Unexpected Lover : Part 27

567 2 0
                                        

Lester's POV.

Nagising ako dahil sa lakas ng tunog ng phone ko. Ano ba yan ang aga-aga pa eh! Bwisit naman oh! Inaantok pa ako eh. Walang tigil ang pag-ring kaya napilitan ako abutin sa table na malapit sa kama ko. Teka bakit iba na ang kulay ng bedsheet ko? Nagulat ako ng biglang may yumakap sa akin malapit sa may maselan kong bahagi. Kaya naman agad akong bumalikwas at pinilipit ang kamay n'ya. Nagulat ako ng makita ko kung sino ang pangahas na yumakap sa akin.

"Gago ka bakit ka nandito sa kwarto ko?! Sinong nagsabi na pwede ka pumasok dito?!" Sinakal ko agad s'ya.

"Kwarto ko 'to! Dinala kita dito dahil hindi mo na kayang umuwi kagabi sa sobrang kalasingan. Hindi ko naman alam ang bahay n'yo kaya dito na lang kita dinala. Bitiwan mo ako nahihirapan na ako huminga!" saad ni Anton na nahihirapan. Bumitaw naman ako agad.

"Anong gusto mo magpasalamat ako sa'yo? Gago kulang pa 'to sa ginawa mo sa amin ng mga kaibigan ko lalo na kay Mark! T*ng*na ka may payakap-yakap ka pa sa akin! Gago hinding-hindi mo matitikman ang katawan ko!"

Ang sakit-sakit ng katawan ko. Bakit parang ang hapdi ng pwet ko? Ang sakit shit! Agad kong kinapa sa loob ng shorts ko. Laking gulat ko ng may basa akong nahawakan at pagtingin ko may dugo. Umiiyak na si Anton sa harap ko.

"Patawarin mo ako sa nagawa ko sa'yo please hindi ko napigilan ang sarili ko kagabi kaya ko nagawa ang bagay na yun. Parang awa mo na patawarin mo ako please! please!"

"T*ng*ina ka binaboy mo kong hayop ka!!!!" Galit na galit na saad ko at agad s'yang sinuntok sa mukha. Hindi ko tinigilan ang pagsuntok sa kanya. Puro dugo na ang mukha n'ya kaya tumigil na rin ako sa pagsuntok. Agad kong kinuha ang mga damit ko at isinuot. Dali-dali akong lumabas ng pinto. Badtrip na bahay 'to hindi mo alam kung saan ka lalabas sa sobrang laki. Shit! May nasalubong akong matandang babae.

"Sino ka?! Bakit ka nandito? Magnanakaw ka 'no?! May magnanakaw! Tulong! Magnanakaw!" pagsisigaw ng matandang babae.

Agad naman akong nagtatakbo pero naabutan ako ng gwardya. Tinutukan ako ng baril kaya wala akong nagawa kundi tumigil. Nilagyan agad ako ng posas sa kamay at hinila papasok ng bahay. Marami ng tao pagpasok namin. Hinila ako at pinaupo sa sofa.

"Nasaan ang magnanakaw??!" May pababang lalaki na may dalang baril. Medyo may edad na pero maskulado at malalaman mo agad na isang mayamang tao dahil na rin sa pagsasalita at kilos.

"Sir s'ya po yung magnanakaw!" saad ng matandang babae.

Agad naman ako tinutukan sa ulo ng baril.

"Sino ka?! Taga-saan ka?! Ang lakas ng loob mo magnakaw ha! Bakit bahay ko pa ang napili mong nakawan? Hindi mo ba ako kilala? Sagot!"

"Sir hindi po ako magnanakaw parang awa n'yo na po hayaan n'yo na po ako umalis. Please!" pagmamaka-awa ko.

"Hindi ka makakaalis dito dahil maya-maya lang parating na ang mga pulis para ikulong ka! Sisiguruhin ko na mabubulok ka sa bilangguan!"

Aktong susuntukin n'ya ako ng magsisigaw si Anton.

"Daddy wag po! Classmate ko po s'ya! Dinala ko s'ya dito kagabi dahil sa sobrang kalasingan n'ya. Hayaan n'yo na po s'ya umalis!" sigaw ni Anton.

"Anak anong nangyari sa mukha mo? Bakit ang dami mong sugat? Bakit ka puro pasa?? Sinong gumawa n'yan sa'yo?!"

Bigla naman yumuko si Anton at hindi sumasagot. Nakakatakot ang daddy ni Anton parang militar kung magalit.

"Dad napaaway lang ako kagabi sa bar. Pero galos lang 'to. Hindi na po masakit."

Lumapit ang daddy n'ya sa kanya at chineck ang mga sugat.

"Anak bago lang 'to ah! Sino gumawa n'yan? S'ya ba anak?! S'ya ba?!!! Sumagot ka! Hindi mo ako maloloko na kagabi pa ang mga sugat na nasa mukha mo. Kaya sabihin mo na sa akin ang totoo. S'ya ba ang bumugbog sa'yo?!"

Yumuko si Anton habang umiiyak at sabay tumango. Bigla akong sinakal ng daddy n'ya at sinuntok sa mukha.

"Daddy tama na po! Ako ang may kasalanan kung bakit n'ya ako binugbog! Daddy tama na!"

"Anong kasalanan ang sinasabi mo Anton! Sabihin mo!"

Akmang susuntukin ako ng daddy n'ya ng sumigaw s'ya.

"Daddy pinag-samantalahan ko s'ya kagabi. Binaboy ko s'ya kaya may karapatan po s'ya na bugbugin ako." saad ni Anton habang lumuluha.

"Anong pinagsasasabi mo?! Bakit mo pagsasamantalahan ang isang lalaki?! Bakla ka ba?! Sagot!"

"Oo dad bakla ako! Matagal ko na s'yang gusto kaya nagawa ko s'yang pagsamantalahan kagabi."

Bigla naman s'yang sinuntok ng daddy n'ya sa sikmura.

"Wala akong anak na bakla kaya lumayas ka sa harap ko at baka mapatay pa kita! Lumayas ka sa bahay ko! Isama mo na ang lalaking yan pag-alis mo dito! Wag na wag ka ng babalik sa pamamahay na 'to! Isa kang salot!"

Agad naman tinanggal ng guard ang posas ko at nagmadali akong lumabas.   Pinagmasdan ko si Anton na hindi kumikibo habang umiiyak pero kinaladkad s'ya palabas ng daddy n'ya.

"Wag ka ng babalik sa pamamahay ko dahil wala akong anak na bakla!" bulyaw ng daddy n'ya.

Awang-awa ako sa kalagayan n'ya dahil sa dami ng sugat n'ya sa mukha at namimilipit sa sakit ng sikmura na tinamo sa daddy n'ya. Nagmadali na akong lumakad palayo dahil wala akong pakialam sa kanya! Gago s'ya binaboy n'ya ako! Medyo malayo na ang pagitan ko sa kanya ng lumingon ako sa likod. Nakita ko s'yang nakahandusay sa kalsada. Shit! Nagtatakbo ako pabalik sa kanya at agad s'yang kinarga. Saktong may dumaan na tricycle at pinara ko agad.

"Manong bilis dalhin natin s'ya sa hospital. Pakibilisan po!"

Ilang minuto lang at dumating na kami sa hospital. Agad ko s'yang binuhat at patakbong dinala sa loob.

"Tulong! Please tulungan n'yo kami."

Agad naman lumapit ang mga nurses at sinabihan ako na ihiga sa bakanteng hospital bed. Chineck naman agad ang kalagayan n'ya.

"Paki-ready ang operating room bilis! We need to do an operation now! Pakidala na agad ang patient."

Agad naman nagsikilos ang mga nurses at dinala si Anton sa operating room.

"Doc ano pong nangyayari sa kaibigan ko? Ano pong sakit n'ya? Bakit po kailangan s'yang operahan?"

"Mamaya ko na i-explain sa'yo. Kailangan ko na agad isagawa ang operasyon."

Naiwan naman ako sa labas ng operating room. Habag na habag ako sa kalagayan ni Anton.

*****

Sana nagustuhan n'yo. Please leave your comment and vote.😘

Unexpected Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon