Unexpected Lover : Part 3

1.9K 12 0
                                        

Edward's POV.
(Jung Kook)

Ako nga pala si Edward Villarica, bestfriend ni Mark. Pareho kami ng kursong kinukuha ng bestfriend ko dahil ayoko mapahiwalay sa kanya. Ayokong may ibang pu-porma sa kanya dahil akin lang ang bestfriend ko! Pag-aari ko na sya! Kaya kung sino man ang magtangkang manligaw sa kanya ay sisiguruhin kong hindi sya uubra sa akin. Alam ko na bisexual si Mark at alam ko din sa sarili ko na may pagtingin ako sa kanya.

Papasok na dapat kami ni Mark sa room ng maalala ko na may kukunin pa ako sa locker ko kaya naman nagpaalam agad ako sa kanya. Ngunit sa pagbalik ko nadatnan ko na lang na maraming pasa sa mukha ang bestfriend ko at halos di na makilala dahil sa dugong dumadaloy sa mukha nito. Naabutan ko na lang na pinapagalitan at pinapupunta sila sa Dean's office. Babalatan ko ng buhay ang gagong bumugbog sa kanya. Fuck! Ni hindi ko yan sinasaktan tapos sasaktan lang ng iba?! Agad ko syang nilapitan.

"Anong nangyari?! Sino bumugbog sayo?! Sino?!" Galit na galit na saad ko.

"Ang hayop na yan ang bumugbog saken!" Turo nya sa gagong lalaki na nasa likod.

Akmang susuntukin ko sya ng pigilan ako ni Mark. Nanggigil ako sa galit!

"Wag na! Baka madamay ka pa. Ako na lang ang gaganti sa hayop na yan!" Saad nya.

"Hindi ko papalampasin ang nangyari sa'yo bestfriend. Gaganti ako! Tandaan mo gago!" Sabay duro ko sa pagmumukha ni Lester.

"Akala mo naman natatakot ako sayo! Sino ka ba sa akala mo? Mag-ingat ka sa pananalita mo dahil hindi mo ko kilala! Baka mabalitaan na lang ng pamilya mo na patay ka na! Hindi mo kilala ang kinakalaban mo gago!" Pagbabanta ni Lester.

"Wow! Matatakot na ba ako?! Gago baka ikaw ang mabalitaan ng pamilya mo na wala ka ng buhay at iuwi ka na lang sa bahay nyo na malamig na bangkay!" Pagbabanta ko.

"Magsitigil kayo!" Sigaw ng professor namin.

Sinamahan ko si Mark papuntang Dean's office. Nasa likuran naman namin si gago. Kung wala lang sa tabi nya ang professor namin nabangasan ko na sya! Nakakainit ng bungo! Pumasok na kami sa Dean's office.

"What happened to your face? Who did that?" Tanong ng Dean.

"Sir, I was just sitting at the back of our room and this jerk came in and punched me on my face. I never knew who he is! He stared at me showing his murderer look and punched me continuously." Saad ni Mark.

"Liar! He's lying sir! It was not the real story. I entered the room peacefully but he uttered foul words on me. I never knew him! He got mad just because all of the girls yelled when I entered the room. Insecurity arises! He punched me first! I just defended myself that's why I fought back. Look at my wounds on my face." Saad ni Lester.

"Is that true?" Tanong ng Dean kay Mark.

"It is not true sir! He started it first. Look at me, I am not a war freak person like him." Pagdepensa ni Mark.

Sasagot pa sana si Lester pero pinatigil na sya ng Dean.

"Okay! Papalampasin ko ang gulo na 'to sa ngayon pero sa susunod hindi na. Pareho kayo maki-kick out sa University na 'to pag nalaman ko na nangyari ulit ito. Maliwanag?!"

"Opo!" Sabay na saad ng dalawa.

"Sige pumunta na kayo sa school clinic at ipagamot ang sugat nyo." Saad ng Dean.

Una na kaming umalis ni Mark at patungo na kami sa clinic.

"Nurse please gamutin mo ang bestfriend ko. Marami syang sugat sa mukha." Saad ko.

"Okay sige ako na bahala sa kanya. Naku sayang naman nagalusan ang mukha mo, ang gwapo mo pa naman!" Saad ng nurse na may paglalandi.

Iba makatingin at makahawak ang nurse sa bestfriend ko kaya naman naiirita ako.

"Nurse pwede ba wag mo sya landiin. Dinala ko sya dito para gamutin at hindi para pagnasaan." Sarkastiko kong saad.

"Ay may nagseselos! Sorry mader ha hindi ko naman sya nilalandi. Kinekeme ko lang. Hahaha. Jowa mo ba sya? Sheyeng nemen gwapo ka pa naman kaya lang beki ka. Hahaha." Malanding pang-iinsulto ng nurse.

"Naku kung hindi ka lang babae nasapak na kita! Fuck! Para sabihin ko sayo hindi ako bakla! Gusto mo lang magpapansin eh! Sorry Nurse may minamahal na ako at hindi kasing-pangit mo!" Saad ko.

"Bakla ang taray mo dun sa linya mong yun! Hahaha. Sorry mas maganda ako sayo! At isa pa meron ako nito at ito pa." Turo ng nurse sa maselang bahagi ng katawan nya.

"Fuck you! Tara na Mark! Dadalhin na lang kita sa Hospital na malapit dito kasi hindi ka rin naman magagamot ng higad na 'to. Puro kalandian ang alam! Bwisit!

Hinila ko na paalis si Mark at dinala ko sya sa malapit na hospital.

****

Please leave your comment and vote.😘😘😘

Unexpected Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon