Unexpected Lover : Part 24

499 4 0
                                        

Edward's POV.

Ano ba naman 'to minsan na lang magmahal may kaagaw pa! Ang masaklap pa wala akong magawa para mapaalis ko si Lester dito sa hospital. Paano na lang kapag nagising na si Mark at mas piliin n'ya si Lester? Hindi ko matatanggap yun! Hindi maaaring s'ya ang piliin dahil hindi ko kakayanin. Ayokong masaktan dahil mahal na mahal ko si Mark. Dapat ako ang piliin n'ya dahil alam ko na sasaktan lang s'ya ni Lester.

"Mark please gumising ka na para tuluyan na akong maging masaya. Patutunayan ko sayo na magiging maligaya ka sa piling ko at hinding-hindi kita sasaktan. Mamahalin kita hanggang huli. Please lang ako ang piliin mo pag nagising ka na."

"Hindi mangyayaring ikaw ang pipiliin ni Mark dahil ako ang mahal n'ya. Nararamdaman ng puso ko na ako ang laman ng puso n'ya." saad ni Lester.

"Huwag ka ng umasa dahil paggising n'ya ako ang pipiliin n'ya. Dahil sa'yo kaya s'ya nandito sa hospital at hanggang ngayon wala pa rin s'yang malay!"

"Aksidente ang nangyari kaya wala kang karapatan na sisihin ako! Oo nagkamali ako dahil hindi ako huminto nung nakita ko s'ya na sumusunod sa akin pero hindi ko hinangad na maaksidente si Mark! Mahal ko s'ya kaya patutunayan kong hindi na ulit s'ya masasaktan. Kaya kung pwede lang makuntento ka na sa pagiging bestfriend n'ya." saad ni Lester

"Hindi ako makapapayag na ikaw ang piliin n'ya dahil handa akong ipaglaban s'ya!"

Nasa ganun kaming sitwasyon ng gumalaw ang kamay ni Mark at nagmulat ng mata. Pareho kaming nabigla ni Lester. Agad ko pinindot ang button para may mag-assist na nurse sa amin at para ma-inform ang Doctor na nagkamalay na si Mark.

"Mark okay ka lang ba? May masakit pa sa'yo? Ano nararamdaman mo?" sunod-sunod kong tanong habang hawak ang kamay n'ya.

"Ang dami mong tanong pwede ba isa-isa lang. Naririndi ang mahal ko!" saad ni Lester.

"Pakialam mo! Tsaka huwag mo s'ya matawag-tawag na mahal mo okay?!" gigil na saad ko.

"Mark okay na ba pakiramdam mo? Sorry dahil kasalanan ko kung bakit ka naaksidente. Sana mapatawad mo ako. Mahal na mahal kita Mark kaya please patawarin mo ako." saad ni Lester habang hawak ang isang kamay ni Mark.

"Mark huwag mo s'ya pakinggan please sa akin ka lang makikinig. S'ya ang dapat sisihin dahil naaksidente ka   dahil hindi ka n'ya pinakinggan. Hindi ka n'ya mahal dahil nakokonsensya lang s'ya sa nangyari sa'yo kaya s'ya nandito. Pwede ba Lester iwan mo muna kami!" saad ko.

"Hindi ako aalis sa tabi n'ya! Wala kang karapatan paalisin ako dahil hindi mo s'ya pag-aari!" gigil na saad ni Lester.

Dumating na ang mga magulang ni Mark tsaka ang mga magulang ko.

"Tito, Tita nagkamalay na po si Mark! Mom, Dad gising na po s'ya!"

Dali-dali silang nagsilapit pati na rin ang mga magulang ni Lester.

"Anak buti naman nagkamalay ka na. Alalang-alala na ako sa'yo anak. Sobrang miss ka na namin ng dad mo. May masakit pa ba sa'yo anak?" tanong ng mom ni Mark.

"M-mom okay lang po a-ako. Medyo kumikirot lang po ang ulo ko." saad ni Mark.

"Okay anak huwag ka na muna masyado magsalita. Pahinga ka lang muna dito lang kami ng dad mo sa tabi mo. Edward, Lester hayaan n'yo muna magpahinga ang anak ko. Kumain na muna kayo."

Umalis kami sa tabi ni Mark at hinayaan na muna ang mga magulang n'ya. Sobrang saya ko at nagkamalay na s'ya. Maliligo na lang muna ako para makapagpalit ng damit. Kailangan poging-pogi ako mamaya kapag kausap n'ya. Aktong papasok na ako sa cr dala ang mga gamit ko ng nakipag-unahan pumasok si Lester para din maligo. Badtrip!

"Hoy ako ang unang maliligo! Gago ka ah lahat na lang nakikiagaw ka! Pati sa banyo makikipag-unahan ka. Yan ba talaga ang role mo ha mang-aagaw? Kakaawa ka naman!" bulyaw ko kay Lester.

"Gago ka ah! Kung wala lang dito ang mga magulang ng mahal ko baka nabasag ko na ang mukha mo! Sarap mo tanggalan ng dila para hindi ka na makapagsalita! Hindi ako mang-aagaw dahil ako ang gusto n'ya at hindi ikaw! Sorry hanggang bestfriend ka lang kaya lumagay ka sa tamang posisyon mo sa buhay ni Mark!"

"Gago ka rin! Sisiguruhin ko sa'yo na ako ang pipiliin n'ya! Hindi lang bilang bestfriend kung hindi bilang boyfriend n'ya! Kaya tumabi ka sa daraanan ko gagong mang-aagaw!" bulyaw ko kay Lester.

Agad ko s'ya tinulak para makapasok ako sa loob ng banyo. Pagkapasok ko ay agad akong naligo. Akala mo Lester magtatagumpay ka? Hindi! Dahil ako ang pipiliin n'ya." bulong ko sa sarili ko. Nagbihis na ako at lumabas ng banyo. Agad din naman pumasok si Lester. Kumain na din ako para mabantayan ko na si Mark habang wala pa yung epal. Pagkatapos ko kumain ay lumapit na ako kay Mark.

"Tita pwede po ba na ako na muna ang magbantay kay Mark? Please tita."

"Okay sige Edward para makakain na din kami ng tito mo."

"Thank you tita! Hi Mark! Kumusta na pakiramdam mo?"

"Okay na ako Edward maayos na rin ang pakiramdam ko. Salamat ha dahil binantayan mo ako habang natutulog ako. Ilang araw akong walang malay?"

"Welcome Mark! Wala kang dapat ipagpasalamat dahil obligasyon ko na alagaan at mahalin ka. Alalang-alala ako sa'yo bestfriend. Tatlong araw din na wala kang malay kaya sobrang nag-alala ako."

"Basta maraming salamat sa'yo bestfriend. Ang tagal ko din pala walang malay. Huwag ka na mag-alala ngayon dahil okay na ako."

"Oo Mark hindi na ako mag-aalala. Basta hayaan mo lang ako na asikasuhin at alagaan ka. I love you bestfriend!"

Biglang sumingit ang demonyo.

"Ehem! Mark sobrang nag-alala ako sa'yo alam mo ba hindi ako halos makatulog at makakain dahil iniisip kita. Nakokonsensya ako sa ginawa ko sa'yo kaya naaksidente ka. Sobrang nagsisisi ako sa nagawa ko kaya sana mapatawad mo ako. Please Mark patawarin mo ako." saad ni Lester.

"Sa ngayon hindi ko pa kayang ipagkaloob sa'yo yun dahil nasaktan din ako nung hindi ka tumigil para pakinggan ang sasabihin ko sa'yo nung oras na yun. Hinayaan mo lang ako na mag-mukhang tanga sa paghabol ko sa'yo. Alam mo bang tiniis ko yung sakit ng paa ko sa pagtakbo kahit kung ano-ano na rin natapakan ko. Pero hindi ko yun ininda dahil mas mahalaga ka sa akin. Kaya sana hayaan mo muna ako mag-isip. Ayos lang naman na nandito ka pero huwag mo muna pilitin hingin sa akin yung pagpapatawad ko dahil lubos akong nasaktan sa ginawa mo."

"Oo Mark maghihintay ako ng tamang oras para mapatawad mo ako pero hayaan mo lang ako na alagaan ka at mag-stay sa tabi mo. Basta aalagaan kita kahit ayaw mo." saad ni Lester na umiiyak.

Hinayaan ko na lang muna sila sa kanilang pag-uusap pero hindi ako aalis sa tabi ni Mark.

*****

Sana nagustuhan n'yo. Sorry sa late na pag-update ng story ko. Salamat sa mga nagbabasa😘😘😘







Unexpected Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon