Midnight ng maisipan nilang magligpit na. Humihikab na pinanood ko lang sila. Nasa bisig ko ang bata.
"Roxas, tumulong ka dito." Utos ni Kuya Denise.
"Tinatamad ako." Nagkunwari akong busy sa pag-uroy sa bata.
"Nah, kaya ko na yan. Iwan niyo na lang ang mga kalat diyan." Singit ni Claud. "And also dito matutulog ngayong gabi si Shine."
Humihikab na bumaba na ang mga kaibigan ko. Walang umimik.
Nakahimlay na ang luggage ko sa sofa. Bumalot ang katahimikan ng isara at ilock ni Claud ang pinto. Tumitig siya sakin pagkatapos. May kinang ang mga mata. Uneasy sa mga titig niya na binitbit ko ang bagahe ko.
Lumapit siya at inagaw ang bitbit ko. "Saan ako matutulog? Gusto ko ng magpahinga."
Sumunod ako sa kanya paakyat sa second floor ng bahay. Sa second floor ay may iba't ibang abstract painting. Sabi niya kanina ay mag-isa lang siya dito nasaan ang lolo at lola niya kung ganoon ?
Ginaya niya ko sa pinaka huling pinto. He opened it for me. Tumaas ang kilay ko ng marealize na kwarto niyo ang pinasukan namin. Binaba niya ang bag ko sa sofa malapit sa king size bed niya. Maging ang bed sheet at lamp shade niya ay kulay gray.
"Claud, why gray? Blue is your favorite color?" Hindi ko na napigilan ang pagtatanong.
Napangiti siya habang nilalapitan ang bintana. Sa katahimikan ng gabi naririnig ko ang mga alon sa kalapit na dagat.
"That's the color of my life this past few years."
Gray.
Sinara niya ang bintana.
"Can you please let it that way. Gusto kong nakabukas lang yan."
Sinunod niya ko sa gusto ko.
Umupo ako sa kama habang iniikot ang paningin sa kabuuan ng kwarto niya. Is this kuya Denise's design ? Impressive. "I think this is your room. You'll letting me sleep here?"
"You'll be more comfortable here. I'll just sleep in the room next door. Katukin mo lang ako kung may kaylangan ka."
"Are you drunk ?" I asked him.
"No"
Dumeretso na siya sa pinto. "Magliligpit lang ako sa taas. Pagkatapos ay babalik ako dito para mag shower. May kaylangan ka pa ba?"
Umiling lang ako kaya tuluyan na siyang lumabas ng pinto. Nanghihina na inalis ko ang sandals at nahiga na ako sa kama niya.
Nakarating na kaya dito si Ate Shiela. Malamang! Sininghot ko ang kumot niya. At niyakap ang unan niya. Amoy Claud! Hindi na siya nagpalit ng pabango. Pumikit ako para makapagpahinga. Nagising ako ng may marahang dampi ng kamay sa noo at leeg ko. Namulatan ko ang maamong mukha ng lalaki.
"Did I wake you up? May dala akong gamot inumin mo muna."
Tahimik akong umupo ng inabot niya ang gamot at tubig sa akin.
"Nagdala pa ko ng extrang unan para mas maging komportable ka." Nilagay niya iyon sa paligid ko. "Don't you want to change your clothes before sleeping."
Umiling lang ako at nahiga ng muli.
"Hmp, okay go back to sleep now." Inayos niya ang kumot ko bago patayin ang mga ilaw.
BINABASA MO ANG
Till They Take My Heart Away [COMPLETED]
Teen FictionMy name is Sunshine Roxas , I'am a miracle baby. Akala ng magulang ko hindi na sila magkakaanak kaya inadopt nila ang anak ng bestfriend ng mommy ng mamatay ito. He's name is Claud Lindon Jimenez. I grow up being dependent to him. Dahil na rin sa pa...