nagugutom na ako."

"Okay sige baby! Gutom na din ako eh baka iba pa ang makain ko. Hahaha."

"Baliw!"

Lumapit naman sa amin ang waiter at kinuha ang orders namin.

Kwentuhan lang kami ng kung ano-ano habang naghihintay ng pagkain. Masaya ako kapag kasama ko s'ya.

Dumating na rin ang mga pagkain na in-order namin at nagsimula na kami kumain. Makalipas ang ilang minuto na halos wala kami imikan. Grabe kinakabahan ako. Lord please help me. Sana po tama yung desisyon ko.

"Edward may sasabihin ako sa'yo. Basta makinig ka lang sa akin ha at wag ka magsasalita. Okay ba yun?"

"Okay baby sige makikinig lang ako sa'yo promise."

"Edward masaya ako na nakilala kita at naging bestfriend kita. Alam mo ba na gusto ko araw-araw tayong magkasama dahil lagi akong masaya. Hindi ko inaasahan na gusto mo na pala ako noon pa. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko nung sinabi mo yun dahil may nararamdaman din ako para sa'yo hindi lang bilang bestfriend. Ikaw ang pinipili ko dahil alam ko hindi mo ako sasaktan at hindi mo ako iiwan. Sinasagot na kita Edward."

"Talaga baby??!!! Sinasagot mo na ako??!!"

"Hinaan mo lang yung boses mo."

"Ayoko baby! Gusto ko ipaalam sa buong mundo kung gaano ako kasaya dahil ako ang pinili mo!"

"Anong gagawin mo?"

Lumuhod s'ya sa harapan ko.

"Sa lahat po ng taong nandito gusto ko lang po ipaalam sa inyo na sobrang saya ko ngayon dahil sinagot na ako ng pinakamamahal ko!"

Maraming tao ang naghiyawan at lahat sila nakatingin sa amin.

"I love you baby ko!! Mahal na mahal kita! Pangako hinding-hindi kita sasaktan!"

"Ano ka ba nakakahiya oh lahat sila nakatingin sa atin."

"Okay lang yan baby ko. Mahal na mahal kita!"

"Kiss! kiss! kiss!" sabay-sabay na sigaw ng mga tao sa loob ng resto.

Halos lumubog ako sa kahihiyan pero ayoko naman masaktan si Edward kaya ako na mismo humalik sa labi n'ya. Nakatulala naman s'ya matapos ang paghalik ko.

"Hoy Edward! Tumayo ka na d'yan. Tara na alis na tayo dito."

"Okay sige baby ko. Maraming salamat po sa inyo at hindi n'yo kami hinusgahan kundi pinakita n'yo ang pagtanggap sa relasyon namin."

Dali-dali kaming lumabas ni Edward at dumiretso sa kotse n'ya. Sobrang saya ng nararamdaman ko. Iba pala yung pakiramdam kapag mahal mo yung pinili mo.

****

Sana nagustuhan n'yo. Salamat sa pagbabasa ng story ko.

Unexpected Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon