Chapter 1

154 4 0
                                    

Napatingala ako sa langit habang pinupunasan ang pawis na noo. Alas kwatro imedya na ng hapon pero maalinsangan parin.

Nakatayo ako sa tabi sa poste ng kuryente malapit sa gate ng San Concepcion Colleges. Nasa harap ako ng sentrong palengke ng San Concepcion. Maraming tao sa paligid pero kanya kanya sila ng pinagkakaabalahan.

Hinaplos ko ang pusang nakahimlay sa bisig ko. Napapapikit siya sa bawat haplos ko.

Napangiti ako sa reaksyon niya.

He's so adorable and sweet.

Kulay abo ang madumi niyang balahido. Ang mga mata niya naman ay kulay itim. Buto't balat siya dahil hindi nakakakain ng maayos at palabuy-laboy lang.

Kanina pa ko nag-aabang dito sa may gate ng mapansin sa kalye ang pusang ito na mukhang naghahanap ng makakain. He look sad and weak dahil narin sa sobrang kapayatan. Di ko mapigilang lapitan siya. I fed him and decided to just adopt him. Mukha namang walang nagmamay-ari sa kanya.

Hindi ito ang unang beses na sumubok akong magkupkop ng hayop sa bahay. This is the third time actually. At lahat ng iyon ay takas lang dahil ayaw ni mommy ng alagang hayop sa bahay.

Hinigpitan ko ang hawak sa pusa ng makitang palabas ang taong hinihintay bitbit ang bike niya.

Malayo palang si kuya Claud kita ko na siya dahil sa tangkad niya. Nilabas niya ang cellphone at nagbasa ng malamang text ko.

Halos isang oras akong naghintay dito sa labas ng school niya. First day of class ngayon. Ito ang unang araw niya sa college. He's taking up BS in Accountacy. At ako naman ay Grade 10. Magkalapit lang ang campus namin. Kaya dahil ito ang unang araw na magkahiwalay na kami ng school at alam ko na wala pang regular classes sinundo ko siya.

Kunot ang noo na luminga-linga siya sa paligid. Lalong nagsalubong ang kilay niya ng makita ako. Malalaki ang hakbang niya palapit.

Ngumuso ako . Parang alam ko na ang kasunod nito.

"What are you doing here? Sabi ko sayo mauna ka na umuwi." Inistand niya ang bike niya sa tabi ko.

"Eh kase...... di ako sanay na wala ka." I pouted.

For how many years, nasanay akong isang campus lang kami. For how many years nasanay ako na sabay kaming umuuwi. Kaya ngayon I feel so lonely kung uuwi ako mag-isa.

"Ang dungis mo."

"Sorry."

"Bakit ka nag-sosorry?"

"Kase ang dungis ko."

Bumuntong hininga siya at nilabas ang panyo. Pinunasan niya ang pisngi ko.

"Saan ka na naman ba nagsuot at may bitbit ka na naman."

"Eh kuya. Can we adopt him?"

"Shine, alam mo ang sagot diyan."

Nilagpasan niya ko para lapitan ang nakahandusay kong bike sa gilid ng kalye. Tinayo niya ito at inayos ang stand.

Sumunod ako sa kanya.

"Pero kuya kawawa naman si Rain kung iiwan natin siya pakalat kalat sa kalye. Wala na siyang pamilya."

"Rain?" Turo niya sa pusa na di makapaniwala.

"Yap." Tinuro ko ang sarili. "Sunshine." Matapos ay ang dibdib niya. "Claud." At sa huli ay ang pusa "Rain."

Humawak pa ko sa polo niya pagkatapos kaya natigilan siya. Tumingin siya sa kamay kong nakahawak sa kanya. Napansin kong madungis ito kaya napabitaw ako sa kanya. Madudumihan siya.

Till They Take My Heart Away [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon