Andrew's POV.
Kailangan ko humanap ng paraan para matulungan ko si Lester. May nakita akong nurse na palabas ng hospital kaya naman sinundan ko s'ya. Pumasok s'ya sa fastfood chain kaya ganun din ang ginawa ko kunwari bibili na lang din ako ng pagkain.
"Hi! Would you mind if I seat here? Hope you will allow me." Pagpapa-cute ko sa nurse.
"Yeah, it's okay! You can seat here." Saad n'ya.
"Thank you! Hi, I'm Andrew Carillo and you? Is it okay to know your name? Sorry kung feeling close ako. Hehe. I just found out that you're attractive."
Namula naman si ate at halatang kinilig.
"Ikaw ha napaka-bolero mo. Kung hindi ka lang gwapo eh iisipin ko na rapist ka. Hahaha. I am Clair Natividad. Sorry ha pero may asawa't anak na ako. Hehe."
"Talaga married ka na? Sayang naman. Hehe. Pero you look single pa rin ha." Pambobola ko.
"Hay naku tama na nga pambobola mo. Haha. Diba ikaw yung pinalabas ng mga guards kanina sa hospital? Nakita ko yung pangyayari kanina eh." Saad n'ya.
"Yup! Ako nga yun. Pinagbawalan ako nung bestfriend ng kaibigan ko na dalawin ko s'ya. Gusto ko lang naman makita ang kaibigan ko masama ba yun? Hindi naman diba?"
"Sa tingin ko naman hindi masama dahil concern ka sa kalagayan ng kaibigan mo. Ano ba nangyari?"
"Ganito ang nangyari nurse, kasalanan kasi ng bestfriend ko kung bakit naaksidente si Mark yung kaibigan ko. Nagalit sa kanya ang magulang ni Mark kaya pinagbawalan na s'ya makipagkita sa anak nila. Kaya hayun kahit gustong-gusto makita ng bestfriend ko si Mark ay hindi na maaaring makita pa. Kaya please matutulungan mo ba kami?"
"Okay sige check ko kung ano ang pwede kong maitulong."
"Can I get your number para tawagan kita later pag nakapasok ka na sa hospital? Kung okay lang naman."
"Okay lang naman, sige save mo ang number ko then, call me after 20 minutes. Balik na ako dun sa hospital."
"Thank you! Sige I'll call you."
Bumalik na ako sa kotse ni Lester ibinalita sa kanya ang pag-uusap namin nung nurse.
"Meron ka ng pag-asa para makita si Mark. Tutulungan tayo nung nurse. Ano na nga pala balita sa paguusap n'yo ng daddy mo?"
"Talaga? Buti naman tutulungan n'ya tayo. Tatawagan pa ni daddy yung kaibigan n'yang doctor dito sa hospital tapos mamaya pupunta na din s'ya dito kasama si mommy."
"Okay buti kung ganun."
After 20 minutes tinawagan ko na yung nurse.
"Hello, sino to?" Saad nung nurse.
"Hi, this is Andrew yung kausap mo kanina sa resto. Matutulungan mo na ba kami ng bestfriend ko na makapasok?"
"Ah ikaw pala. Yup! Kukuha lang ako ng tiyempo para makapasok kayo. Doon kayo dumaan sa likod ng hospital. Hihintayin ko kayo dun. Meron akong dalang uniform ng nurse na gagamitin n'yo."
"Sige punta na kami sa likod. Salamat!"
Agad kami nagpunta ni Lester sa likod ng hospital at nadatnan namin doon si Clair, yung nurse na tutulong sa amin. Sinuot kaagad namin ang uniform.
"Tara sumama na kayo sa akin. Nakuha ko na yung room number."
Agad naman kami sumunod at dumiretso sa room ni Mark. Napagdesisyunan ko na wag na sumama sa loob baka lalong mahalata kami kaya naghintay na lang ako sa labas.
Lester's POV.
Buti na lang hindi ako namukhaan ni Edward ng makapasok na kami sa room. Naaawa ako sa kalagayan ni Mark pero sabi naman nila na okay na ang operasyon. Kaya kampante na rin ako. Ang mahalaga sa akin ngayon ay nakita ko s'ya.
Mahal na mahal kita Mark kaya lahat gagawin ko para makita ka at mahawakan ang iyong kamay. Hindi kita iiwan kahit ano pang mangyari.
"Nurse pakihawakan ang kamay ng pasyente para maturukan ko s'ya nitong gamot na nireseta ni doc." Utos n'ya sa akin. Naalala ko na nagkukunwari nga pala na nurse ako.
"Okay Nurse Clair!" Pasimple kong pinisil ang palad n'ya. Masaya na ako na nahawakan ko ang kamay n'ya. Buti na lang abala ang pamilya ni Mark pati na rin si Edward sa kanilang pag-uusap.
"Sir, Mam kung may kailangan pa po kayo eh press n'yo lang po yung button para may mag-assist sa inyo."
"Sige nurse salamat!" Saad ni Edward.
Tuluyan na kaming lumabas ni Nurse Clair. Sobrang sarap sa pakiramdam na nahawakan ko ang kamay n'ya. Sana tuluyan na s'yang gumaling.
***
Sana nagustuhan n'yo. Thanks sa pagbabasa ng story ko.
BINABASA MO ANG
Unexpected Lover [Completed]
RomancePaano ba magmahal ng taong sa una pa lang ay lubos mo ng kinamumuhian? Totoo kaya na may taong nakalaan para sa isa't-isa kahit pareho man ang inyong kasarian? We will never know. Sabi nga nila "Love has no gender". Kapag dumating na ba ang taong n...