Anton's POV.
Lahat na lang sila ayaw sa akin. Wala na bang magmamahal sa akin? Ganun na ba ako kasama para masaktan ng ganito? Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko dahil ang taong mahal ko nasusuklam sa akin at ang daddy ko hindi n'ya matanggap na bakla ako. Isa lang ang nagmamahal sa akin at kayang tanggapin ako ng buo at iyon ang mom ko. Paano na ako ngayon? Hinang-hina na ako dahil sa mga tinamo kong suntok sa mukha at sa sikmura. Hindi ako makahinga. Ang dibdib ko naninikip aaaaahhhhhh ang sakiiiiiiiiiitt! Tulong! Pinipilit ko sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Ilang beses ko pa pinilit sumigaw pero nagdilim na ang paningin ko.
Lester's POV.
Kinuha ko agad ang phone ni Anton at hinanap ang number ng mom n'ya. Ilang beses ko idinial pero hindi ko makontak ang phone n'ya. Ayoko naman tawagan ang dad n'ya dahil sa ginawa nito kay Anton. Wala s'yang puso! Nag-try ulit ako tawagan ang phone ng mom n'ya at buti naman nag-ring na at sinagot n'ya ang call.
"Hello Anak!"
"Good morning po mam! Ako po si Lester, classsmate ni Anton, gusto ko lang po ipaalam sa inyo na nandito po s'ya sa hospital dahil bigla na lang po s'ya nawalan ng malay kanina. Malubha po ang kalagayan n'ya dahil sabi ng Doctor kailangan s'ya operahan."
"Whaaat?! Anong nangyari sa kanya? Saang hospital mo s'ya dinala?"
"Hindi po nasabi sa akin ng Doctor pero inooperahan na po s'ya ngayon. Dito po kami ngayon sa Manila Doctor's Hospital. Please po pumunta na kayo agad dito."
"Okay sige papunta na ako agad d'yan. Please pakibantayan ang anak ko!"
Tinawagan ko din ang mom ko para ipaalam sa kanya kung nasaan ako. Siguradong nag-aalala na sila sa akin dahil hindi ko na rin sila natawagan kagabi. Puro kamalasan na lang nangyayari sa akin. Bakit si Edward pa ang pinili ni Mark at hindi ako? Mahal na mahal ko s'ya! Siguro nga kailangan ko na lang tanggapin na hindi ako ang pinili n'ya. Alam ko magiging masaya s'ya kay Edward. Sabi nga nila kapag nagmamahal ka eh kailangan mong lumaban at kapag natalo ka kailangan mong tanggapin.
Mahigit isang oras na ako sa labas ng operating room. Biglang tumunog ang phone ni Anton.
"Hello po mam! Nasaan na po kayo?"
"Papasok na ako dito sa hospital. Nasaan ka?"
"Mam nandito po ako sa 2nd floor malapit sa room 201."
"Okay sige papunta na ako d'yan."
Ilang sandali pa at may isang babae na lumabas sa elevator. Siguro s'ya ang mom ni Anton. Lumapit s'ya sa kinauupuan ko.
"Kayo po ba ang mom ni Anton?"
"Oo ako nga. Nasaan na ang anak ko? Hindi pa ba tapos ang operasyon?" saad n'yang lumuluha.
"Hindi pa po mam. Mahigit isang oras na po ako dito sa labas ng operating room."
"Kumusta na kaya ang anak ko? Alam mo ba kung anong nangyari sa kanya bago mo s'ya dinala dito?" Naaawa ako sa mom n'ya dahil walang tigil ito sa pag-iyak.
"Mam patawarin mo po ako dahil hindi naging maganda ang pagtrato ko sa kanya kanina. Nasuntok ko po ng ilang beses ang anak n'yo dahil sa kahalayang ginawa n'ya sa akin. Pero pinagsisihan ko po yung ginawa ko. Sana po mapatawad n'yo ako." Bigla n'ya akong sinampal.
"Kapag may nangyari sa anak ko ay pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kanya! Hindi ko sinasaktan ang anak ko tapos ikaw na ibang tao ang mananakit sa kanya?!!"
"Mam patawarin n'yo po ako. Pakiusap po mam. Mas malubha pa po ang ginawa ng asawa n'yo kay Anton. Sinuntok s'ya sa sikmura at kinaladkad palabas ng bahay n'yo ng malaman n'ya na bakla si Anton. Kaya s'ya po ang dapat n'yong sisihin hindi ako!"
"Ano?!! Ginawa yun ng asawa ko?!!"
Agad n'ya tinawagan ang asawa n'ya at galit na galit na kinausap sa phone.
Ilang oras pa ang lumipas at may lumabas na Doctor sa operating room.
"Doc kumusta na po ang anak ko? Kumusta na po ang kalagayan n'ya?" tanong ng mom ni Anton.
"Huminahon po kayo mam dahil successful po ang operasyon. Alagaan n'yo ng mabuti ang anak n'yo dahil mahina ang puso n'ya. Wag dapat s'ya magagalit ng sobra at hindi dapat s'ya mapapagod. Naagapan pa namin ang sakit n'ya sa ngayon pero sa susunod baka hindi na kayang gamutin pa kaya alagaan n'yo po s'yang mabuti. Ililipat na s'ya sa ibang room."
"Maraming salamat po Doc! Makakaasa po kayo na aalagaan namin s'yang mabuti." saad ng mom n'ya.
Ilang minuto ang nakalipas at nailipat na si Anton sa ibang room. Hindi pa ako makaalis dahil nakokonsensya din ako sa nangyari. Sasamahan ko muna ang mom n'ya habang hindi pa dumadating ang dad n'ya.
Mark's POV.
Nandito kami ni Edward ngayon sa bahay at kasalukuyang nag-papahinga habang magkayakap sa kama ko. Masaya ako dahil s'ya ang pinili ko.
"Baby salamat at ako ang pinili mo. Sobrang saya ko dahil natupad ang hiling ko na sana ako ang piliin mo. Mahal na mahal kita baby! Pangako hinding-hindi kita sasaktan. Mamahalin kita hanggang sa tumanda tayo at ipinapangako ko na magiging masaya tayo kasama ang mga magulang natin."
"Masaya din ako Edward na ikaw ang pinili ko. Alam ko tama ang naging desisyon ko. Dahil alam ko ikaw ang makapagbibigay sa akin ng pagmamahal at kasiyahan na kailangan ko. Sana hindi mo ako sasaktan dahil baka hindi ko kayanin. I love you baby ko!"
"Pangako baby ikaw lang ang mamahalin ko! I love you too baby ko!" saad n'ya sabay halik sa labi ko.
"Kailangan ko makausap si Lester kahit alam ko masasaktan s'ya sa sasabihin ko. Baby okay lang ba sa'yo kung kausapin ko ngayon si Lester?"
"Oo naman baby! Kailangan n'ya din malaman para tigilan ka na n'ya."
Tinawagan ko si Lester. Nag-riring ang phone n'ya pero hindi n'ya sinasagot.
"Baby di n'ya sinasagot yung tawag ko. "
"Baka naman may ginagawa s'ya baby. Tawagan mo na lang ulit mamaya. Matulog na muna ulit tayo baby. Napagod ako eh. Hahaha. Mamaya ulit ha."
"Ikaw talaga ang baboy mo baby! Sige na matulog na tayo. Iisa ka pa eh hindi na nga kaya ng alaga mo. Mahina. Hahahaha."
"Mahina pala baby ha. Mamaya ka sa akin. Hahaha"
Natulog na kami ni Edward. Sobrang sarap sa pakiramdam na katabi ko ang pinakamamahal ko.
*****
Maraming salamat sa patuloy na nagbabasa ng story ko. 😘😘😘😘
![](https://img.wattpad.com/cover/184006746-288-k778864.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected Lover [Completed]
RomancePaano ba magmahal ng taong sa una pa lang ay lubos mo ng kinamumuhian? Totoo kaya na may taong nakalaan para sa isa't-isa kahit pareho man ang inyong kasarian? We will never know. Sabi nga nila "Love has no gender". Kapag dumating na ba ang taong n...