Chapter 47

397 12 3
                                    

Ara can't deny it, at this point mukhang napanghihinaan na ng loob ang mga magulang ni Charm.

Ara looked at Charm lying on the hospital bed with tubes attached to her, her heart can't function well anymore on it's on that's why machines are present to support.

It's not that brain dead patients are a good news but at their current situation, it would help.

Napagtanungan na ni Ara lahat ng pwede niyang pagtanungan at wala paring balita. Charm can last long at her current situation pero kung hindi parin siya mahahanapan ng compatible heart donor ay magiging delikado ang buhay ni Charm.

"Excuse me muna po," pagpaalam ni Ara sa mga magulang ni Charm na kasama niya ngayon dahil mayroong tumatawag sakanya.

Nakita niya namang tumango ang mga ito bago siya umalis ng tuluyan.

"Hello?," sagot ni Ara sa tawag.

"Where are you?," tanong ni Yra, ang tumawag kay Ara.

"In the hospital," sagot naman ni Ara habang hawak ang batok dahil bumibigat na ang ulo niya, siguro'y kulang sa tulog.

"Until what time will you be there?," tanong naman sakanya ulit ni Yra.

"Hindi ko pa alam, may pasyente pa kasi ako," ani Ara.

"Papa will go there, can you check up on him, sinabi kong hintayin niya ako pero you know papa, he's on his way," kumunot naman ang noo ni Ara sa sinabi ng kambal. Bakit naman pupunta ang ama nila dito? She recalls the date, it's not even time for his monthly check up yet.

"Is something wrong?," nagaalalang tanong ni Ara.

"Do you recall Theodore Bartolommeo? His good friend? He was admitted earlier," ani Yra, of course he knows him, isa ito sa mga pinakamalapit kay Chase. Ara shuta her eyes for a second.

"Okay, I'll just contact papa kung nakarating na siya," ani Ara.

"Alright, I'm hanging up, I have a meeting to attend to," ani Yra bago pinatay ang tawag.

Pagkatapos ng tawag ay ginawa naman ni Ara ang sinabi niya kanina, he contacted his father at sinabi nitong malapit na siya sa hospital kaya naman nagpaalam muna si Ara sa mga nurse at sinabihan niyang tawagin siya kung may emergency bago niya abangan ang ama sa entrance ng ospital.

Ilang minuto ang lumipas ay nahagilap na niya ang kanyang ama.

"Oh, hulaan ko, sinabi sayo ng kambal mo, noh?," tanong sakanya ng ama na ngayo'y nakasalubong na niya.

"Opo, hinintay niyo nalang sana siya," ani Ara.

"Hija, Ted is a very good friend of mine, he's one of the few loyal friends I have despite the competition in the industry I was," anang ama niya habang naglalakad siya papunta sa elevator ng hospital.

Ara knew the floor patients like Theodore were admitted to kaya naman pinindot na iyon ni Ara.

Naghintay silang mabukas ang elevator at iniluwal sila nito sa floor man pinindot ni Ara kanina.

They went to the nurse's station there.

Binati si Ara ng ilang mga nurse kaya binati niya naman ito ng pabalik.

"Hi po doc," bati sakanya ng nurse na nakastation.

"Hello, anong room si Theodore Bartolommeo?," tanong ni Ara.

"413 po, kakalipat lang sakanya sa private room," anang nurse, nginitian naman siya ni Ara bago alalayan ang ama niyang pumunta sa kwartong binanggit ng nurse.

1st Thorn: End Of Conversation (TTGN Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon