Lester's POV.
Kinabukasan agad ako nagpaalam kay Dad na pupuntahan ko lang ang mga kaklase ko sa katabing kwarto. Nag-iimpake na rin sila ni Mom ng mga gamit namin dahil lalabas na ako ng hospital. Gusto ko na makita si Mark. Namimiss ko na sya. Agad ako dumiretso sa kwarto nila. Pagpasok ko ay nandoon ang mga magulang nila.
"Magandang umaga po mam, sir!" Pagbati ko sa kanila.
"Halika pasok ka!" Saad ng dad ni Mark.
"Salamat po!" Agad ako dumiretso kay Mark. "Kumusta ka na? Okay na ba pakiramdam mo?" Tanong ko sa kanya.
"Oo okay naman sya! Pwede ka na umalis!" Sabad ni Edward.
"Hindi ikaw ang tinatanong ko!"
"Pakialam mo eh gusto ko sumagot!"
"Magsitigil nga kayo! Away kayo ng away!" Pigil ni Mark.
"Kasi naman yang bestfriend mo eh pakialamero!" Saad ko.
"Tama na!" Sigaw ni Mark.
"Okay sige. Kumusta ka na? Kelan ka lalabas dito?" Tanong ko.
"Okay na ako. Maayos na ang pakiramdam ko. Dapat ngayon lalabas na ako pero nagrequest ang bestfriend ko na sasabay na lang ako kapag lalabas na sya."
"Buti naman okay ka na. Kailangan talaga sabay pa kayo lumabas dito." Saad ko.
"Ano naman pakialam mo ha! Pwede ba lumabas ka na dito! Naalibadbaran ako sa pagmumukha mo!" Asik ni Edward.
"Pwede ba manahimik ka na lang dyan! Hindi kita kinakausap!" Gigil ko kay Edward.
"Ano mag-aaway na naman kayo?! Pwede ba magsitigil kayo!" Awat ni Mark.
"Bestfriend sorry na wag ka na magalit sa akin. Kasalanan naman kasi nyan eh! Pupunta-punta pa dito!" Saad ni Edward.
"Ang arte-arte naman nito pabebe!" Pabulong kong pagsasalita.
"Lester anong binubulong-bulong mo dyan! Umalis ka na nga!" Sigaw ni Edward.
"Oo aalis na ako kasi nakakaumay yung pagmumukha mo! Mark pwede bang magpalipat ka na ng room para madalaw kita at ako na rin magbabantay sayo." Saad ko.
"Hindi pwede eh. Kailangan ako ni Edward dito." Saad ni Mark.
"Oh sabi ko sayo eh mas pipiliin nya ako kesa sayo! Layas na!" Pang-iinsulto ni Edward.
"Wala akong pakialam sayo hindi mo naman pagaari si Mark kaya dadalaw ako dito kung gusto ko! Okay lang naman diba Mark?" Pabebe kong tanong.
"Oo na sige na! Pwede ka dumalaw dito." Saad ni Mark.
"Yeeesss! Oh ano pakialamero sya na mismo nagsabi! Hahaha. Kaya wala kang magagawa!" Pang-iinggit ko kay Edward.
"Bestfriend wag mo payagan yan dumalaw dito! Gusto mo ba mamatay agad ako? Sino ang pipiliin mo ako o sya?" Saad ni Edward.
"Bestfriend hayaan mo na. Kasama mo naman ako dito eh tsaka dadalaw lang naman. Syempre ikaw pipiliin ko." Saad ni Mark.
"Aww! Sakit naman!" Pag-emote ko.
"Baliw! Hahaha. Sige na umuwi ka na at magpahinga." Saad ni Mark.
"Okay sige alis na ako. Pagaling ka agad ha. Pwede ba yumakap?"
"Hoy! Anong kalokohan yan! Alis na! May payakap-yakap ka pa dyan!"
Agad naman tumayo si Edward at pumunta sa kama ni Mark at sya ang yumakap para pigilan nya ako na mayakap si Mark.
"Sige na nga Mark aalis na ako! May asungot kasi dito bwisit!" Paalam ko kay Mark.
"Sige bye! Magiingat ka!"
"Bye din Mark! Babalik ako dito bukas."
"Alis na ang tagal!" Pambubwisit ni Edward.
"Akala mo naman syota kung umasta! Bwisit! Makaalis na nga!" Galit na saad ko.
Tuluyan na ako lumabas ng room. Pauwi na kami ni mom at dad sa bahay.
****
Sana nagustuhan nyo. Please vote and comment.
BINABASA MO ANG
Unexpected Lover [Completed]
RomancePaano ba magmahal ng taong sa una pa lang ay lubos mo ng kinamumuhian? Totoo kaya na may taong nakalaan para sa isa't-isa kahit pareho man ang inyong kasarian? We will never know. Sabi nga nila "Love has no gender". Kapag dumating na ba ang taong n...