Natapos ang pagfit ni Brie kaya naman dumako na sila sa isang cafe, at sa pagkakaalam ni Ara, ito'y kay Brie.
"Wow, you've grown so much Brie," ani Ara sa kasama.
"Nako ate, alam mo ba? Ito ang first branch ng cafe ko, si Kuya Chase pa nga ang namuno sa construction nito eh," ani Brie bago sila umupo sa isa sa mga upuan.
"Buti nalang pala kakaunti lang ang tao ngayon," ani Brie ulit noong pinalibot ang paningin sa kakaunting customers na may ginagawa.
"Madalas kasi kung gabi o pagabi na pumupunta ang mga tao," ani ulit ni Brie.
She's still quirky just as before, she didn't changed.
"Ma'am Brie! Oorder po ba kayo?", ngiti ng isang waitress.
"Nash, sabi ko naman sayo Brie nalang!," ani Brie sa babae.
Ngumiti ito bago nagsalita ulit.
"Ah sorry po, nga pala.. uhm.. Brie, magpapaalam sana ako, pupunta kasi ako ng probinsya bukas, okay lang ba? Tatlong araw lang naman," anang babae, halata ang kaba at hiya nito sa tono.
"Syempre naman, tawagan mo lang ako kapag nakarating ka na," ani Brie sabay ngiti.
"Sige, susubukan ko, order niyo po ma'am?", anang waitress.
"Uhm, sige ikaw na ang bahala Brie," ani Ara.
Tumango at ngumiti naman si Brie.
"Dalawang blueberry cheesecake at iced latte," ani Brie, tumango naman ang waitress bago umalis.
"Alam mo ba, napakasipag nun, ang ganda pa, pero malihim yan eh, ang alam ko lang ay ulila na siya at siya nalang ang kumakayod para sa sarili," ani Brie tungkol sa waitress kanina.
Indeed the waitress looked pretty, she has a pitch black wavy hair, maputi at mukhang mapupungay ang mga mata, she looked the same age as Brie, or maybe a little older.
"Ate Ara, so tell me, kamusta na?," pagiba ni Brie ng usapan habang hinahain sakanilang lamesa ang order.
"Hmm, okay naman, ikaw?" ani Ara at tumango-tango naman si Brie.
"Okay lang rin,"
Uminom si Ara ng iced latte habang nakikinig kay Brie.
"So any chance na magkabalikan kayo ni kuya?", nalapit niya na maibuga ang iniinom dahil sa sinabi ni Brie.
"Huy ate! Okay ka lang ba?," tanong ni Brie na may pagkamangha sa tono.
"Sorry, nasamid ako, magbalikan? Ewan ko," ani Ara, patay malisya.
"Diba ikaw ang date niya sa charity ball?," tanong ni Brie.
Dahan dahan naman tumango si Ara.
Hindi niya na lamang sinabi na nililigawan din siya nito dahil hindi niya naman nakikita na kailangan pa iyon banggitin sa kapatid ng pinaguusapan.
***
Sa kalagitnaan ng paguusap ay tumunog ang telepono ni Brie.
"Hello? Oh right, sige kukunin ko na," ani Brie.
"Ate Ara sorry to cut this conversation short pero I need to get home, may inuutos kasi si dad," ani Brie.
"Sige, magkikita pa naman tayo ulit," ani Ara sabay ngiti.
Ngumiti din si Brie pero kalaunay nawala naman ito.
"Sht, I forgot, wala dito ang sasakyan ko, nasa kabilang branch pala, ginamit ng driver,"
"Pwede naman kitang ihatid," Ara offers.
"Really ate?", tila ba'y nagningning ang mata nito.
"Yes of course, lets go para di ka matagalan pa," ani Ara at gumalaw na sila.
***
Hindi naman makakalimuting tao si Ara kaya naman alalang alala niya pa ang bahay ng mga Natividad.
Pinarada niya na ang kanyang sasakyan, aalis na sana siya pagkatapos bumababa ni Brie ngunit kinausap siya nito.
"Salamat ate, the driver will drive me na after I get what I need, pasok ka muna,"
"Nako hindi na, nakakahiya," marahang tanggi ni Ara.
Umiling naman si Brie.
"No no, please ate? Alam kong matagal na kayong hindi nagkita ni mom, she would be glad to see you again," tumikhim saglit si Ara bago magsalita ulit.
"Sige," anito bago patayin ang sasakyan at bumababa mula sa kinauupuan.
Mukhang wala masyadong nagbago sa bahay nila Chase, ang mansion nila ay kasing ganda parin ng huling pagkakita ni Ara.
"Sakto, alam kong malungkot si mom kasi kuya can't visit much because he's busy at ako naman ay madalas ginagabi ng uwi," ani Brie at tumango naman si Ara.
"Tatawagin ko si mom, upo ka na muna, coffee? Juice?," Brie offers.
"No thanks, medyo busog pa ako," ani Ara sabay ngiti, nginitian naman siya pabalik ng nakababatang Natividad.
Tumingin tingin si Ara sa paligid, napangiti ito noong nakita ang isang malaking litrato, a family portrait, Tito was sitting on a chair, Tita was on his side, si Brie ang nasa kabila at si Chase naman sa likod, they look so formal, dati, kahit isang family picture ay walang nakadisplay.
Masaya si Ara na sa mga oras na nawala siya ay sumaya naman si Chase.
Sumaya si Chase ng wala siya.
Bago pa man malamon si Ara ng mga iniisip niya ay bumababa na mula sakanilang grand staircase si Brianna Natividad.
"Oh my god, Ara!," halata ang tuwa sa boses ng ginang.
"Tita, it's so nice to see you again po,"
"Si Brie ba ang kasama mo?,"
"Ah opo, hinatid ko po siya dito,"
"Salamat, oh siya, sit down, hindi tayo nakapagusap noong huli nating pagkikita dahil nasa ospital tayo nun, so lest catch up now hija," ngiti ni Brianna.
Sinuklian naman ito ni Ara ng nakakagalang na ngiti bago sumagot.
"Sige po,"
"Kamusta kayo ng anak ko?", tanong ng ginang.
"Si Brie po?," tanong nito.
"Let me rephrase, kamusta kayo ng panganay ko?," tanong ni Brianna, hindi parin naalis ang ngiti.
Napakurap kurap muna si Ara bago sumagot.
BINABASA MO ANG
1st Thorn: End Of Conversation (TTGN Book 3)
Teen Fiction[UNEDITED] A battle between heart and mind, wishing you had another chance, if destiny gave you a one, what will you follow? What will you do? --- [THIS IS THE START OF THE 10 THORNS SERIES] By: LaykaxReid (Layka Akmad) All Rights Reserved. ©2019-2...
