Chapter 42

242 6 2
                                        

"Doc! Welcome back!," bati kay Ara ng mga nurse at iilang mga doktor na naging kasama niya.

"Nako, salamat, nagabala pa kayo," ani Ara dahil may pa-cake pa ang mga staff dito.

"Syempre naman Doc, namiss ka namin eh," biro ni Maryam, isa sa mga nurse na palaging nakakasama ni Ara.

"Nako," sagot ni Ara naman sa mga sinasabi nila sabay tawa.

"Tara na? Back to work?", anyaya ni Ara sakanila kaya pumunta na sila sa mga kani-kaniyang puwesto pagkatapos ng mabilis na selebraysong inihanda nila para sakanya.

Inayos ni Ara ang buhok niya para hindi ito maging sagabal sa trabaho lalo na't nasa emergency room sila ngayon.

Napabuntong hininga naman siya noong makita ang paligid, she's really back to reality now, hindi naman siya nagrereklamo dahil mahal niya ang trabaho nila kaya umikot-ikot muna sila sa mga pasyente doon para kamustahin ang mga iilan.

"Doc, car accident po, tatlong pasyente ang paparating, 5 minutes," anang nurse na nasa nurse's station bago ibaba ang tawag, tinanguan naman siya ni Ara bilang tugon.

Noong narinig na niya ang tunog ng ambulansya ay agad siyang tumakbo palabas upang salubungan ito kasama ng apat na nurse.

"What happened?," tanong ni Ara sa premedics na kasama niyang nagtutulak sa pasyente.

"Car accident, tumama siya sa isang poste, the child in the backseat has a hard time breathing, the 2 people in front are unconscious with bleeding in areas involved," the premedic filled the informations, agad naman iyon inalala ni Ara.

Ang ibang mga nurse at kasama niyang doctor ay naroon na sa dalawa pang pasyente at si Ara naman ay may kasamang dalawang nurse, ang lalaking kasama sa aksidente ay ang nagmamaneho, dumudugo ang gilid ng ulo nito at may malaking pasa sa braso.

Ara got her light and gently opened the patient's eyes and faced the light there.

Inutusan niya na rin ang mga nurse na kasama niya.

Dahil may bleeding sa ulo ay ipapa-CT Scan ito at x-ray naman para sa braso.

Pagkatapos ito gawin ay naghihintay nalang sa resulta ng mga test na isinagawa. Ara sighed after looking at her wristwatch, it took them 2 hours for this emergency, stable na ang kondisyon ng mga pasyente kaya naman napaupo si Ara sa isang stool malapit sa nurse's station, ngayon lang siya nakaupo pagkatapos ng dalawang oras.

"Ayos ka lang po ba, doc?," tanong sakanya ng isang nurse, tinanguan niya naman ito sabay ngiti para ipakita na ayos lang siya.

"Dra. Saavedra, andito ka na pala, welcome back," bati sakanya ni Dr. Li.

"Ah, oo, ngayon lang," ani Ara bago tumayo sa pagkaupo dahil pupuntahan niya na ang mga pasyente niya.

"Sige, I'll go ahead, see you around," pagpapaalam sakanya ng doktor kaya nginitian naman siya ni Ara.

"Kamusta na si Charm?," tanong ni Ara sa mga nurse.

"Hindi pa po sila bumabalik simula noong nakaraang buwan, hindi na daw po nahihirapan huminga si Charm," masayang balita kay Ara ng isa sa mga nurse.

Dahil doon ay gumaan ang loob niya, thank god.

"Mabuti naman kung ganoon," ani Ara sabay ngiti.

Hindi na namalayan ni Ara ang oras dahil tapos na pala ang shift niya.

Habang paakyat sa clinic niya para magpalit ng damit ay tumunog ng telepono niya.

Chase: hi baby your shift done?

Napangiti naman si Ara sa nabasa niya.

Reply: yup

Bago pa man maibaba ni Ara ang telepono pagkatapos magreply ay tumunog agad ang telepono niya.

Chase: I'll pick u up, let's have dinner, I'll wait for u outside the hospital

Reply: okay, I'll just change

Pagkatapos niyang ireply iyon ay tuluyan niya na binaba ang telepono dahil tumunog na ang elevator.

Pumasok na si Ara sa clinic niya at mabilis na nagbihis at nagayos, wala si Jo ngayon dahil may event ang anak nito.

Pagbaba niya sa lobby ng hospital ay nakita niya na ang sasakyan ni Chase mula sa glass wall ng hospital.

Ngumiti naman siya dahil doon.

Siguro'y nakita din siya ni Chase dahil lumabas ito mula sa sasakyan niya at hinintay na tuluyan na makalabas si Ara.

Umikot naman si Chase para buksan ang passenger's seat para kay Ara, pumasok naman siya at isinara na ni Chase ang pinto bago umikot ulit at pumasok na sa driver's seat.

Chase kissed her cheek after entering the car before talking.

"How was your day?," Chase asked.

Ara smiles before answering, "tiring, but, rewarding at the same time," she answers.

"How about you?," tanong naman ni Ara pabalik.

"It's okay, just a little problem in one of our sites, pero naayos naman," Chase honestly answers.

"Mabuti naman kung ganoon," Ara said before Chase successfully started the car's engine.

"Where do you want to eat?," Chase asks, still facing the road in front.

"I'm craving pasta," Ara answers.

"Alright, pasta it is," ani Chase bago ngumiti ng marahan sa naging tugon ni Ara.

Mabilis naman nilang narating ang pagkakainan nila.

Umupo naman na sila at nagorder pagkarating ng waiter.

"Ara," tawag ni Chase sa kasintahan, tinignan naman agad siya nito.

"Hm?," Ara answers as Chase caught her full attention.

"Remember after our first year in college, diba magkikita dapat tayo?," Chase started, agad naman nag-iba ang ekspresyon ni Ara.

"Yeah, I remember," ani Ara, hindi maipinta ni Chase ang ipinaphiwatig ng mukha ng dalaga pero patuloy parin ito sa pagsasalita.

"B-Bakit.. hindi ka dumating?," medyo alangan na tanong ni Chase pero nasabi parin ng buo.

"I'm sorry," tanging naging sagot ni Ara, parang piniga naman ang puso ni Chase sa nasabi ni Ara, after years, ngayon niya lang narinig ang patawag ni Ara.

"Gusto ko lang malaman," ani Chase, which was true, after what he found out recently, naalis ang kadenang nakaikot sa puso nito na pinipigilan siyang magmahal ulit ng buong buo.

"Si p-papa.." simula ni Ara, agad naman tumingin si Chase kay Ara, may halong gulat sa ekspresyon.

"He got into a car accident, nung gabing iyon, sinubukan kong sabihin sayo, I tried to contact you, pero hindi ka na sumasagot," Ara said, her eyes sparkling, tears just waiting to fall.

"I'm sorry," ngayon si Chase naman ang nanghingi ng tawad, bakit hindi niya alam 'to? Chase wanted to punch himself badly.

"It's okay, don't say sorry, I just couldn't think straight that time, I left you hanging, hindi ako mapakali noong nakitang madaming dugo ang nawala sakanya, mabuti nalang pareho kami ng blood type," ani Ara.

Chase felt a big wave of guilt, he didn't even know that Ara went through that kind of pain.

He wouldn't know because he was too busy.

Too busy suffering on his own.

1st Thorn: End Of Conversation (TTGN Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon