Chapter 22

331 18 0
                                        

Chase woke up the next day feeling groggy for some reason, damn, this week feels so long, he checked his phone and it's still Thursday.

Tumayo na si Chase at ginawa ang pangkaraniwan niyang ginagawa sa umaga bago pumasok ng trabaho.

Oh right, he's going to pick up Ara.

Bago pa dumeretsyo sa site ay pumunta na siya sa condo ni Ara.

There, he saw Ara sitting in a bench not to far from the building she's from.

Ipinarada ni Chase ang sasakyan sa harapan nito bago bumababa.

"Hinintay mo pala ako," Chase said with a little amusement.

"Actually, I was going to book a ride, pero dahil nandito ka na, makakatipid pa ako," Ara jokes, at natawa naman silang pareho.

Pinagbuksan naman siya ni Chase ng pintuan ng sasakyan at pumasok naman si Ara.

The whole ride was quiet, dahil na rin siguro na hindi masyado mabuti ang pakiramdam ni Chase.

Pagdating nila ay bumaba na sila and it was like a normal day.

"Boss Chase," anang isang manggagawa kay Chase.

"Oh, bakit?", tanong naman ni Chase.

"Sir, medyo may problema sa taas, ipapakita lang sana namin sayo," anito.

Tumango naman si Chase bago isuot ang helmet at pumasok na kasama ng manggagawang kinausap siya kanina.

Nakita na ni Chase ang sinasabi ng manggagawa at madali namang naayos iyon.

Pababa na sana si Chase noong parang lumabo ang paningin niya at tila ba mas bumibigat ang pakiramdam niya.

——

May bagong mga papeles na kailangang pirmahan si Ara, she was busy on doing that noong narinig niyang sumigaw si Sunny.

"Sir Chase!", sigaw nito kaya naalintala si Ara, pati na rin ang kanyang sariling sekretarya.

Nagkatinginan naman sila ni Jo at lumabas sabay mula sa tent.

"Chase!", sigaw ni Ara noong nakitang nakahandusang sa sahig si Chase.

Agad siyang tumakbo patungo sa binata.

Inilapag ni Ara ang palad niya sa kanyang noo tapos sa leeg, he has a very high fever!

Tinignan ni Ara ang mga makatingin na manggagawa.

Sht! Her kit is inside her car, she has no choice but to bring him to the hospital.

"Dalhin niyo siya sa loob ng sasakyan," utos ni Ara sa mga lalaki na agad naman nilang tinugon.

Nagoffer na si Sunny na magpatakbo ng sasakyan ni Chase dahil ito ang gamit nila.

Pinasok ang walang malay na si Chase sa loob ng backseat at sinamahan siya dito ni Ara.

She was holding Chase and caressing his cheek.

"You shouldn't have gone to work," bulong ni Ara.

Habang nasa bisig parin si Chase tinawagan niya ang mga tao sa ospital.

"Hello, good afternoon, I have a patient 10 minutes from now ready the ER," agad na pinatay ni Ara ang tawag pagkatapos niya sinabi iyon.

"Don't leave.." narinig niyang bulong, mukhang nagising na si Chase.

"I won't, I won't, stay still," pagpapakalma niya dito.

Hinawakan ulit ni Ara ang noo ni Chase.

His temperature was still the same as before, mukhang malala ang fever niya.

Nakarating na sila sa ospital at agad silang tinulungan ng mga nurse upang ipasok si Chase sa Emergency Room.

"Doc Ara!", sigaw ni Nurse Mar.

Mabilis na gumalaw si Ara kasama ng mga nurse.

——

Brianna was gardening when her phone rang.

Iniabot ng isang maid ang kanyang telepono na nakalapag sa lamesa di kalayuan.

"Hello?," sagot agad ni Brianna.

"Mrs. Natividad, si Sunny po ito, isinugod po sa ospital si Sir Chase, nahimatay po siya kanina,"

Napasinghap naman si Brianna sa sinabi nito.

"A-ano? Anong ospital? Text me the location," nabalot ng pagaalala para sa anak si Brianna.

Hindi si Chase ang tipong nadadapuan ng basta basta ng sakit, kahit dati hindi ito sakitin, kaya nagaalala ng lubusan ang kanyang ina.

——

Nagpakawala si Ara ng isang marahas na hangin matapos mabigyan ng gamot si Chase.

He had an intense fever at sumama pa ang init ng panahon, kaya siya nahimatay, he wasn't eating well too, his secretary mentions.

Dahil wala siyang ibang pasyente, nakaupo lamang siya sa upuang nasa tabi ng kama kung saan nakahilatay ang walang malay parin na si Chase.

Unknowingly she was holding his hand.

Moments passed and Ara saw Chase stirring a little in his bed.

Mukhang gising na ito.

"A-Ara?", una niyang sinabi.

"Buti naman nagising ka na," Ara said with a dash of relief in her tone.

"What happened?", tanong nito sakanya.

"You passed out, sana hindi ka nalang pumunta sa site kanina, you could've told me you weren't feeling well, tsaka your secretary said you weren't eating right, tapos hinintay mo pa ako ng pitong oras noong nasa OR ako?", agad agad na sumabat ni Ara pero napatigil siya noong nakita niyang nakatingin lang sakanya si Chase ng nakangiti.

"Why the hell are you smiling?", tanong ni Ara.

"You sound like my mom just now," Chase teases.

Ara rolls her eyes.

"Hindi nalang pala sana kita ginamot," anito at akmang aalis na noong hinawakan siya ni Chase sa palapulsuhan upang pigilan.

"I'm just kidding, I was just admiring you... you're a really beautiful doctor," anito.

"Binola mo pa ako, kumain ka na, malilipasan ka nanaman ng gutom," ani Ara at itinuro ang nakalapag na pagkain sa lamesang nasa tabi ng kama ni Chase.

"Wala akong gana..." ani Chase, he wasn't lying, ayaw ng kanyang katawang kumain.

Umupo naman si Ara pagkatapos kunin ang mga pagkaing nakalapag.

"Sit down, I'll feed you," anito.

Chase released a chuckle before following her orders.

——

A/N: sorry for the late update! I was busy with my social media serye hehe but I promise before our class starts, nasa half na tayo nito.

I'm planning on ending this with 60 chapters tapos epilogue at special chapter/s (kung sisipagin ako 😂)

1st Thorn: End Of Conversation (TTGN Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon