Mark's POV.
Parang masisiraan na ako ng ulo dahil sa paligsahan ng bestfriend ko at ni Lester. Nakakabaliw na sila! Ikaw ba naman dalawin sa bahay ng araw-araw tapos puro bangayan silang dalawa. Kulang na lang eh bigyan ko sila ng baril at magpatayan na sila. Konting-konti pa at baka dalhin na ako sa mental dahil mababaliw na ako.
Isang araw na lang at matatapos na ang isang linggong ibinigay na pahinga sa aming apat. Kaya naman bukas papasok na ulit. Kasalukuyan nasa bahay ako ngayon nagpapahinga dahil sa mga nakaraang araw hindi na ako tinantanan nung dalawa. Salamat naman makakapagpahinga din walang mga bwisit sa buhay.
"Tok! Tok! Tok!"
"Ano ba yan kung kelan makakapaghinga na ako eh tsaka naman mang-iistorbo!"
Binuksan ko ang pinto at si Lester ang nakita ko.
"Anong ginagawa mo dito?! Pwede ba pagpahingahin mo naman ako! Masisiraan na ako ng ulo Lester ng dahil sa inyong dalawa ni Edward!"
"Mark I'm so sorry kung naiinis ka na sa akin. Sorry dahil naaabala na kita. Sorry dahil nabubwisit ka sa tuwing nakikita mo ako. Hayaan mo hindi na kita gagambalain pa simula ngayon. Ibibigay ko lang sana sayo ang bear at flowers na 'to. Sana tanggapin mo kahit hindi mo ako magustuhan upang maging boyfriend mo." Malungkot na saad nya na may namumuong luha sa kanyang mga mata. Agad sya tumalikod at naglakad ng mabilis palabas.
"Lester sorry! Hindi ko sinasadya please patawarin mo ako sa mga nasabi ko. Please!" Hinabol ko sya hanggang sa may gate. Binilisan nya pa ang paglalakad kaya naman tumakbo ako at hinablot ko ang kamay nya upang patigilin sya. Nahahabag ako sa sa kanya dahil umiiyak sya.
"Wag mo na ako pigilan pa dahil hindi ka rin naman natutuwa na nakikita mo ako. Malabo rin naman na magustuhan mo ako dahil sa bawat araw nagagalit ka, naiirita at isa pa ayaw mo na ako makita pa. Hayaan mo na lang ako umalis. Please! Kasi alam mo ba sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Parang dinudurog yung puso ko dahil yung taong gusto ko ay pinagtatabuyan ako. Pasensya ka na dahil ngayon lang ako nagmahal ng ganito. Akala ko magiging masaya ka kapag araw-araw nasa tabi mo ako. Yun pala hindi dahil nakakasagabal ako sayo. Hayaan mo sa oras na pag-alis ko dito hindi mo na ako makikita pa. Salamat sa konting panahon na nakasama kita. Salamat dahil sa konting panahon naramdaman ko kung paano naging tunay na masaya." Lumuluhang saad nya.
"Patawarin mo ako Lester please! Hindi ko sinasadya. Please don't leave me!" Saad ko.
Sa totoo lang may nararamdaman na ako kay Lester hindi bilang kaibigan. Iba ang sinasabi ng puso ko sa tuwing nariyan sya sa tabi ko. Oo nagagalit man ako dahil sa pagbabangayan nila ni Edward pero masaya pa rin ako na nakikita sya araw-araw. Kaya naman hindi ko sasayangin ang pagmamahal na inooffer nya sa akin. Mahal ko si Edward pero hanggang bestfriend lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya. Mas masaya ako bilang bestfriend nya.
Nakasakay na si Lester ng kotse nya dahil hindi na sya nagpapigil pa. Pinaandar na nya ang kanyang kotse kaya naman hinabol ko ang sasakyan nya. Wala na akong pakialam kung sino man ang makakita sa akin na umiiyak habang tumatakbo sa kalsada para lang habulin ang taong gusto ng puso ko. Ilang linggo pa lang kami nagkasama pero sapat na yun para maramdaman ng puso ko na mahal ko na sya. Hindi ko hahayaan na mawala pa sya dahil baka bukas hindi ko na sya makita pa. Nanghihina na ako sa kakatakbo at nagsusugat na ang paa ko dahil iniwan ko na ang tsinelas ko sa daan. Ang layo na ng nararating ko pero hindi pa rin sya humihinto. Naramdaman ko na lang na may kotseng bumangga sa likod ko kaya naman tumilapon ako sa kalsada. May malay pa ako nung bumagsak pero maya-maya lang nagdilim na ang paningin ko.
***
Hope you enjoyed reading my story. Please vote and comment
Thank you!
BINABASA MO ANG
Unexpected Lover [Completed]
RomancePaano ba magmahal ng taong sa una pa lang ay lubos mo ng kinamumuhian? Totoo kaya na may taong nakalaan para sa isa't-isa kahit pareho man ang inyong kasarian? We will never know. Sabi nga nila "Love has no gender". Kapag dumating na ba ang taong n...