Lester's POV.
Hindi ko matanggap ang mga narinig ko kanina kay Mark. Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko ngayon. Patuloy lang akong nagda-drive habang patuloy ang pag-agos ng luha ko. Nakikita ko si Mark na sumusunod sa akin pero hindi ko magawang itigil ang sasakyan ko dahil handa na akong pakawalan at kalimutan s'ya. Kailangan ko na s'yang kalimutan dahil masasaktan lang din naman ako dahil si Edward ang pipiliin n'ya. Diretso lang ako sa pag-drive kahit naaawa na ako sa kalagayan n'ya. Alam ko naman na gusto lang n'ya humingi ng sorry sa mga nasabi n'ya. Pagtingin ko sa side mirror ng kotse ko ay nakita kong wala na si Mark. Hindi na s'ya sumusunod sa akin. Pero napansin ko na maraming tao na ang nag-uumpukan sa may kalsada kaya naman huminto ako para tingnan ang nangyayari. Bakit lumakas bigla ang kaba ng dibdib ko at pakiramdam ko nanlalamig ang buo kong katawan. Kaya dumiretso na ako sa nag-uumpukang mga tao. Biglang bumuhos ang luha ko sa nakita ko.
"Mark gumising ka! Mark dadalhin kita sa hospital! Please lumaban ka please! Sorry kasalanan ko 'to!" Patuloy ang pagluha ko habang patakbo ko s'yang dinala sa sasakyan ko para dalhin sa hospital. Agad ko naman pinaandar ng mabilis ang sasakyan ko. Pagkarating sa hospital ay agad ko s'yang binuhat papunta sa emergency room. Puro dugo ang katawan ni Mark kaya posibleng malakas ang pagkakabangga sa kanya.
"Tulong! Tulungan n'yo kami!" Pagsisigaw ko at agad naman lumapit ang mga nurse at agad na dinala s'ya sa emergency room.
"Sir hanggang dito lang po kayo. Hindi po kayo pwedeng pumasok sa loob." Saad ng nurse.
"Sasama ako sa kanya sa loob! Gusto ko nasa tabi n'ya ako!" Pagpupumilit ko pero hinawakan na ako ng ibang nurse at hinila palabas.
Wala na akong nagawa kaya naghintay na lang ako sa labas ng emergency room.
"Kasalanan ko 'to! Dahil sa kagagawan ko kaya s'ya naaksidente! Dapat huminto na ako para hindi na lang nangyari sa kanya 'to!" Paninisi ko sa sarili ko habang inuuntog ang ulo ko sa pader. Pinigilan naman ako ng nurse na nakakita sa akin.
"Sir tama na po! Wag n'yo gawin yan!" Saad ng nurse.
"Nurse kasalanan ko 'to kaya pag may nangyaring masama sa kanya hindi ko mapapatawad ang sarili ko! Hindi ko makakaya na mawala s'ya! Please kausapin mo ang doctor na gamutin s'ya handa ako magbayad ng malaking halaga basta mabuhay lang ang taong mahal ko!"
Bahagyang nagulat man ang nurse sa sinabi ko pero tumango naman s'ya.
"Wag kang mag-alala magagaling ang mga doctors dito kaya sinisiguro ko na gagaling s'ya."
"Maraming salamat nurse! Wag mo pabayaan ang mahal ko please! May isa pa akong pakiusap, pwede mo bang tawagan ang number na 'to para ipaalam sa pamilya n'ya na nandito s'ya sa hospital?"
"Walang problema sir! Sige tatawagan ko."
Kinuha ko sa phone ni Mark ang number ni Edward para ipaalam. Hindi ko kayang sabihin sa parents n'ya kaya si Edward na lang ang pinatawagan ko sa nurse.
Ilang oras ang lumipas at natanaw ko na si Edward na papalapit.
"Anong nangyari kay Mark! Ano! Magsalita ka!" Agad nya ako sinakal at isinandal sa pader.
"Nabangga s'ya ng humaharurot na kotse sabi ng mga tao na nakakita sa aksidente kanina."
"Paano mo nalaman na nandito s'ya?! Bakit ka n'ya kasama?!" Galit na tanong n'ya.
"Kasalanan ko kung bakit s'ya naaksidente dahil hindi ako tumigil kanina nung hinahabol n'ya ako. Ako ang may kasalanan kung bakit nangyari ito sa kanya." Saad ko na umiiyak.
Agad naman akong inundayan ng suntok ni Edward. Tinanggap ko na lang ang mga suntok n'ya. Natigil lang s'ya sa pagsuntok sa akin ng dumating ang mga magulang ni Mark.
"Edward tama na!" Pigil ng daddy ni Mark.
"Tito s'ya ang may kasalanan kung bakit naaksidente ang bestfriend ko! Papatayin ko s'ya pag may nangyaring masama kay Mark!"
"Tama na Edward. Sige na hayaan mong s'ya ang magpaliwanag sa amin. Anong nangyari sa anak ko?"
Ikinuwento ko na ang buong pangyayari at sobrang galit ng daddy ni Mark.
"Umalis ka na sa harap ko at baka magdilim pa ang paningin ko eh kung ano pa magawa ko sa'yo! Wag na wag ka na magpapakita pa sa anak ko! Umalis ka na!" Bulyaw ng daddy ni Mark.
Lumuhod ako at nagmaka-awa sa kanya para lang hindi ako paalisin pero hinila na ako ni Edward palabas at tinawag ang guard. Kaya wala na akong nagawa kundi pumunta sa sasakyan ko. Hindi ako aalis dito hanggang hindi ko nalalaman ang kalagayan n'ya. Dito lang ako kahit abutin pa ng ilang araw, linggo o kahit pa abutin ng buwan. Basta hindi ako aalis dito dahil mahal ko si Mark.
*****
Hope you enjoyed reading the story.
BINABASA MO ANG
Unexpected Lover [Completed]
RomansaPaano ba magmahal ng taong sa una pa lang ay lubos mo ng kinamumuhian? Totoo kaya na may taong nakalaan para sa isa't-isa kahit pareho man ang inyong kasarian? We will never know. Sabi nga nila "Love has no gender". Kapag dumating na ba ang taong n...