Lester's POV.
(Cha Eun Woo)Badtrip na araw 'to! Ang kapal ng mukha nya maningil ng 20 thousand para sa kaunting damage sa sasakyan nya! Akala mo naman latest model yung kotse eh hindi naman! Ang aga-aga sira na agad ang mood ko. Huwag na sana mag-krus ang landas namin dahil baka basagin ko na ang mukha nya. Daig pa ang babae kung dumakdak. Grabe walang preno ang bibig eh ang sarap pasakan ng bomba. Kung hindi ako nakapag-timpi baka nabangasan ko na ang mukha nya!
"Hey Lester! What's the matter? You look like a murderer with that face! Anong nangyari bro?" Tanong ni Andrew ang bestfriend ko.
"Know what? I paid 20 thousand earlier sa isang estudyante na manggagantso. Nabangga ko ang car nya malapit sa parking area at nagkaroon ng kaunting damage pero siningil ako ng 20k. What the hell! May araw din sakin ang gagong yun!"
"What?? Dahil lang sa kaunting damage siningil ka na agad ng ganun kalaking halaga? Gusto mo resbakan na natin! Nakilala mo ba? Anong itsura? Saang department?" Sunod-sunod nyang tanong.
"Hindi ko alam kung anong department nya pero tanda ko ang itsura nya. Check ko sa registrar yung record nung gagong yun."
"Okay sige sasamahan kita mamaya. Kailangan na natin pumunta sa first subject natin. During lunch na lang tayo pumunta sa registrar. Teka lang may nakalimutan ako sa car yung books ko." Saad nya.
Ako nga pala si Lester Valenzuela, 18 years old. I am taking up BS Electrical Engineering dito sa WestVille University. Maraming nakakakilala sakin dito dahil sa parents ko. Business tycoon ang father ko na kilala sa buong bansa at ang mother ko naman ay galing sa angkan ng kilalang pamilya dahil sa business namin. Syempre dahil na rin sa sobrang gwapo ko kaya talagang kilala ako ng mga estudyante dito. First day pa lang ng klase pero marami na agad akong fans dito sa University dahil sa artistahin kong mukha at mala-adonis na katawan. Hindi naman ako mahangin, sakto lang. Hahaha.
Naglalakad na ako papunta sa room namin. Pagkapasok pa lang eh tilian na ang mga classmates ko. Nakakarindi sila. Hahaha. Naghahanap ako ng upuan ng may makita akong hindi kaaya-aya sa paningin. Badtrip! Bakit kaklase ko sya?? Humanda ka sakin gunggong! Dumiretso na ako sa upuan na malapit sa kanya at laking gulat nya ng makita ako.
"Anong ginagawa mo dito? Lumayas ka sa harapan ko!" Saad nya.
"Aba talagang makapal ang mukha mo eh no! Hoy manggagantso hindi mo pag-aari ang school na 'to! Kaya wala kang karapatan paalisin ako dito! Sino ka ba sa akala mo?! Hindi mo ba ako kilala ha?" Galit na saad ko.
"Wala akong pakialam kung sino ka man at kung saan ka nanggaling na planeta! Akala mo naman sobrang gwapo mo dahil lang nagtilian yung mga classmates natin. Okay sabihin na natin na kilala ka dito dahil sa panlabas na istura mo pero hindi lang nila alam na nabubulok na ang basura sa loob ng katawan mo!"
"Gago ka ah!" Gigil ko.
"Gago ka din!" Saad nya.
Hindi ko na kinaya ang galit ko kaya naman nasuntok ko sya sa mukha. Dumugo ang ilong nya. Pero nakaganti sya saken. Tinamaan ako ng suntok nya sa may labi ko at dumugo rin. Nagsusuntukan kami sa loob ng classroom at wala ni isa man umaawat. Halos hindi na makilala ang mukha nya sa tinamong suntok sakin. Pero sinikmuraan nya ako kaya namilipit ang tyan ko. Akmang susuntukin nya pa ako ng biglang dumating ang professor namin.
"What are you doing?! Stop it! Sumama kayo sakin ngayon sa Dean's office." Galit na saad ng Professor namin.
Sumunod kami pareho sa professor namin papuntang Dean's office at doon pinagalitan kami pareho. Pinagawa kami ng written explanation tungkol sa nangyari sa amin ng gagong yun. Katakot-takot na sermon ang napala namin pareho. Unang araw pa lang pero minalas na agad ako. Sarap nyang balatan ng buhay!
*****
Please leave a comment and vote.
Thanks!😘😘😘
![](https://img.wattpad.com/cover/184006746-288-k778864.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected Lover [Completed]
RomancePaano ba magmahal ng taong sa una pa lang ay lubos mo ng kinamumuhian? Totoo kaya na may taong nakalaan para sa isa't-isa kahit pareho man ang inyong kasarian? We will never know. Sabi nga nila "Love has no gender". Kapag dumating na ba ang taong n...