Chapter 36

231 10 1
                                        

Pagkatapos ng ilang kantyawan at barahan, nakarating na rin sila sa Cebu.

"'Sup mga motherfuckers except sa dalawang mga may normal na pagiisip, nasa Cebu na tayo, hintayin niyo go signal ko bago kayo bumababa, ang iba pa naman diyan atat palagi, ikaw yon Yam," anang piloto na si Hermes.

"Ulul gago ang tagal mo," ani Yam na nakatayo na agad habang nakaupo pa sila which made them laugh a little because he just proved what Hermes said about him.

They're in the Asuncion's private island in Cebu, malaki ito, may resort, ang sabi ni Chase, para lang daw to sa mga events katulad nito, hindi daw ito binubuksan ng mga Asuncion para sa madla.

Inalalayan ni Chase si Ara bumbaba ng hagdanan.

Nasa baba na sila lahat, at syempre huling bumbaba si Hermes.

"Punta kayo sa receptionist, may tig-iisang room kayo pero kulang ng dalawang kwarto, eto kasing si Hart eh, may pasurprise pa amp, tsaka hindi kita sinisisi Jan ha, pero yang boss mo sakit din sa ulo," ani Hermes sabay kamot ng ulo.

"I know right," Jan agrees.

"Gago malay ko ba may instincts ka na darating ako? I'm hurt pre," sagot din naman ni Hart ng pabiro na tila ba wala lang ang sinabi ni Hermes.

"Iisang room nalang kami," ani Five, tinutukoy ang kanyang kambal na si Ten.

"Ibigay niyo na kwarto ko kay Jan," ani Ten ng walang ekspresyon sa tono.

"Sige pero si Hart?", tanong naman ni Bolt.

"Uhm.. May room ba ako?", tanong naman ni Ara.

"Oo, same floor," ani Hermes.

"Kay Hart nalang," ani Ara na para bang nahihiya.

Tumaas ang isang kilay ng mga kasama ni Chase na tila ba interesadong malaman kanino siya matutulog.

"Eh ikaw?", Bolt asks, with amusement in his tone.

"I uhm.." hindi siya pwede magstay sa kambal niya kasi kasama nito ang asawa niya, it would be awkward!

Inisip niyang pumaroon sa kwarto ng ama pero wala pala itong kwarto dahil bukas pa siya darating sa mismong araw ng event.

"She can stay with me," ani Chase.

Tinignan siya nito na tila ba kumukuha ng permiso.

"Is it ok with you?," Chase asked Ara still looking at her.

"Uhm, oo," she said with a silence after that.

They heard a clap and it was from Hermes.

"Alright sige, settled, meeting adjourned," ani Hermes ng pabiro.

Binatukan naman siya ng kapatid.

"Corny mo tol," ani Bolt.

"Corny na nga pangit pa, gosh pick a struggle!," ani Collin, obvious na hindi na masyado ganon kasira ang pagtatagalog.

"Baka nakakalimutan niyo isla ko to? Ipapakain ko kayo sa pating," kantyaw naman ni Hermes sa kanyang tropa.

"Ulul pati pating ikaw mayari? Tawagin mo nga," hamon ni Ten.

"Uy gago anong isla mo to sa mga magulang natin to oy," ani Bolt.

"Di ko kayo marinig, nakashades na ako," mahangin na tugon ni Hermes sa mga kaibigan pagkatapos isuot ang shades.

Humupa din ang asaran at pumunta na sila sa sari-sariling room.

She's sharing a room with Chase!

Chase insisted to still carry her luggage up until their room.

Si Ara naman na ang nagbukas nito.

Tadhana nga naman, it only has 1 bed!

"I-I can sleep with the guys if you're not comfortable," medyo nauutal na sabi ni Chase pagkatapos ilapag ang mga dala.

"N-no, it's okay, ipagdudugtong ko nalang tong mga upuan," Ara insisted pointing at the 2 chairs at the side.

Chase gave her a disagreeing look before talking.

"Hindi naman pwede iyon Ara, mangangawit ka, ako nalang," Chase said in return.

"Eh room mo naman to," in Ara's defense.

"But still, ayokong mahirapan ka, please do me a favor? Wag na matigas ang ulo," ani Chase.

Natahimik naman si Ara dahil di nila namalayan na kumaunti nalang ang espasyo sa gitna nila.

"O-okay," wala sa sariling tugon ni Ara.

His manly scent was intoxicating! Nararamdaman parin ni Ara ang kabog ng kanyang dibdib.

"I'll hang your dress so it doesn't get ruin," ani Chase at umalis na sa kanyang harapan, kumawala naman si Ara ng buntong hininga na tila ba ngayon lang nakahinga.

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya.

What is this? She's a doctor yet she can't understand what's happening to her body, nagkalapit lang sila kaunti ni Chase, biglang gusto kumawala ng kanyang puso mula sa kanyang dibdib.

Umiling si Ara na tila ba binabasbasan ang sarili mula sa magulong pagiisip.

"Do you want something to eat?", Chase offers.

"I'm not hungry yet," Ara said respectfully.

Tumango naman si Chase bago sumagot.

"You can arrange yourself here, pupuntahan ko lang sila," ani Chase, maybe to give her privacy, ngumiti naman si Ara bago tumango.

Hindi nagtagal ay lumabas din si Chase at nagayos na ng sarili si Ara.

She removed her makeup and washed her face, nagpalit din ito ng damit para maging mas komportable.

Pagkatapos nito ay nakarinig siya ng katok.

Pagbukas naman niya ay isang malaking bouquet ng asul na mga bulaklak ang bumungad sakanya.

Nagulat si Ara, hindi alam ang nararamdaman.

Binaba naman nito ang mga bulaklak at nakita niya si Chase, na mukhang highschool student na ngayon lang nanligaw.

"I-I'm sorry kasi hindi tayo masyadong nakapagusap noong nakaraan araw, can I make it up to you?", Chase asks innocently.

Ngumiti naman si Ara bago sumagot.

"Oo naman," she answers before receiving the bouquet.

"Saan mo naman to nakuha?", tanong ni Ara, nakatitig parin sa magagandang mga asul na bulaklak.

"Back in Manila before we left, ipinatago ko yan ng maayos sa mga tauhan ko, tinulungan naman ako ni Hermes sa pagdadala niyan dito," ani Chase.

He's still the thoughtful and trying Chase, the Chase that... that she fell in love with.

"Baka nakakalimutan mo, nililigawan parin kita, I-I'll wait for you," mukhang nahihiya si Chase na ikinatawa naman ni Ara.

"Parang ngayon ka lang nanligaw ulit ah?", biro ni Ara bago humalakhak.

"Eh ikaw lang naman talaga yung niligawan ko eh," Chase answered which made Ara stop from laughing.

Tinignan niya si Chase ng maigi, na tila ba gulat parin sa huli nitong sinabi.

"You're the only girl worth waiting for, you're worth every effort," ani Chase habang nakatingin sa kanyang mata.

"Walang nagbago," dagdag ni Chase.

1st Thorn: End Of Conversation (TTGN Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon