Anton's POV.
(Mark Prin Suparat)Nakakatawa naman ang nangyari kanina sa classroom namin. Nakahanap ng katapat si Lester na gago! Haha. Nice one! Hahayaan ko muna kayo magkagulo. Good job Mark!
Ako nga pala si Anton Ramirez, classmate ko si Lester at Andrew simula pa nung Elementary. Hinding-hindi kami mag-kasundo una pa lang dahil na rin kakumpetensya ng daddy ko ang daddy n'ya sa business.
Naaalala ko pa nung bugbugin ako nila Lester at Andrew sa isang bar noong 3rd year high school dahil sa isang babae. Malaki ang pinsalang natamo ko sa mukha at sa ulo dahil sa nangyari. Wala akong nagawa ng mga oras na yun dahil nagkagulo na ang mga tao at agad din nila ako dinala sa hospital para magamot ang sugat ko. Awang-awa ako sa sarili ko dahil sa nangyari. Hindi ako nakaganti sa kanila noon dahil dinala ako ng parents ko sa ibang bansa para doon na ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Pero ngayon hinding-hindi ko na 'to palalampasin pa. Pinilit ko ang parents ko na dito na mag-aral ng kolehiyo sa Pilipinas at pumayag naman sila.
Tinawagan ko ang taong tutulong sa akin para gawin ang plano na pagkidnap kay Lester at sa kaibigan nya.
"Bro bukas na bukas kailangan na natin maisagawa ang pagkidnap. Atat na atat na ako makaganti sa hayop na Lester na yun! Sabihan mo na lang ako bukas kung ano nabuo nyong plano ng mga tauhan mo. Wag ka mag-alala sa bayad dahil triple pa ang ibabayad ko sayo." Saad ko.
"Don't worry bro! We already have a plan. I'll make sure na magiging masaya bukas dahil matutupad na ang minimithi mo! Idadamay namin lahat ng magiging sagabal sa plano." Saad nya.
"Good! Sige balitaan mo na lang ako agad bukas."
"Okay bro inform agad kita."
Mark's POV.
Kinabukasan.
Gumising ako ng maaga dahil kailangan before 7 am eh nandoon na ako sa University. Kaya naman naligo na ako at pagkatapos magbihis ay dumiretso na ako sa kotse.
Pagkarating ko sa University eh nakakita naman agad ako ng bakanteng parking area. Pagkababa ko sa kotse eh dumiretso na ako sa classroom. Buti naman maaga din pumasok si Edward.
"Good morning bestfriend! Naunahan mo ako ah. Kumusta ka?" Masayang pagbati ko.
"Good morning din bestfriend! Aga ko nagising kanina eh kasi masaya ako kagabi. Haha. Okay naman ako kahit medyo napuyat." Saad nya.
"Buti naman okay ka. Bakit ka naman napuyat kagabi eh diba maaga ka nakauwi sa bahay nyo? Ano na naman pinaggagawa mo kagabi?" Tanong ko.
"Secret! Hahaha. Basta happy lang ako!"
"Eh di wow! Ikaw na ang masaya! Hehe. Siguro may babae ka kagabi no?" Pang-aasar ko.
"Nope bestfriend. Hahaha. Wag mo na itanong dahil sikreto yun." Saad nya.
"Okay sabi mo eh!"
Dumating na ang professor namin at nagsimula na magdiscuss ng lesson namin. Kinalat ko ang paningin ko at wala akong nakita na anino ng hayop na yun. Buti naman! Sana wag ka na pumasok pa o kaya sana namatay ka na! Ang saya diba?! Haha.
Ang hindi ko inaasahan dumating na ang demonyo at may kasamang poging alagad. Tuluyan na sila pumasok at diretso sa upuan nila. Masama ang tingin sa akin ng demonyo kaya naman sinamaan ko din ng tingin. Akala nya masisindak ako! Neknek mo gago!
Natapos na ang morning subjects ko at inaya ko na si Edward na pumunta sa cafeteria para mag-lunch.
"Bestfriend tara na sa cafeteria." Aya ko sa kanya.
"Okay bestfriend tara na."
Lumabas na kami ng classroom at nagtuloy sa cafeteria. Pumipili kami ng pagkain ng dumating ang demonyo at sumingit sa pila namin.
"Hoy gago ang tigas ng mukha mo ah!" Galit na saad ko.
"Gago ka rin! Anong pakialam mo kung sumingit ako?!"
"Hindi ka lang gago dahil matigas rin mukha mo!" Saad ko na mataas ang boses.
"Aba talagang matapang ka ah!"
Aktong susuntukin nya ako ng pigilan s'ya ng kaibigan n'ya at humarang din ang bestfriend ko. Wala s'yang nagawa dahil hinila na s'ya palayo ng kaibigan nya at lumabas na ng cafeteria. Nakabili na rin kami ng pagkain ni Edward at umupo na sa bakanteng table sa bandang gitna. Natapos na kami kumain at nagpasyang bumalik na sa classroom.
Anton's POV.
Nice scene! Hahaha. Sarap nila panoorin. Paalis na ako sa cafeteria ng tumawag sa akin ang taong binayaran ko para kumidnap kay Lester.
"Bro inform lang kita na ready na ang lahat. Mamayang uwian mag-aabang kami sa harap ng University. Tawagan na lang kita kapag nadala na namin s'ya dun sa lugar kung saan mo gagawin ang paghihiganti mo."
"Okay good! Sige see you later."
Dumiretso na ako sa classroom.
*****
Sana nagustuhan nyo. Abangan ang kwento dahil marami pang mangyayari. Please comment and vote.😘😘😘
![](https://img.wattpad.com/cover/184006746-288-k778864.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected Lover [Completed]
DragostePaano ba magmahal ng taong sa una pa lang ay lubos mo ng kinamumuhian? Totoo kaya na may taong nakalaan para sa isa't-isa kahit pareho man ang inyong kasarian? We will never know. Sabi nga nila "Love has no gender". Kapag dumating na ba ang taong n...