Mark's POV.
Maaga ako nagising kinabukasan dahil sa paghihilik ni Edward. Tinakpan ko ang bibig nya ng kamay ko. Hindi pa rin inaalis ang pagkakayakap nya sa akin. Parang ayaw na ako pakawalan dahil sa higpit ng yakap nya. Hindi ko na lang tinanggal ang kamay nya dahil ayoko na magising agad sya. Tinitigan ko na lang ang mukha nya. Napakaamo at napakapogi talaga ng bestfriend ko. Ilang minuto ko sya pinagmamasdan ng biglang magmulat ang mga mata nya.
"Bestfriend wag mo ako pakatitigan baka matunaw ako. Hahaha. May pagnanasa ka sa akin no? Hindi pa pwede ngayon dahil hindi pa tayo handa magka-anak. Wag masyadong atat. Hahaha."
Agad ko naman sya binatukan.
"Ang kapal talaga ng mukha mo bestfriend kasing kapal ng gulong ng kotse mo!" Tinanggal ko ang pagkakayap nya sa akin.
"Joke lang naman bestfriend! Payakap na ako please. Hindi ko na uulitin promise!"
"Okay sige patatawarin kita ngayon pero sa sunod hindi na! Sige yakap na!"
Nasa ganun kaming posisyon ng pumasok si Lester. Hindi man lang kumatok. Marami syang dala parang namalengke. Haha.
"Oh napakaaga mo naman yata Lester?"
"Namimiss kasi kita Mark eh! Hoy tukmol umalis ka nga dyan! Kung makayakap ka eh daig mo pa ang syota!" Hinila nya ang kamay ni Edward para matanggal sa pagkakayakap sa akin.
"Wala kang pakialam. Umalis ka na agad dito!" Bulyaw ni Edward.
"Bakit ako aalis eh sya naman dinadalaw ko! Ano naman pakialam mo?" Gigil ni Lester.
Kinuha ni Lester ang kamay ko at hinalikan. Kaya naman galit na galit si Edward.
"Hoy manyak lumayas ka dito!" Saad ni Edward at agad nya hinila ang kamay ko.
Hindi naman nagpapigil si Lester. Inagaw nya ang kamay ko kay Edward.
"Tumigil nga kayong dalawa! Ano ako laruan para pag-agawan nyo?!" Saad ko.
Nagsitigil naman sa bangayan ang dalawa at nagsorry sa akin.
"Mark sorry kung nakukulitan ka na sa akin ha. Sa totoo lang namimiss na kita eh." Saad ni Lester
"Sus! Drama mo kupal! Nakakairita!" Saad ni Edward.
"Pakialam mo!" Pabalang na sagot ni Lester.
"Pakialam mo din!"
"Tumigil nga kayong dalawa! Aalis ako dito pag hindi pa kayo tumigil!" Pagbabanta ko.
Agad naman tumahimik ang dalawa.
"Mark nga pala may dala akong pagkain. Hindi ko alam kung magugustuhan mo pero ako ang nagluto nito. Nagpaturo ako sa maid namin." Saad nito at inilabas ang pagkaing dala.
"Wag mo kakainin yan bestfriend baka may lason yan! Tsaka mukhang hindi masarap." Singit ni Edward.
"Tumigil ka nga bestfriend!" Asik ko sa kanya.
"Oo na titigil na." Himig pagtatampo ng bestfriend ko.
"Sorry na bestfriend hindi ko sinasadya. Ikaw kasi puro ka pakikipagaway eh. Yakapin mo na lang ako para di ka na magtampo." Pang-aalo ko sa kanya.
Agad naman sya yumakap at hinawakan ang kamay ko.
"Nakakabadtrip! Pabebe ang gago!" Bulong ni Lester.
"Anong binubulong-bulong mo dyan." Tanong ko kay Lester.
"Wa-wala naman Mark! Sabi ko ang cute ng bestfriend mo ang sarap ibaon ng buhay!"
"Inggit ka lang!" Saad ni Edward at hinigpitan pa ang pagkakayakap kay Mark.
Makalipas ang isang linggo.
Nakalabas na kami ng hospital ni Edward dahil fully recovered na kami pareho. Binigyan pa kami ng isang linggong pahinga bago pumasok sa school. Araw-araw naman dumadalaw si Lester sa bahay. Syempre hindi naman pahuhuli ang bestfriend ko na halos dun na tumira sa bahay. Wala naman ginawa silang dalawa ni Edward kung hindi magbangayan kahit pa nandoon ang mga magulang ko. Hindi naman sila nakikialam basta nakamasid lang sa amin.
****
Sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa. Please comment and vote.

BINABASA MO ANG
Unexpected Lover [Completed]
RomancePaano ba magmahal ng taong sa una pa lang ay lubos mo ng kinamumuhian? Totoo kaya na may taong nakalaan para sa isa't-isa kahit pareho man ang inyong kasarian? We will never know. Sabi nga nila "Love has no gender". Kapag dumating na ba ang taong n...