Chapter 14

388 13 16
                                        

They decided that Winona will just sleep in their father's house that day para hindi na mahirapan si Ara na ihatid ito sa school niya.

Ara wasn't used to mornings without calls or anything, it's a very unlikely day for her.

But she continued so, instead of picking her go to her "go-to" outfit like always, she changed it a little.

She was wearing a high-waist slacks and a cream top with spaghetti straps and just grabbed her coat that matches the pants.

It wasn't fully formal but it'll pass for so. Instead of cooking breakfast, napagdesisyunan niyang kumain nalang sa labas, she wasn't that hungry, she just needs her daily dose of caffeine like usual.

Kakauwi lang ng sekretarya ni Ara na si Joanna o mas madalas niyang tinatawag bilang Jo.

She messaged her.

You know that I won't be an attending doctor in the ER, close the clinic for me and please come to the Saavedra building ASAP, thank you.

She hit sent bago pinaharurot ang sasakyan papunta sa paborito niyang coffee shop. Dahil hindi muna siya mageentertain ng mga pasyente, mas mabuti pang kasama niya muna si Jo para naman hindi siya masyadong mahirapan.

Dahil hindi naman rin ito kalayuan, agad siyang nakarating, after so, she looked at her phone and saw her secretary's reply.

Okay po Doc, pupunta po ako dyan agad.

Hindi niya na nireplyan ito at lumabas na mula sa sasakyan.

She let out a huge sigh, this day will be so foreign to her, magaling siya sakanyang larangan ngunit sa mga business at mga ganito, hindi siya ganon kapamilyar, she just hopes for the best, tsaka, isang linggo lang naman ito.

Pumunta na siya sa harap ng counter at nagorder na.

"One iced mocha espresso please, like usual," ani Ara sa babaeng nasa likod ng counter, nginitian siya nito bago sumagot.

"Right away Ma'am Ara," kilala na siya nito, dahil halos araw araw siyang pumupunta dito, lalo na bago ang isang hectic na shift.

Umupo muna siya habang naghihintay sakanyang kape noong may nagtext sakanya.

Unknown number: Good morning, I am Sunshine Sarmiento, Ms. Saavedra, you are expected to be here at 9am, sharp by Engr. Natividad. Thank you.

She sighed before looking at her wristwatch. It was 8:16am.

Makakaabot naman siya.

At di nagtagal tinawag na rin ang pangalan niya at kinuha niya na agad yon.

Pumasok na si Ara sakanyang sasakyan at pinaandar na ito patungo sa building na kailangang ayusin.

It's 9am but the sun feels intense, mabuti nalang dinala ni Ara ang kanyang shades kaya bago ito lumabas, ginamit niya muna ito. She kept her coat on dahil hindi naman iyon makapal.

Paglabas niya ay tumingin sakanya lahat ng mangagawa, puwera na lamang sa isang lalaking nakatalikod, na mukhang kinakausap sila kanina, he was wearing a long-sleeves polo pero naka angat ito hanggang sakanyang siko.

"Good morning Ms. Saavedra, I'm Sunshine Sarmiento, pero Sunny nalang, ako po ang Secretary ni Sir Chase at isa sa mga architect na tutulong sa proyektong ito," anang Babae na nakapusod ang buhok, she looked prim and proper.

Nginitian siya ni Ara.

"Please, just call me Ara," ani Ara, she isn't fun of over the top formalities, lalo na kung parang magkapareho naman sila ng edad nito.

"Ara," anang lalaking nakatalikod kanina, it was Chase.

"Chase, I see your men are already here," ani Ara pagkatapos daanan ng tingin ang mga manggagawa.

"Yes, I believe that we only need your approval of the final layout of plans and we're good to go," ani Chase, Ara seems to be distracted of how Chase sounds like, he was very far from the Chase she knew, he sounded so professional, he sounded expensive.

"Ah yes, lets head down to papa's office inside for a bit, wala muna ang mga trabahante dito, the janitors are the ones left, they'll just clean a bit and go already," ani Ara kay Chase habang papasok sila sa building.

Pumasok na sila sa elevator.

At di nagtagal nasa loob na rin ng nasabing office.

Inilapag ni Chase ang kaninang hawak hawak na blueprint.

Umupo ito sa swivel chair na nasa likod ng table at dito klarong klaro ang kamay ni Chase na may mga umiigting na ugat, kumpara sa Chase na huli niyang maalala, he looks more mature and buff now.

Imposibleng walang girlfriend ang lalaking ito!

"So as I was saying, Ms. Saavedra," bumalik sa huwisyo si Ara noong nagsalita ulit si Chase na diniinan ang mga salitang "Ms. Saavedra"

"C-continue.."

——

A/N: hello, I'm gonna put a little twist

15 comments in this chap, and another for the previous chap, I won't just reveal a surprise but update this book with 2 chaps.

Ibig sabihin non hindi ako maguupdate kung hindi kayo magcocomment! Hahahaha!

Again, no, I'm not doing this for fame, I'm just doing this to get a little bit rest, habang hindi pa umaabot ng 15 sa both chaps at least may oras ako ng kaunti para mapagtuunan ng pansin ang mga iba kong kwento because seriously, I can't stop focusing on this! Hahahah!

See you after 15 comments Hahahaha!

1st Thorn: End Of Conversation (TTGN Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon