Chapter 6

415 13 0
                                    

Natanggap na ni Ara ang text mula sakanyang kakambal, bukas ito makikipagkita sakanya sa isang restaurant, buti nalang at wala siyang duty bukas, off niya kasi.

Pero ngayon, morning shift siya at makikipagkita na siya sa kaibigan niya mamayang gabi.

She needs to check up a patient sa same floor kung saan niya nakita si Chase.

Nakita niya na ito noong nakaraan, pero kanina niya lang nakita ito ulit ng malapitan, his features now made him look more mature, that's one thing she can't deny.

But she removed that thought.

Bakit naman siya magpapagulo?

She's at work, ayaw niyang nagagambala ang isip niya.

——

"Sunny, napacheck mo na ba si Tito Ted sa bahay nila?" tanong nito.

"Yes sir,"

"How is he?"

"Stable naman po, and he's very active daw," ani Sunny.

"That's good, maybe I'll visit him sometime,"

Tito Ted was his mentor, noong nagaaral pa lamang si Chase, hindi siya nakitaan agad ng mga guro niya ng potential sa larangang tinatahak niya ngayon.

But Tito Ted was an engineer na bumisita noon sa paaralan nila, he was well known ngunit sa lahat ng estudyante, siya ang napili nitong imentor, kaya naman itinuturing niya ito bilang pangalawa niya ng ama.

Walang pamilya si Tito Ted, hiniwalayan siya ng kanyang asawa noon at wala ring anak, kaya siya na ang nagaalaga sakanya ngayon, Tito Ted's company was already given to Chase, dahil na sa edad nito ay hindi na niya mababantayan ang kompanya kaya Chase was managing it now.

"Sir Chase, your sister is here," balita ng kanyang sekretarya pagpasok nito sakanyang opisina.

"Papasukin mo siya," anito.

"Hi Kuya!" masiglang bati ni Brie sakanya.

"Hi Brie, napadalaw ka?" tanong nito.

"I just checked my cafe nearby and decided to visit you, sakto pala andito ka, and I brought you snacks," ani Brie sabay abot ng sobre.

Brie has a business of her own, ayaw niyang masama sa mga family business kaya naman si Chase ang kumakarga dito.

Brie owns cafes and she liked it that way, natutustusan naman nito ang kanyang sarili.

"Thanks," pagpapasalamat ni Chase sakanya.

"By the way, kinakamusta ka nila mama, lets pass by them some time and eat dinner with them," anito.

"Of course, just text me when," ani Chase.

"Thanks kuya— oh, I need to go now," ani Brie noong may nabasa ito sakanyang telepono.

"Sige, you go ahead, thanks for the snacks," ani Chase ay nginitian lamang ito ng kapatid bago umalis.

Habang binabasa ang mga papeles na nakatambak sakanyang hapag, pumasok si Sunny agad agad sakanyang opisina na ikinagulat niya.

"Sunny, I told you to kno—"

"Sorry sir, pero si Sir Ted," ani Sunny.

Chase instantly got worried.

"What happened?"

"Inatake daw po," ani Sunny.

Tumayo agad si Chase at lumabas ng opisina.

"You manage here, cancel all my appointments for today," ani Chase, at tinanguan naman siya ng sekretarya.

Bumaba na ito at lumabas sakanyang building, pumasok an ito sa kanyang sasakyan at agad ipinaharurot ito sa bahay ni Tito Ted.

He immediately entered at nakita nito ang personal nurse ng matanda.

"What happened?"

"Sir Chase, nanonood po ng tv si Sir Ted tapos bigla na lamang sumakit ang dibdib," he explains.

"Is he okay now?"

"Opo, stable na po siya, natawagan ko naman po agad yung doktor niya," anang personal nurse.

"Ok, thanks," tipid na sabi nito tsaka umakyat papuntang kuwarto ni Tito Ted.

"Chase, hijo," bati sakanya.

"Tito, okay lang po ba kayo?"

"Of course, I'm strong as hell! Don't take me for a weakling," anito.

"Tito, nagbibiro pa kayo," ani Chase with a soft chuckle.

"I'm strong, son. May pupuntahan pa nga akong meeting bukas eh," anang matanda.

"Ano? Sa lagay mong yan? Delikado tito, tsaka diba sabi ko sainyo, wag na kayo magtrabaho? I manage your businesses naman," ani Chase.

"But this one is special, it's my long time friend, he needs his place renovated," ani Ted.

"Ako na ang bahala dun, I could just send my people—"

"No, gusto ko ako ang pupunta," putol ni Ted ang sinasabi ni Chase.

"How about this Tito, I could go there, personally, at irereport ko sayo lahat," ani Chase.

Tinignan siya ng matanda.

"Hm... I guess that would work, fine," anang matanda ay napabuntong hininga naman si Chase.

"Here's the place and time," ani Ted sabay abot ng kanyang telepono kay Chase.

"By the way, you're meeting his daughter,"

1st Thorn: End Of Conversation (TTGN Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon