Mark's POV.
Nagising ako na kayakap ang taong mahal ko. Hindi ako nagsisisi na si Edward ang pinili ko dahil mahal ko s'ya at iyon ang sinasabi ng puso at isip ko. Mahirap man isipin na biglang nagbago ang laman ng puso ko dahil sa isang aksidente na hindi ko inaasahan na mangyayari. Hindi mahirap mahalin si Edward dahil kahit dati pa naman may puwang na s'ya sa puso ko hindi bilang bestfriend. Natakot lang ako aminin sa kanya dahil baka layuan n'ya ako. Huli na ng nalaman ko na mahal din pala n'ya ako higit pa sa pagiging bestfriend nung dumating si Lester sa buhay namin.
"Baby bakit nakatulala ka? Ano iniisip mo?"
"Iniisip ko lang kung paano kakausapin si Lester. Kung paano ipapaliwanag sa kanya at kung paano n'ya matatanggap baby na ikaw na ang pinili ko."
"Wag mo na pakaisipin yun dahil alam ko matatanggap n'ya din hindi man ngayon pero darating ang panahon at makakaya n'ya rin tanggapin gaano man kasakit."
"Sana nga matanggap n'ya. Alam ko masakit pero kailangan ko sabihin sa kanya."
Tinawagan ko ulit s'ya. Buti sinagot n'ya.
"Hello Mark!"
"Hello Lester, pwede ka ba makausap ngayon sa personal? Magkita tayo."
"Okay sige, pero nandito ako ngayon sa hospital."
"What?! Why?! Saan yan?"
"Nandito ako ngayon sa Manila Doctor's Hospital. Don't worry hindi ako ang naospital kundi isang kaibigan at kaaway. Pasensya ka na kung hindi ako makakaalis dito ngayon kasi kailangan ko s'ya bantayan."
"Huh?! Di ko maitindihan, kaibigan pero kaaway? Sige puntahan kita d'yan ngayon."
"Okay sige, tawagan mo na lang ako kapag nandito ka na sa hospital."
"Baby nasa hospital ngayon si Lester, puntahan natin s'ya dun."
"Okay sige baby, pero natatakot ako baka magbago pa yung isip mo at mas piliin mo s'ya kesa sa akin." malungkot na saad n'ya.
" Ano ka ba naman hindi ka pa ba naniniwala na ikaw na ang pinili ko? Wag ka na matakot dahil ikaw lang ang laman ng puso ko. Ikaw lang mamahalin ko! Natatakot ka pa eh lahat na binigay ko sa'yo kagabi. Ilang rounds pa ba gusto mo para mapatunayan ko sa'yo na ikaw ang mahal ko? haha."
"Baby salamat dahil may assurance na ako. Hayaan mo hindi na ako matatakot kahit makita mo pa si Lester. Mas pogi naman ako dun tsaka mas magaling. Hahaha. Baby gusto ko 2 rounds bago tayo umalis. Haha." saad ni Edward na may pagkindat pa.
"Kaw talaga ang libog mo! Haha. Pilitin mo muna ako. Haha."
Hinalikan n'ya agad ako ng maalab sa labi pababa sa leeg ko, sa dibdib, sa utong ko. Paulit-ulit n'ya ginawa yun. Hanggang sa labasan na kami pareho. Naka-dalawang rounds kami, yung isa sa kama at ang isa naman ay sa banyo. Di naman kami malibog. Haha. Pinaparamdan lang namin ang pagmamahal sa isa't-isa.
Nakabihis na kami at papunta ng sasakyan para pumunta na sa hospital. Kinakabahan ako pero kailangan kong gawin. After 1 hour nakarating na din kami sa hospital. Tinawagan ko si Lester.
"Hello, asan ka na?"
"Lester nandito na kami sa hospital. Sorry sinama ko si Edward. Okay lang ba?"
"Ah ganun ba. Okay lang naman. Dito yung room namin sa 2nd floor. Abangan ko na lang kayo sa harap ng elevator."
"Okay sige salamat!"
Ilang minuto lang at bumukas na ang elevator. Nakita ko si Lester. Mukhang puyat s'ya at namamaga ang mga mata. Ano kayang nangyari?
"Hey Lester, kumusta ka na? Bakit namumugto ang mata mo? Sino naospital?"
BINABASA MO ANG
Unexpected Lover [Completed]
RomancePaano ba magmahal ng taong sa una pa lang ay lubos mo ng kinamumuhian? Totoo kaya na may taong nakalaan para sa isa't-isa kahit pareho man ang inyong kasarian? We will never know. Sabi nga nila "Love has no gender". Kapag dumating na ba ang taong n...
![Unexpected Lover [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/184006746-64-k778864.jpg)