Unexpected Lover : Part 4

1.4K 11 0
                                        

Andrew's POV.
(Park Bogum)

I am Andrew Carillo, bestfriend of Lester Valenzuela. First day of class pa lang ay famous na agad kami ng bestfriend ko. Magka-level lang ang kagwapuhan namin at kung sa yaman  din lang ay hindi kami nagkakalayo.

Naglalakad ako papunta sa classroom  ng makasalubong ko si Lester sa hallway. Puro bangas ang mukha at may tumutulong dugo sa labi.

"Dude what happened? Sino gumawa n'yan sayo?" Tanong ko kay Lester.

"Don't worry dude nasa morgue na yung gumawa nito saken. Siguro sa oras na 'to eh pinaglalamayan na yun. Naaalala mo ba yung kinuwento ko sa'yo kanina na manggagantso? S'ya yung binugbog ko sa classroom kanina. Fuck! Ang angas ng gago tapos kasama pa yung gunggong na kaibigan nya. Unang araw pa lang pinapunta na agad kami sa Dean. Badtrip!" Gigil na saad nya.

"Gago pala talaga yun eh! Gusto mo sabihan ko na lahat ng tropa natin para makaganti tayo? Yung tipong hindi na sila makilala sa bugbog!" Saad ko.

"Wag muna dahil gusto ko ako ang gaganti sa ginawa nya saken! Pagbabayaran n'ya ng malaki ang pagsira nya sa mukha ko!" Pagbabantang saad nya.

"Tara na sa clinic samahan na kita. Kailangan magamot na agad yan para gumaling baka magka-peklat pa ang mukha mo. Sayang naman!"

Dumiretso na kami sa clinic at ginamot naman agad sya ng nurse. Nagpasya na kami umuwi ni Lester kahit meron pa kaming susunod na klase.

Mark's POV.

Pauwi na ako ngayon sa bahay kasama si Edward para makapagpahinga ako dahil masakit ang mga sugat ko sa mukha at katawan. Hindi na kami bumalik pa sa susunod na klase dahil hindi ko kaya ang sakit. Pagkarating namin sa bahay dumiretso na agad ako sa kwarto at sumunod naman ang bestfriend ko.

"Ano masakit pa ba sugat mo? Kailangan natin pagplanuhan ang pagganti natin sa gagong yun." Saad nya.

"Hindi na masyado dahil nakainom na rin ako ng gamot na nireseta ng doctor. Oo gaganti ako at mas malala pa dito ang matatamo nya saken!"

"O sya sige magpahinga ka na muna. Dito lang muna ako kasi hindi naman pwedeng umuwi agad ako sa bahay. Malamang tatanungin ako ni Mommy kung bakit maaga ako umuwi." Saad nya at humiga sa sofa malapit sa kama ko.

Pinilit ko matulog para naman mabawasan yung sakit na iniinda ko.

Edward's POV

Nakatulog na si Mark at ako naman heto tinititigan lang sya. Pogi talaga ng bestfriend ko. Kung hindi ko lang bestfriend 'to baka nagahasa ko na kanina pa. Hahaha. Sa totoo lang gusto ko sya pero pinili ko na hanggang ganito na lang kami kasi baka pag inamin ko sa kanya na gusto ko s'ya eh magalit sa akin at layuan ako. Kaya hanggang titig na lang ako pag hindi sya nakatingin. Ayoko rin naman sya mawala sa akin kaya okay na ako sa ganitong set-up. Grabe ang sarap nya siguro yakapin at halikan ng isang oras. Hahaha. Pumikit na lang ako at natulog.

Lester's POV.

Awwww! Shit ang sakit ng sugat ko sa mukha. Badtrip! Bukas na bukas gaganti ako sa kanya. Humanda ka sakin gago!

*****

Hope you like my story. Please leave your comment and vote.😘😘😘

Unexpected Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon