Mark's POV.
Nagising ako sa lakas ng tawanan ng mga tauhan ng nagpadukot sa amin. Sobrang sakit ng pakiramdam ko at kumakalam na din ang sikmura ko. Pinagmasdan ko silang tatlo at lahat sila ay natutulog. Naaawa ako sa kalagayan ni Edward dahil may mga dugo sya sa mukha ganun din sila Lester at Andrew. Kailan pa kaya kami makakaalis dito? Hirap na hirap na ako sa kalagayan ko. Napansin ko na meron na akong suot na damit at pantalon.
"Kuya baka pwedeng makahingi ng pagkain at inumin. Gutom na gutom na ako at nauuhaw. Please kuya maawa na kayo." Pagmamaka-awa ko.
"Brad bigyan mo sya ng pagkain kailangan wag magutom yan dahil pagmamay-ari ni boss Anton ang lalaking yan." Saad ng isa.
"Okay brad kukuha na ako. Baka patayin pa ako ni boss eh."
"Anong sinasabi nyo na pagmamay-ari ako ng boss nyo? Ni hindi ko nga kilala ang hayop na yun! At isa pa, wala akong balak magpaangkin sa kanya. Baka patayin ko pa sya! Pwede nya ako gawing parausan pero hinding-hindi nya ako maaangkin. Demonyo sya!" Galit na saad ko.
Dumating naman ang isang tauhan na may dalang pagkain at tubig.
"Oh heto kumain ka na! Kung hindi ka lang pagmamay-ari ng boss ko eh hindi kita papakainin. Ibuka mo ang bibig mo!"
Natapos na ako kumain. Pinilit ko kainin lahat para naman makabawi ng lakas. Napansin ko na gising na si Lester.
"Kuya pwede mo rin ba pakainin sya? Please! Diba pagmamay-ari naman ako ng demonyong boss mo kaya sundin mo ko kung ayaw mo patayin ka nun dahil sasabihin ko na pinagsamantalahan nyo ako!"
"Aba gago 'to ah! Pinakain ka na kami pa rin ang masama! Bakit ko naman papakainin ang hayop na yan eh mas gusto nga ng boss ko na mamatay na yan!"
Natahimik na lang ako at tumitig kay Lester. Nakatitig din sya sa akin na blangko ang expression ng mga mata nya.
"Lester kumusta ka na? Maayos na ba pakiramdam mo? Okay ka lang ba?" Sunod-sunod kong tanong.
"Wag ka mag-alala okay pa naman ako. Kaya ko pa! Kailangan kayanin ko 'to dahil kasalanan ko kung bakit pati kayo ng kaibigan mo eh nadamay sa galit ni Anton. Patawarin mo ako sa mga nagawa ko please! Alam ko mahirap ibigay yun sa ngayon pero sana mapatawad mo ako." Lumuluha nyang pakiusap.
"Hindi ko pa kayang ipagkaloob sayo ang kapatawaran na hinihingi mo pero humupa na ang galit ko sayo. Darating din yung time na maghihilom ang sakit na nararamdaman ko dahil sa mga nararanasan ko ngayon. Ang mahalaga sa akin ngayon ay buhay pa rin tayong apat." Saad ko.
"Salamat at nawala na rin ang galit mo sa akin. Maraming salamat!"
Biglang may narinig kaming pumalakpak sa labas ng silid. Hindi ako nagkamali si Anton ang taong yun. Pumasok sya habang patuloy na pumapalakpak.
"Ang sweet naman ng baby ko! Nakaya mo pa rin patawarin ang taong may kagagawan kung bakit nandito ka ngayon. Parang gusto kita i-kiss at i-hug!" Nakangising saad nya.
"Hayop ka wag mo ako matawag-tawag na baby dahil hinding-hindi kita magugustuhan at isa pa hindi mo ako pagaari!" Sigaw ko.
"Tapang naman ng baby ko! Yan ang gusto ko sayo eh palaban. Hahaha. Wala ka ng magagawa dahil pagaari na kita! Akin ka lang! Akin lang! Naiintindihan mo?!" Saad nya.
"Gago ka hinding-hindi sya mapapasayo! Wag kang umasa dahil pag nakawala na kami dito eh paglalamayan ka na!" Galit na saad ni Lester.
"Aww! Nakakatakot naman ang pagbabanta mo. Hahaha. Ni hindi ka nga makaalis sa pagkakagapos sayo eh tapos umaasa kang makakawala ka pa dito?! Mabubulok ka na dito gago!" Saad ni Anton.
"Yan ang akala mo dahil sigurado akong gagawin ng magulang ko ang lahat para mahanap ako! Kaya matakot ka na! Kung ako sayo magpapakalayo-layo na ako dahil sa oras na makawala na kami dito eh ako mismo ang papatay sayo!" Saad ni Lester.
"Oh! I am so afraid! Wag ka mag-alala dahil bago ka pa mahanap ng magulang mo eh sisiguruhin ko na wala ka ng buhay! How sad! Iiyakan na lang nila ang bangkay mo. Don't worry dadalaw ako sa libing mo! Hahahaha."
"Tang*na mo gago! Hinding-hindi mangyayari yun!" Sigaw ni Lester.
"Mga bata patahimikin ang isang 'to masyadong madada! Bugbugin nyo!" Utos ni Anton.
"Wag! Wag nyo sya bugbugin please! Anton wag mo na sya ipabugbog sa mga tauhan mo! Ibibigay ko ang gusto mo wag mo lang sya saktan!" Pagmamaka-awa ko.
"Talaga baby? Ibibigay mo ang gusto ko? Lahat-lahat ng gusto ko? Kahit na ang virginity mo?" Sunod-sunod na tanong nya sa akin.
"Wag mo gagawin yan Mark! Kahit pa bugbugin nila ko kakayanin ko wag lang makita na binababoy ka ng hayop na yan!" Sigaw ni Lester.
"Wag ka ngang pakialamero! Nagdesisyon na sya gago! Pasalamat ka hindi kita ipapabugbog!" Saad ni Anton.
"Hindi maaari!! Mark wag kang pumayag dahil nasasaktan ako! Please wag ka papayag!" Pagmamaka-awa ni Lester.
"Sorry Lester buo na ang desisyon ko. Gagawin ko 'to hindi lang para sayo kundi para na rin kila Edward at Andrew."
"Ano na baby ready ka na ba? Hahaha." Saad ni Anton.
"Oo na dami mo pang satsat! Simulan mo na! Ano hindi mo papaalisin ang mga tauhan mo?! Gusto mo ba live show?" Sarkastikong saad ko.
"I like it baby! Hahaha. Mga bata lumabas na muna kayo. Na-miss ko 'tong baby ko eh. Hahaha."
Sinimulan na nya ang pang-hahalay sa akin.
****
Thank you sa mga nagbabasa ng story ko. Please vote and comment.😘😘😘
BINABASA MO ANG
Unexpected Lover [Completed]
RomancePaano ba magmahal ng taong sa una pa lang ay lubos mo ng kinamumuhian? Totoo kaya na may taong nakalaan para sa isa't-isa kahit pareho man ang inyong kasarian? We will never know. Sabi nga nila "Love has no gender". Kapag dumating na ba ang taong n...