Unexpected Lover : Part 16

601 11 0
                                        

Edward's POV.

Pagkaalis ni Lester ay hindi na ako bumalik sa kama ko dahil mas gusto ko sa tabi ni Mark.

"Mom dito na lang po muna ako sa tabi ni bestfriend."

"Anak paano makakapagpahinga si Mark kung andyan ka? Masikip yung kama para sa inyong dalawa."

"Basta mom dito na lang muna po ako baka mamaya bumalik na naman yung mayabang na yun eh. Tita okay lang naman po diba?"

"Okay lang naman Edward. Pero tanungin mo din ang bestfriend mo kung papayag sya." Saad ni tita.

"Bestfriend okay lang ba dito na lang muna ako? Sige na please! Gusto kasi kita katabi para gumaling agad ako."

"Sus pabebe ka pa! Ayoko! Lumipat ka na dun!" Saad ni Mark.

"Sige wag na lang. Lilipat na ako sa higaan ko. Ayaw mo naman ako katabi." Pagtatampo ko.

"Hahaha. Joke lang nagtatampo agad 'to. Ang cute talaga ng bestfriend ko! Hahaha."

"Ayoko na nasaktan mo na ako!"

Aktong lilipat na ako sa higaan ko ng hilahin nya ako tapos niyakap. Kinikilig ako. Hahaha.

"Naku po nagtampo na ang bestfriend ko. Sige na dito ka na lang sa tabi ko."

"Sige ha sabi mo yan! Hehe. Basta dito lang ako sa tabi mo hindi ako aalis. Namiss kasi kita bestfriend eh."

"May magagawa pa ba ako eh andito ka na sa higaan ko? Namiss din naman kita bestfriend." Saad ni Mark.

"Anak yung bilin ko sayo ha! Sa bahay na lang para mas exciting! Hahaha." Biro ng mom ko.

"Mom ano ba yan ang ingay-ingay nyo! Kung ano-ano na lang sinasabi eh. Dad pakilagyan nga ng tape yung bibig ni mom."

"Anak ramdam kita! Charot! Hahaha."

"Mom!! Kasi naman eh!"

"Oo na anak hindi na ako magiingay na gusto mo si Mark. Oooppps! Sorry anak nadulas lang ako! Hahaha."

"Mom nakakainis naman eh! Mark wag mo papakinggan yan si mommy kasi nababaliw na sya!"

"Sinong baliw anak? Ako na nagsasabi ng totoo o ikaw na baliw na baliw sa kanya?!"

"Mom!!! Stop it! Daddy nakakainis naman si mommy eh! Pwede po ba ilabas nyo na muna sya."

"Hindi pwede anak! Dito lang kami para bantayan ka baka kasi may gawin kang masama eh. Wag dito! Hahaha." Biro ni dad.

"Isa pa kayo dad! Naman eh! Lord anong kasalanan ko bakit po ako nagkaroon ng mga magulang na baliw?"

Lumapit si mommy at pinagkukurot ako.

"Awwwwww!! Mom ang sakit-sakit naman eh! Tama na po!"

"Sapat na ba yan para tumigil ka na anak? Gusto mo dagdagan ko pa?! Hahaha."

"Tama na po mom! Ang sakit-sakit eh!"

Niyakap ko na lang si Lester para hindi na ako kurutin ni mommy. Sila Tito at Tita naman ay walang tigil kakatawa sa kabaliwan ng mommy ko. Pati na rin si Mark wagas makatawa parang wala ng bukas. Hahaha.

"Anak wag muna magpapabuntis ha! Kailangan makatapos muna kayo ng college! Hindi pa ako ready magka-apo. Okay lang ba sayo yun Edward?" Saad ng mommy ni Mark.

"Mom isa ka pa rin! Nahawa na kayo kay tita." Saad ni Mark.

"Okay lang po sa akin tita hindi naman po ako nagmamadali. Ewan ko lang po kay Mark. Baka po kasi magpumilit eh! Hahaha."

"Baliw ka! Isa ka pa! Tigil-tigilan mo ko! Ang kapal ng face mo! Tseh! Umalis ka dito sa tabi ko!" Saad ni Mark.

"Joke lang yun bestfriend ikaw naman hindi na mabiro. Hahaha."

Nagkwentuhan at tawanan lang kami buong araw. Sobrang saya magkaroon ng mga magulang na baliw. Hahaha. Gabi na kaya nagpasya na kami matulog pagkatapos kumain. Hindi na din ako umalis sa tabi ni Mark. Mahirap na baka maunahan pa ako ng bwisit na Lester na yun.

Lester's POV.

Hindi ako makatulog ng maayos dahil naiisip ko pa rin si Mark. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Lalaki ako pero bakit si Mark ang hinahanap ko? Bakit namimiss ko s'ya? Bakit hinahanap-hanap ko s'ya? Gustong-gusto ko sya balikan sa hospital pero kailangan ko magpahinga bilin ng doctor. Hindi pwedeng maunahan ako ng Edward na pakialamero na yun! Hindi maaari! Akin lang si Mark! Itaga mo sa large intestine mo yan Edward!

****

Sana nagustuhan nyo guys! Please comment and vote.

Unexpected Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon